Chapter 27

117 5 4
                                    

Abused

The sun's rays are slowly rising.

Naghahalo pa rin ang dilim at liwanag. Ang matalim na hampas ng hangin na dumadampi sa balat ko ay marahas at malamig. Wala akong ibang maramdaman kung 'di ang sakit.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat. That Hudson...paano niya nasasabing hindi niya anak sila Ate Morgan? Dahil anak niya ito sa ibang babae? Dahil hindi si Mommy ang tunay na ina? But he's too overprotective on my sister before! What's the sudden change?

"Activate the bombs, Smith's on the way!" sigaw ni Hudson. Sinabunutan niya ako at hinila papunta sa top deck. Nakasakay na kami sa cruise ship niya. Medyo malayo na kami, at hindi ko alam saang parte ito. Nasa bahaging Visayas na yata kami.

Nagkumpulan ang mga tauhan at kaniya-kaniyang naglabas ng baril, at nag-guwardiya sa paligid, habang ang iba naman ay may tinatawagan.

"First 7 kilometers away from the port, activate the nuclear bombs."

Halos mabingi ako sa kaguluhan nila. Nasa top deck ako habang nakasabunot sa akin si Hudson. Mahigpit ang hawak sa akin habang ang kamay ko ay nakatali.

"They can't rescue you!" tumawa si Hudson. Lalo na nang malamang hindi kami nasundan ng mga Smiths.

Matagal ang byahe. Lumabas na ang haring araw pero iginapos ako sa railings sa top deck. Naiwan akong mag-isa. Masakit ang tama ng araw sa balat ko. Pakiramdam ko nasusunog ako.

Malayang lumilipad ang buhok ko. Habang nasa loob ang mga tauhan at si Hudson, nagmumuni ako dito sa labas.

Denber might be searching for me now.

Gusto kong umiyak na naman sa naalala. Siguradong hinahanap na ako ni Denber. Ganoon kasi 'yon, hindi mapakali kapag hindi ako nakikita sa umaga. I clenched my fist on that idea.

Paniguradong sinasabunutan na niya ang buhok niya sa inis. Baka nagagalit na 'yon. Ano kayang reaksyon niya sa sulat ko?

The ideas was pretty painful, reason why I divert my mind off it. Masyadong masakit. Hindi ko pa rin kaya. Hinding...hindi.

Maya-maya ay nakita ko na ang kaisa-isang isla. Malapit nang matapos ang paglalayag. Medyo maliit ang isla, pero sapat na para matawag na malaki kapag nakatapak ka na.

Napapaligiran ito ng mga kahoy ng niyog, at iba pang hindi kilala na kahoy. Sa gitna ng isla may malaking puting mansyon, sa harap ng mansyon ay malawak na lupain, may garden, may gazebos, fountains, at iba pa. Beach na ang nasa harapan.

Surely this looks like a palace in fairytales, but the owner is its own villain. Nakatali pa rin, hila-hila ako sa buhok ni Hudson nang bumaba kami.


Tumatawa pa ito habang nakikipagkwentuhan sa mga tauhan niya.


"Hindi sila makakatapak dito, unless mag-ayos sila ng mas malakas na weapons. But it'll take a month. Sa panahong 'yon, nakuha ko na ang kompanya at kasal na si Jia." tumatawang aniya.


I didn't find the guts to hear him out. Ayoko, mas nahihirapan lang ako sa naririnig. Nang makapasok sa loob, hindi niya man lang ako pinainom ng tubig o pinakain man lang. Idiniretso ako sa isang silid sa ikatong palapag. Ikinulong doon, ngunit nakatali pa rin ang mga kamay.


Iniwan ako roon, nakasara ang bintana, madilim ang silid, maalikabok at halatang sinadyang hindi linisan para sa akin.


Umupo ako sa gilid at niyakap ang tuhod kahit mahirap, dahil sa tali.


Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Where stories live. Discover now