Chapter 43

204 6 0
                                    

Kailangan

Hindi nagbago ang ancestral mansion nila rito sa Laguna, ganoon pa rin maliban sa may mga bagong halaman sa labas at na-renovate ang exterior designs ng bahay.

Noong una, kinakabahan ako nang pumasok kami sa mansion, hindi naman kasi kalayuan ito sa tinutuluyan namin sa gitna ng kagubatan.

"Fudge..." mahinang bulong ko nang makita ang mga baby ko.

Kaagad akong kumawala sa hawak ni Denber, at kaagad lumakad patungo sa malawak na couch, may nakabantay na isang katulong sa kanila, pero nang makalapit na ako ay tuluyan na itong umalis, dinig ko kasing nagpasalamat si Denber dito.

Kaagad nag-ingay si Bunny nang makita ako. At hindi ako nabigo, nang buhatin ko siya ay nag-ingay siya na tila may sinasabi sa akin ngunit hindi pumalag. She's so healthy, mas mataba siya kumpara sa taba niya noong inaalagaan ko pa siya.

I can't believe Denber have time to babysit them.

Niyapos ko si Bunny, habang ang apat na maliit na kuting dati, ngayon ay matataba na rin. Malaki sila, ngunit may kaliitan dahil munchkin sila. Maiiksi ang mga kamay at paa, but they are so cute! Iyong gray ang kulay ay kaagad lumapit kay Denber.

"Hello, Drev." mahinang tumawa si Denber nang magsimulang kuskusin ni Drev ang katawan sa paa ni Denber. Kaagad niya itong binuhat at naupo sa couch, pinaupo niya rin sa kandungan niya si Lily, Elcy at Autumn.

Napangiti ako kung paano matuwa si Denber sa noon ay alaga ko. I can't believe I gave him this responsibility. Pakiramdam ko pwede na siyang maging tatay.

"What?" he chuckled when he saw my amused look at him. I smiled warmly to him. "Thank you for taking care of them, Denber."

Dati, hindi lingid sa kaalaman ko na parang hindi mahilig si Denber sa mga pusa. Naaalala ko kasi na kapag sobrang clingy ko kay Bunny, sinasamaan niya ng tingin ang pusa. Pero heto siya ngayon, halos maging tatay sa mga alaga namin.

Malinis, at maaliwalas ang mansion. Nagpaluto si Denber ng pananghalian sa mga katulong dito bago namin napag-usapang magpunta sa bayan. Nang matapos kaming kumain at ang mga pusa, ibinigay niya ito sa mga katulong at seryosong nagbibilin na huwag papabayaan ang mga pusa, dahil kapag babalik na kami sa Metro Manila, dadalhin na namin ang mga ito.

Nagpaalam si Denber na maliligo muna sa kwarto. Sumama ako sa kaniya sa kwarto, habang malakas na lumalagaslas ang tubig sa shower room, umupo ako sa kama.

"Are you sure baby that you won't like to join me in shower?" dinig kong sigaw mula sa kinaroroonan niya, napailing ako at humalakhak.

"Baliw ka! Bilisan mo na riyan dahil ako ang susunod!" sigaw ko pabalik, I heard his soft chuckles again.

"Nagtitipid kami ng tubig, Jia. Sumabay ka na!" biro pa niya, umismid ako. Ang ganda ng trip niya.

"Denber, just shower well!" wala na akong maisasagot, dahil alam ko ang kababagsakan ng ano mang mangyayari kapag sumabay ako sa pagligo niya.

Muli akong napatingin sa kwarto, walang pinagbago. Kung ano ang bed sheets noon, at mga kurtina, kung ano ang ayos noon nang iwan ko ito, ganoon pa rin. Pero halatang nilalabahan ang mga ito, malinis naman. Hindi ko lang magawang iwasan ang mga huling alaala ko rito.

Tumayo ako at pinagmasdan ang kwarto. Dito, kung saan pinutol ko ang relasyon namin. Pinutol ko ang relasyon namin para sa ikabubuti ng mga pamilya namin.

There are a lot of problems on that moment. Pakiramdam ko, may plano talaga ang tadhanang udlutin ang ligaya ko. Kung kailan ako natutong magseryoso ng tao, kung kailan ako natutong magmahal ng sobra pa sa sarili ko, ay iyon naman ang pagbaliktad niya sa mga nangyari.

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon