Chapter 24

110 6 2
                                    

Almost

Don't dwell in the past, don't dream of the future, concentrate the mind on the present moment, then you can only predict your own dream future after it.

That was all I have learned on my situation right now. Basta ang nasa isip ko, kailangan kong ayusin ang kasalukuyan ko ngayon, for me to save my future. My future with Denber.

"Five hundred meters away..." bulong ko sa sarili ko, habang nakatingin sa red dot na umiilaw sa isang app ko sa cellphone ko. Mr. Vorge installed it for me, in order to check Hudson's location.

Bilin man sa akin ni Mr. Vorge na huwag munang gumawa ng aksyon, hindi ko mapigilan. Binigay lang naman sa akin ang impormasyon na ito para malaman ko kung may nakasunod ba sa akin, even his men were registered as my enemy on this app.

Nasa isang abandonadong gusali silang lahat. Nakatago naman ako sa likod nito, mula rito ay kita ko ang ilegal na pagtransakyon nila ng mga limpak na baril at droga. I can't believe that this man is my Mother's husband!

Para lang sa pride? Para lang sa yaman at pangalan ng ninuno niya? Gagawin niya ang lahat kahit ilegal?! He even made his wife and daughter as a hostage, so that he can use me!

Napapikit ako habang inaalala ang pamilya Tuanza. Nakakahiya, baka mapabagsak pa sila ni Dad Hudson.

"Malapit na akong umangat, unti-unting nakikilala ang Airline ko pati sa ibang bansa. Thanks to family Tuanza." ani Hudson na tila ba isa iyong trophy.

Nakalapit na ako sa bandang hindi nakikita noong isang tauhan, nasa sulok ako at nakasilip sa uwang gawa ng sirang pader. May kausap itong naka-corporate attire rin, nagyo-yosi at nag-uusap sila ni Hudson ng mataman, parang mga demonyo.

Nakinig ako sa usapan nila, ngunit wala akong narinig na impormasyon ukol sa ina ko at mga kapatid ko.

Paalis na sila, kaya nagtago ako sa isang gilid upang panoorin pa ang mga nangyayari. Ganoon na lamang ang gulat ko nang biglang may nagputukan ng baril kaya dali-dali akong nagtakip ng tainga at umupo. Halos mabingi ako sa palitan ng alingawngaw.

My lips trembled in fear. Pakiramdam ko sa utak ko sumisigaw ako. Hindi ako lubusang makapag-isip dahil sa takot. Pati ang mga kamay ko nanginginig sa takot. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Hanggang sa tumila ang putukan, nanatili ako sa ganoong pwesto. Wala na akong narinig, ngunit nanatili akong nakaupo nang biglang nagring ang cellphone ko!

Sa taranta ko, kahit nanginginig ang mga kamay ko, tumakbo kaagad ako habang sinusubukang i-cancel ang tawag, hindi iniisip kung sino iyon.

Ang masama pa ay napatid ako sa isang kahoy dahilan para mapasalampak ako sa semento! Saktong narinig ko ang pagkasa ng baril at paglapit sa akin. Tatayo pa sana ako upang tumakbo nang inisang bitbit ako ng isang lalake.

Nasakal ako dahil sa paghatak niya ng damit ko, pero kaagad binitawan nang makita ang mukha ko. Isa itong tauhan ni Hudson, sa likod niya ay napakaraming tauhan din ni Hudson. May mga galos, dugo at sugat sila.

"Sir, clear na po. Namatay na si Mr. Fortajello at nakuha na po ang lahat na ginamit na pamalit sa produkto.... Si Ms. Jia po nandito." anito at tumingin sa akin, may kakaibang ngisi sa labi kaya nangilabot ako.

"Sige Sir. Hihintayin ka po namin,"

Matapos niyang ibaba iyon, kaagad siyang tumingin sa mga kasamahan.

"Sabi ni Sir, tayo na muna ang bahala sa kaniya habang pabalik siya upang kausapin si Ms. Jia..." anito sabay pasada sa suot ko. For god sake! Nakabestida lang ako!

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant