Chapter 2

195 9 0
                                    

Bank Account

He's really Eizce Denber!

Hindi ako nakagalaw. Nanatili ang aking mata sa kaniya. Ibang-iba kasi siya ngayong gabi. Kung sa school ay madalas siyang magsuot ng eyeglasses sa tuwing may babasahing libro, ngayon, wala. Kung sa school ay wala siyang kaporma-porma, ngayon malalaway ka nalang sa kaguwapuhan niya!

But I don't like a guy like him! Masyado siyang nalunod sa pag-aaral. Kulang na nga lang na parati nalang siyang mag-eyeglasses para masabihan siyang verified ultimate nerd handsome.

"You seems so shocked." he chuckled. Magsasalita pa sana ako nang hinila na niya ako palabas ng venue. Sa halip na magpumiglas ay nagpatianod na lang ako hanggang sa makarating kami sa hidden garden ng Hotel.

Umupo siya sa bench malapit sa fountain bago tumingala.

"How did you know it was me? Hindi nga kita nakilala." takang tanong ko bago naupo sa dulo ng bench. Takot na maglapit ulit ang aming balat. He looked at me.

"Hindi ba pwedeng, kilala ko lang yung mga mata mo?" he asked and it shoot me. Napatango ako bago napakamot sa ulo.

"O-okay." I said.

Hindi kami close na mag-classmate pero parati ko naman siyang nakakasama sa mga group works kaya medyo civil naman ang turingan namin sa isa't-isa. He's friendly too, kaya siguro kahit puro pag-aaral ang inaatupag niya ay active pa rin siya sa social life.

"Your eyes were a bit unique. Unang lapit mo palang sa 'kin kanina, kilala na kita." dagdag pa niya. Ngumuso ako bago nag-iwas ng tingin.

"Kaya ininis mo 'ko ganoon?" tanong kong pabalang. Tumawa siya.

"Hmm. I know your attitude though. Alam kong mainitin ang ulo mo kaya inasar kita." he even admitted!

Inis akong lumingon sa kaniya. His face were light. Tila natutuwa sa akin.

"A-anong sabi mo?! Mainitin ang ulo ko?!" galit kong tanong. Pinigilan niya ang tumawa.

"Yeah."

"Wow ha! Nahiya naman ako sayo! Makapag-conclude ka ng ugali ko parang alam mo na ang lahat. At least hindi ako nerd na katulad mo!" sabi ko sa kaniya.

Biglang nag-iba ang titig niya. From light to darker. Nandilim ang kaniyang mga mata at kita ko kung paano ka-agresibo ang paggalaw ng kaniyang panga.

"Woman. Shut your mouth. I was just teasing and you're taking it serious." nagtitimpi niyang sabi.

This is why I don't like him! Madaling mag-init ang ulo niya at napakasuplado kapag galit!

"I-ikaw ang naunang nang asar! K-kasalanan mo! Bakit hindi ba totoo? Nerd ka naman talaga!" nilabanan ko ang kaniyang kadelikaduhan. My pride will rise, ayokong magpatalo sa nerd na ito.

Nanatiling matalim ang titig niya sa akin.

"And besides, how dare you pull me out of here? Don't tell me you like me, Mr.?" I teased him to get even.

He smirk.

"Who would like to date a girl like you?" he suddenly asked that made me startle.

Lumapit siya sa akin at nilapit ang kaniyang mukha sa akin, gusto kong umatras pero kaunti na lamang ay mahuhulog na ako. He clenched his jaw.

"Kahit maganda ka, kung iyang ugali mo hindi nakakatuwa. Baka kahit ang sinasabi mong nerd na katulad ko ayawan ka." suplado niyang dagdag dahilan para itulak ko siya palayo sa akin. Tumayo ako at tiningnan siya na nakangisi.

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें