Chapter 12

120 7 8
                                    

Solution

"I'm sorry for just dropping that word, hindi ko po kasi alam ang buong kuwento kanina..."

Napasulyap ako kay Viela na nakanguso habang kumakain kami ng dinner. She's so cute, with her easy friendly eyes.

"Ayos lang, Viela. Kasalanan ko rin naman dahil ako ang nakitira rito." sabi ko sa kaniya dahilan para mapatingin siya sa akin.

"Remember that I was the one who insisted, Jia. It's not your fault." sabat naman ni Denber na nakaupo sa kabisera, nasa magkabila niya kami ni Viela kaya magkaharap kami ng kapatid niya. Napatingin ako kay Denber at magsasalita pa sana ako ngunit pinanlakihan niya ako ng mga mata kaya awtomatikong tinikom ko ang bibig ko.

"I'm sorry, nakakahiya kay Ate Jia." namumulang aniya bago pinagpatuloy ang pagkain. Napangiti lamang ako sa kaniya bago siya nagbaba ng tingin sa akin.

"Ayos lang, Viela."

Pinagpatuloy na rin namin ang pagkain matapos, napapansin ko rin kay Denber na medyo strikto siya sa kapatid dahil pinapagalitan niya si Viela kapag hindi niya kinakain ang gulay, maya't maya sinasandukan ang kapatid dahil payatot na raw si Viela.

"Kuya! I'm keeping my image! Tama na, I need a proper diet!" reklamo ni Viela bago nagmamaktol habang nakatingin sa dinagdag ni Denber na pagkain niya.

Tiningnan siya nang mariin ni Denber bago ibaba ang kubyertos. "Kahit na, pinapatay mo ang sarili mo sa diet na 'yan. Si Jia nga malakas kumain pero hindi naman tumataba,"

Nang sabihin niya iyon ay muntik na akong mabilaukan sa kinakain kaya napatingin sila sa akin. Tila natauhan si Denber sa sinabi kaya mabilisan niya akong dinaluhan ng tubig para may mainom ako. Si Viela naman ay nakakunot noo habang nakatingin sa amin ni Denber.

"Ano'ng sabi mo, Kuya? Sinong malakas kumain na hindi tumataba?" tanong pa nito kaya tiningnan ko si Denber na nasulyap kaagad sa akin, nginitian ko siya nang matalim at inapakan sa ilalim ng lamesa ang kaniyang paa. I saw how his Adam's apple moved when he gulped.

Matapos niyon ay naghugas na ng plato si Denber, habang si Viela naman ay kasama ko sa kwarto ko.

"Oh! So you love cats po?" tanong ni Viela bago nilapitan si Bunny na nasa sariling kama malapit sa kama ko, natutulog. Sumalampak siya sa sahig at hinaplos ang pusa ko.

"Yes," mahinang sagot ko bago umupo sa kama. Sa totoo lang ay nahihiya ako kay Viela, himala nga lang dahil hindi nag-iinit ang ulo ko sa kaniya. Kung hindi lang ako bitter sa true love baka i-assume ko na sister-in-law ko na siya.

"It's a color orange British Longhair cat! Saan niyo po binili? Ang alam ko ang origin nito ay sa Great Britain pa?" tanong niya nang hindi nakalingon sa akin. Napalunok ako, ganoon ba? Nakakahiya naman at mas mukhang matalino pa itong bata kaysa sa akin.

"Niregalo sa akin ni...Lurcxen." sagot ko. Napaangat siya ng tingin sa akin, nahihiyang ngumiti siya sa akin bago nagtanong. "Sorry, I'm so curious. But who is that?"

I, then remembered that guy named Lurcxen. Umiiyak ako noon dahil hindi ako sinama nila Mommy sa isang family event na requirement nila sa kompanya. High school pa ako noon, nagtampo ako noon dahil hindi nila ako pinayagan sa field trip namin, hindi pa sinama sa lakad nila.

"Hindi nila ako love," umiiyak na sabi ko habang nakaupo sa swing, kasalukuyang nasa playground ako malapit sa village namin. Naka-uniform pa ako dahil kagagaling ko sa lang school kanina, bukas ang field trip pero hindi ako pinayagan tapos hindi pa ako sinama sa lakad nila.

Tinatadyakan ko ang bawat bato na malalampasan ng paa ko tuwing dinuduyan ko ang swing. Hapon na pero wala akong balak umuwi, wala rin naman akong makakasama sa bahay.

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Where stories live. Discover now