Chapter 34

144 5 6
                                    

He didn't


"This is the right wing."



Nakailang floor na kami, sobrang pagod na ako pero tila walang kapaguran ang lalakeng ito. Nakatingin lang siya, maraming nagtra-trabaho sa right wing kaya naman maraming napapatingin sa kaniya. Umismid ako.



Nang matapos sa right wing, nagpunta naman kasi sa kabila. Nang matapos ay sa cafeteria at kung saan-saan pa. Hindi ko ba alam bakit halos buong sulok ay kailangan pa niyang malaman.



"Can we try it?" tanong ni Denber, nakaharap sa walang katao-taong cafeteria ng kompanya namin. Malamang work time pa kaya wala pang tao. Tiningnan ko si Denber, na nakatingin naman sa counter ng cafeteria.



"We? Can you just try it alone? I still have something to do." sabi ko sa pormal na tinig. Hello? Cafeteria? Susubukan niya? Nagpapatawa ba siya?! Bakit naman niya ito itr-try?



Nang sabihin ko iyon, ay bigla niya akong tiningnan. Nagkatitigan kami. Nagpakatigas na rin ako sa harapan niya, kahit na ang totoo ay nakakatunaw ang klase ng tingin niya.



"I don't care. You still need to tour me." aniya at bigla na lang pumasok doon. I gritted my teeth. Really? Ano ba'ng gusto niya? Napatingin ako sa gawi niya, kinakausap na niya ang babaeng nasa 20's na halos hubarin na siya sa klase ng tingin niya.



Napakunot-noo ako nang itinuro ako ni Denber mula sa kinatatayuan ko. Wala na akong ibang nagawa, kung hindi ang lumapit sa kinaroroonan niya.



"What?" tanong ko sa kaniya nang makalapit ako. Napaisip siya, nasa baywang niya ang isa niyang kamay habang tumitingin sa pagpipilian ng mga pagkain.



"You choose. What's your specialty here?" he asked. Napairap ako sa kawalan bago titigan ang babaeng nasa counter. "Can you give us the specialty here?"



Hindi siya nakikinig sa akin. Nakatingin lang siya kay Denber na nagliliwaliw pa rin ang mga mata sa pagkain, tinitingnan ang mga nasa menu.



Nag-usok kaagad ang ilong ko at hinampas ang counter, halos mapatalon pa siya. "Are you with Earth?!"



"Hey," bulong sa akin ni Denber, pero hindi ko siya pinansin.



"M-Ma'am." natatakot ang mata ng babae. Tiningnan ko lang ito ng mariin. "May I remind you miss, that you are here to work for your ass. Not to feed your eyes. Got it?"



Kaagad tumango ang babae, nag-iwas pa ng tingin kay Denber. "Bring us the specialty here, same to drinks." utos ko, bago naunang pumili ng mauupuan.



Ramdam ko ang pagsunod ni Denber, at umupo nga ito sa silyang kaharap ko.



"Do you always do that with your employees?" he asked. Hindi ko man lang siya tiningnan, kinapa ko kasi ang cellphone ko sa purse na dala ko.



"No, I just don't like if they're not doing their work well." sagot ko sa patag na tono.



Ramdam ko ang tingin niya sa akin, nagce-cellphone na kasi ako sa table namin. Pero hindi ko siya pinansin. As if naaapektuhan pa rin ako sa mga tingin niya. Naka-moved on na 'ko 'no.



Pero bakit nakakatunaw nga ang mga tingin niya? Fudge, you're insane Jia.



Hanggang sa makarating na ang pagkain namin, hindi pa rin ako natatapos sa pagce-cellphone. May sinend kasi sa akin si Elena na reports via email. Siya ang aking sekretarya, nauna lang siya ng ilang taon sa akin at may asawa na.



Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt