Chapter 40

274 6 3
                                    

Business trip

"They didn't cancelled our partnership."

Tahimik lang ako habang nagtitipa sa laptop ko, nang sabihin iyon ni Kuya Vrey. Nasa sala kaming lahat.

"I am sure, that they already read the files. Even the proofs, the pictures and the short videos." sabat naman ni Kuya Vorge.

Dalawang araw mula nang mangyari ang pagsusumbatan ng mga Walden at Smith. Hindi ko alam, pero nagiging tahimik ako sa mga kapatid ko. Dahil siguro sa nangyari, alam kong galit na galit sila. Pero...hindi dapat sana nila sinagot-sagot ng ganoon si Tita Elsie.

She's still Denber's mother. At idagdag pa, na nahihiya na ako sa kanila dahil sa pag-outburst ni Kuya Vrey. Ano na lang ang sasabihin ni Tito? Ni Viela!

Galit kaya sa akin si Denber? We seem, didn't respect his mother. Sa klase ng galit kasi ni Kuya, hindi na talaga siya nakapagtimpi.

"Asmin..." dinig kong sabi ni Kuya Vrey, tumabi sa akin. Pero hindi ko siya pinansin. Nagtatampo ako sa ginawa niya. Naiintindihan ko naman na, as my brother, karapatan nilang magalit dahil saksi sila sa mga paghihirap ko noon. But that didn't seem right too.


"I'm sorry. I didn't mean to disrespect them. I... I was just angry."


Hindi ko pa rin siya pinansin, patuloy sa pagtipa. Hindi pa kasi ako pumapasok sa kompanya, at dahil medyo pinapalipas ko pa ang mga balita. Ramdam ko ang pag-alis nila Papa, at ibang mga Kuya ko sa sala. I know they want me to have privacy with Kuya Vrey. Sa kanilang lahat, si Kuya Vrey naman kasi ang labis na naapektuhan sa pangyayari, to the point naging marahas siya sa mga nasabi niya kina Tita Elsie.


"Still, Kuya. Hindi mo na dapat basta sinagot si Mrs. Walden. They're innocent, kaya karapatan pa rin nilang magalit sa akin. Without my side, ako ang mapapalabas na mali, kasi iniwan ko ang anak nila dati, at ibinalita na mayroon na akong asawa't, anak."


"But that wasn't true."


"Kaya nga, Kuya, mali ang paraan ng pagpapaliwanag mo sa kanila. Sana mas naging kalmado ka. They are right though, wala naman kasi akong ginawang tama. I'm a party goer, I'm not responsible on my work and—"


"Stop it! That's why I'm angry! Ibinababa nila ang sarili mo, kaya mababa ang pagtingin mo sa sarili mo." nagpipigil na naman ang boses ni Kuya Vrey. Hindi ako nakapagsalita.


"I'm just worried." mas mahinahong sabi niya, bago ako sulyapan. Bumuntong-hininga lang siya bago tumayo.


"Don't worry, I'll talk to Mrs. Walden next time, with her husband. This time more gentler, more on with respect." aniya at bigla na lang siyang umalis. Ngayon lang naging malamig sa akin si Kuya.


Naiintindihan ko siya, maybe kahit galit siya, pinili niya pa ring pagbigyan ako. Naguguluhan na ako sa sarili ko, wala na akong direksyon sa susunod na gagawin.


Humiga ako sa kwarto ko matapos. Natutulala lang. Ano kayang reaksyon nila sa mga impormasyon na ibinigay ni Kuya Vrey? Paniguradong, iyong USB na iyon, naglalaman sa mga nakalap na impormasyon ni Kuya Vorge noong time na nasa isla na kami. Hindi ko lang alam kung kasama pa roon 'yong time na iniipit ako ni Hudson, dahil sa pag-blackmailed niya noon sa akin na kapag hindi ako pumayag sa kasal, madadamay ang buong Walden family.


Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako nang maghahapunan na. Tahimik sa hapag, ramdam nila siguro na may hindi kami pagkakaunawaan ni Kuya Vrey. Though gusto kong humingi ng patawad sa kaniya, Kuya ko pa rin siya after all.


Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Where stories live. Discover now