Chapter 14

142 6 0
                                    

Fight

"Put your hands on my shoulder, Jia." he whispered.

Kasalukuyang nasa loob na kami ng venue, nakisiksikan na kami sa mga nagsasayawan. Maganda ang musika na umaalingawngaw sa kabuuan ng lugar, ang disco lights ay nakabukas na, kasama ang neon lights na nakikisingit sa pag-ilaw sa paligid. Mabagal ang ritmo ng kanta, nakakaliyo, ang liriko naman ay magandang pakinggan.

Nang hindi ko pa sinunod ang nais ipagawa sa akin ni Denber ay siya na mismo ang kumuha sa kamay ko at nilagay iyon sa kaniyang balikat, bago niya pinadausdos ang kaniyang kamay papunta sa aking baywang. Ang mabagal na galaw niya ay nakakapanindig balahibo sa akin, ang paglapat ng kaniyang kamay sa aking baywang kahit may tela namang nakatakip ay nanatiling nakakanginig sa kaba, kaba dahil bumilis kaagad ang tibok ng puso ko paghawak niya.

Kaagad akong napatingin sa kaniya nang sinimulan niyang sumabay sa tugtog. Direktang-direkta ang paninitig niya sa mga mata ko, nalulula tuloy ako sa maitim niyang mga mata.

"I wonder if your daughter will get her eyes from you." he said. Napakunot-noo ako sa sinabi niya bago humalakhak.

"Iniisip mo pa ba iyan? Matagal pa 'yon, ayoko pa'ng magkaroon ng anak." simpleng sagot ko sa kaniya habang napapahalakhak pa rin. Ngunit seryoso lamang ang tingin niya sa akin na parang pinapanood lang maghapon ang mukha ko.

"I want a daughter." tipid na sagot niya kaya tinitigan ko siya nang mabuti.

So he wants a daughter? Napakagat labi ako bago iniisip na may anak nga kaming babae. I punched my brain mentally, ayoko nga muna sa mga bata dahil hindi pa ito ang tamang oras para roon.

"With whom?" I asked him, unti-unti kong iniwas ang tingin ko sa kaniya, takot na maaaring ikasakit na naman ng puso ko kapag may sinabi siyang hindi ko magugustuhan. Marahan at malamyos lamang ang galaw namin, tila ninanamnam ang bawat sandali.

Nang titigan ko siya ay binasa niya ang kaniyang pang-ibabang labi. "Secret." he laughed at me when he saw my reaction after hearing what he's said. Paano ba naman? Halos malukot na ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

Binigyan kasi ako nang pag-aasam na may pag-asa akong, ako iyon, ngunit may tsansa rin na wala.

Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang aming pagsasayaw.

"I heard from your sister that you dance?" I asked him while we're dancing smoothly. He bit his lower lip before nodding. "But not now," he said. Tinaasan ko siya nang kilay.

"So, ano'ng ginagawa natin ngayon? Nagkakantahan?" sarkastikong tanong ko sa kaniya nang humalakhak siya bago ako mas hinapit at sinayaw. Unti-unti kong nararamdaman na kaunting pagpipigil na lang ay mapapasayaw na talaga kami nang tuluyan dito.

"No..." he said huskily. I pouted. "I want to see you dancing wild." I said to him. Nagsalubong ang mga kilay niya bago seryoso akong tiningnan.

"Wild?" he asked. Napakunot ang noo ko kaya tumango ako. "Oo, iyong parang free ka? Kunwari sinasayaw mo eh, rock."

Biglang umaliwalas ang mukha niya na parang nakahinga pa nang maluwag. "Uh, yeah. But I don't want to dance anymore." tipid na sagot niya, hindi pa rin natatanggal ang tingin njya sa akin. Siguro kung nakakalusaw lang ang pagtitig nang mahaba, kanina pa kami tunaw ni Denber.

"But I love dancing," I said. Umiwas ako ng tingin habang pinapanood ang ibang nagsasayawan. Mamaya ay nagbago ang kanta sa medyo hype na tugtog kaya unti-unti akong napapangiti at natatawa dahil parang ignorante pa ang mga nagsasayawan sa musika.

"Then, let's dance freely."

Napatingin ako kay Denber nang bigla niyang sabihin iyon. Mataman na nakatingin sa aking mga mata, pumupungay at may kakaibang ngiti sa labi. Magsasalita pa sana ako nang bigla niya akong hinatak palapit sa kaniya at biglang isinayaw sa mabilis na tempo.

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon