Chapter 46

217 7 3
                                    

Freed

"Hindi ako uuwi sa 'yo."

Iyon ang sabi ko nang nasa loob kami ng kotse. Pauwi na kami ngayon sa Manila dahil wala naman akong choice. Kailangan ko pa ring magpakita sa isang ob-gyne. Mabuti na lamang at nakapagpaalam ako kila Ate Morgan at Cath, pati na rin ang mga kasama nila sa bahay.

"Sa bahay ko kayo uuwi." tipid niyang sagot habang nagmamaneho.

"Ayoko." sagot ko. Kahit na may mga sinabi ako sa kaniya kanina, galit pa rin ako. Galit na galit. Hindi pa rin mabawasan ang sakit na dinidibdib ng puso ko.

I felt his gaze on me through the rearview mirror.

"Pero mas makabubuti para sa inyo roon—"

Inis na nilingon ko siya. "I said I won't go to your house! Mas mabuting hindi kita nakikita!" I lied. Kahit sa totoo, gustong-gusto ko siyang yakapin at halikan. I missed him so much. I don't know but my mouth seems like it has own brain to think.

Napayuko lang siya, bago tumingin sa dinaraanan. "Alright. I'm sorry. I just want to take care of you and our baby." he huskily said, I even saw his tight grips on the steering wheel.

Napaiwas ako ng tingin, ayokong bumigay. Ang dami ko pang gustong itanong sa kaniya, gusto kong magtanong nang magtanong hanggang makumbinsi ko ang sarili ko na wala na 'yong mabigat na dinidibdib ko.

"I can take care of myself. Kaya ko ring alagaang mag-isa ang anak ko." malamig kong sabi, habang ngayon ay nakalingon na sa bintana ng kotse.

"Natin, Jia. Anak natin." pagsesegundo naman niya, bumuntong-hininga na lang ako, hindi na umimik pa.

Kanina, matapos naming nag-usap at gumawa ng eksena sa labas ng bahay nila Ate Morgan, nagpaalam ako sa kanila, bago inayos ang sarili dahil gusto ko na ring umuwi ng Manila. Pero habang iniisip ko 'yon, hindi ko maiwasang maawa.

Halatang puyat si Denber, halatang may hangover siya at halatang pagod. Ni hindi ko man lang pinakain o pinainom man lang ng tubig bago kami tumulak pabalik sa Manila. I bit my lower lip.

"Stop the car to the nearest restaurant. Kumain tayo." sabi ko sa kaniya habang nakapikit, ayokong makita ang reaksyon niya. Ayokong mahalata niyang nakokonsensya ako sa kaniya.

"Alright." he said.

Kahit may hangover siya, nangingibabaw pa rin ang amoy niyang mabango. Gusto kong humagikhik, isang linggo kong na-miss ang amoy niya. Kinagat ko na lamang ang pang-ibabang labi ko, bago hinaplos ang maliit kong tiyan.

Sabi ng doktor, nang na-confine ako sa ospital, I am two weeks and four days pregnant. I still can't believe it.

Parang kailan lang, naiinggit ako kay Kuya Vorge dahil may dalawa siyang anak, si Elena na may babaeng anak, at si Ate Morgan na may isa ring anak. Napangiti ako, mayroon na rin akong baby. Hindi na ako maiinggit sa iba.

Katulad ng napag-usapan, kumain kami sa malapit na restaurant. Mabuti na lang at naka-dress na ako ngayon, hindi 'yong pang-ospital dahil pagtitinginan siguro ako rito pag nagkataon.

Tahimik kaming kumain. Kahit na munting mga kilos niya napapansin ko, I let him order my food. Tapos 'yong pinili niya, 'yong mga masusustansya, nag-take out pa siya para kapag nagutom ako sa biyahe, may kakainin daw ako. Walang imikan habang kumakain, pero pansin ko ang pagsulyap-sulyap niya sa akin na parang mino-monitor ako.

Tinuloy namin ang biyahe matapos n'on.

Alam kong pagod na siya, dahil ilang oras siyang bumiyahe kagabi para makarating dito kanina, tapos bi-biyahe na naman siya ngayon ng mahaba pauwi. Masyado na ba akong masama? Hindi ko tuloy maiwasang lingunin siya maya't-maya.

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon