Chapter 45

231 5 3
                                    

Pregnant


"Nandito na po tayo, Ms. Jia."


I sighed, before staring outside. Mahigit pitong oras ang biyahe papunta sa kinaroroonan ni Ate Morgan at Catherine. Hindi ako makapaniwala sa narinig, mula kasi nang tulungan sila ni Papa noon na makabalik sa mga magulang nila at binigyan ng malaking tulong, hindi na kami nakibalita sa kanila.


I want them to think we are giving them their privacy. Ayaw kong isipin nila na may sama kami ng loob, dahil sarili nilang ama ang ugat ng mga nangyari.


"I will just call you manong. Salamat sa paghatid, mag-iingat po kayo pabalik sa Metro Manila." sabi ko sa isang driver namin na naghatid sa akin.


"Mag-iingat din po kayo, Ms. Jia."


Matapos kunin ang maliit na maleta, hinawakan ko nang mahigpit ang bag ko. Hinintay kong makaalis ang driver, bago ako napatingin sa isang may kalakihan na café.


Nandito ako ngayon sa Northern Luzon. Dito na ngayon naninirahan sila Ate Morgan at Cath. Ang Mama ni Ate Morgan ang may-ari ng café, samantalang si Cath ay sumama na rin kay Ate Morgan dahil ulila na pala itong lubos. Ni hindi ko man lang sila nakamusta, napakasama kong kapatid.


Hila-hila ko ang maleta ko nang lumapit ako sa café, may napapatingin sa aking mga tao, pero hindi ko iyon pinansin, ang dinikitan na kasi ng paningin ko ay si Ate Morgan na nasa counter, nakangiti siya habang kausap ang isang customer.


Maganda ang café nila, this is a province, pero nasa bayan silang part kaya maraming customer. Malawak ang café, at halatang maraming efforts ang pinaghirapan dahil maraming mga disenyo, hindi over design, tama lang na pang-aliw sa mata.


Nang makapasok ako, marami muli ang nakatingin sa akin. Nagtataka siguro bakit may maleta ako. Pero hindi ako umimik, kaagad nagtama ang paningin namin ni Ate, dahil na rin siguro sa bulungan ng mga tao.


"J-Jia? Gosh, Jia it's you!" tuwang-tuwa si Ate nang mamukhaan niya ako. I smiled warmly when she run immediately to me.


She became more prettier, with tanned skin. Malamang dahil nasa probinsya siya, pero bagay sa kaniya. Maganda pa rin ang pangangatawan niya, kahit hindi ako pabor sa suot niyang jeans at white polo shirt na may brown apron pa.


Samantalang noon, ang ganda-ganda ng buhay niya.


Hindi naman sa nanghuhusga ako, pero hindi ko maiwasang malungkot. Hudson ruined their lives, I mean, our lives.


"I missed you!" mainit na yakap ni Ate ang sinalubong ko, naluluha naman akong bumitiw sa maleta ko dahil niyakap ko na rin siya.


Having brother is happy. But having a sister hit something different. At dahil babae ako, hindi ko kayang i-kwento sa mga Kuya ko ang bawat takbo ng segundo ko, hindi ako komportable dahil karamihan ay pang-girl's talk talaga.


"Na-miss din kita, Ate Morgan..." sumubsob ako sa leeg niya kahit pa mas matangkad ako. I missed them so much. We maybe are not real sisters by blood, they will always remain as my sisters.


Marami pa ring mga mata ang nakatutok sa amin, kaya hindi na napigilan ni Ate na hilahin ako palayo, kinuha ko na rin agad ang maleta ko. Pinaupo niya ako sa isang table roon.


"Dito ka muna, saglit at ikukuhanan kita ng makakain mo." sabi kaagad ni Ate. Tumango lang ako, gutom na rin kasi ako, kanina pa.


Bumalik sa normal ang mga tao sa loob, samantalang si Ate ay dumeretso sa kusina ng café, at may pumalit na sa kaniya sa counter.


Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Where stories live. Discover now