Chapter 37

145 4 3
                                    

Pain

Madaling araw na pero heto't nagdidisenyo pa rin ako.

Halos lagyan ko na ng sili ang ibaba ng mata ko, hindi lang makatulog. Pagod na pagod na ang buong katawan ko. Nakaupo ako sa harapan ng study table ko habang busy na ini-sketch ang inuutos ni Denber. Samantalang sa gilid ko naman ay dere-deretsong paglabas ng nire-reprint ko mula sa printer.

"He's a devil. Napakasamang tao..." bulong ko sa sarili ko, habang tinatapos ang labas na disenyo. Ayoko namang magpatulong kay Kuya Vilex, dahil bukod sa wala siya rito ngayon sa bahay at hindi niya alam ang magdrawing, gusto ko ring paghirapan ito para walang reklamo si Denber bukas.

Masakit na ang baywang, batok at likod ko. Isama mo na rin ang namamanhid na kamay at braso ko dahil kanina pa ako nagi-sketch dito sa drawing tablet ko. Nakasuot pa ako ng anti-radiation glasses dahil sumasakit na rin ang ulo ko.

He's so cruel to me. Ano ba kasing nagawa kong kasalanan at pinaparusahan niya ako ng ganito? Mugto pa kanina ang mata ko kaiiyak, pero alam kong wala iyong patutunguhan kaya sinimulan ko na kanina ang pinapagawa ng hinayupak na 'yon.

Saktong alas tres ng madaling araw, natapos na rin ako. Nagprint ako ng original copy nito, at sinort sa maayos ang mga na-print ko kaninang dokumento. Kapag soft copies naman ang hihingiin, nakaayos na rin iyon sa isang USB na itinago ko na sa bag ko.

Bago ako natulog, sinusumpa ko si Denber sa kasamaan niya sa akin.

Halos paglapat pa lang ng malambot na hinihigaan ko, ay ganoong kabilis lang din ang pagring ng alarm clock ko. Pakiramdam ko wala pang ilang oras ang tulog ko dahil sabog na sabog talaga ako. Hindi pa bukas ang isang mata nang isara ko ang huni ng alarm clock.

Pero dahil alam kong may ulong bulkan na naman mamaya, minaigi kong ayusin ang sarili ko.

Nakasuot ako ng square neck shirred plain maroon knee-length dress. Ipinares ko iyon sa red flats ko, ang buhok ko naman ay inipit ko sa kalahati. I put makeups, buti na lamang at gamit ang concealer, medyo naitago ko ang pangingitim sa ibaba ng mata ko. Pero halata pa rin ito kapag tinititigan mo nang malapitan.

Lutang ang isip ko habang bumabyahe sa gusali nila. Ilang beses pa akong nauntog sa kotse, dahilan para palagi akong tanungin ng driver ko. Paano kasing hindi? Puyat na puyat ako, ni hindi ko na nga rin nagawang mag-almusal kahit kanda tawag si Papa sa akin sa hapag. At kagagawan iyon ng lalakeng iyon. Nakakainis.

Pagdating ko sa building ay nakilala naman nila agad ako. Syempre, ilang beses na uma-attend ako sa meeting at kilala ang partnership namin sa Walden. May nagpresinta pang tumulong sa akin, dahil bitbit ko halos lahat ng dokumento at orihinal na kopya ng disenyo.

"T-Thank you." wala sa sariling sabi ko sa isang makisig na lalake na tumulong sa akin. Dadalawa lang kami sa elevator, at kung hindi ako nagkakamali, kilala ko ito! Familiar sa akin ang pangangatawan niya! Siya iyong ka-ano ni Loire sa isang opisina!

"You can call me Mateo, you're the unica hija of the Smiths right?" friendly niyang tanong. Tumango lang ako sa kaniya.

Kung tutuusin ay gwapo naman ito, halatang matalino, may pinag-aralan sa buhay, mayaman, at makisig ang pangangatawan. Ewan ko bakit natu-turn off ako sa mga lalakeng kung sino-sino lang ang kinaka-sex. I mean, hindi ako sure kung nakikipag-ano rin itong si Mateo sa iba, pero halatang libido lang nila ni Loire ang nagpalapit sa kanila, kasi si Loire, iba naman talaga ang gusto. Si Denber iyon.

Walang imikan hanggang makarating kami sa tamang palapag. Wala na akong magawa kung hindi ang pagbigyan si Mateo na sumunod sa akin. Kahit pa medyo ramdam ko rin ang kakaibang titig niya. Kanina niya pa kasi ako pilit kinakausap sa elevator, e halatang hindi naman ako interesado sa kaniya.

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon