Chapter 9

133 7 4
                                    

Palengke

"P-Paano mo nalamang nandito a-ako?" nanginginig ang kamay na tanong ko sa kaniya.

Kukuhanin niya ako? Isusumbong niya ako kay Dad? Ikukulong at paparusahan nila ako? Ipipilit na nila akong ipakasal sa kaniya?

"I... I just know." he said breathlessly.

Napalunok ako. "Bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim bago naglakad palapit sa akin na ikinaatras ko, napatigil siya dahil doon. Napahawak ako sa seradura ng pinto at umiling sa kaniya.

"S-Spare me please.. I'm begging you, Lachlan. P-Please, huwag niyo 'kong kunin. Don't bring me to Dad. P-Please.." nangilid kaagad ang mga luha ko at nanghihina.

Natatakot ako. Dahil alam kong once nasa poder na naman niya ako ay baka maging katapusan ko na ito. I am afraid to die from anxiety or depression, worst if it's because of my step-dad.

"No, I don't want to harm you. Listen," aniya at tiningnan ako gamit ang maamo niyang mukha, basa ko roon ang pag-aalala sa kaniya. Ngunit umiling ako, natatakot pa rin.

"S-Si Dad—"

"I will not bring you to him, I promise. I'm here to talk with you." aniya sa marahan na boses, tila hinihikayat ako na makausap talaga.

Mayroon naman sa side ko na parang, nagtitiwala ako sa kaniya. He maybe look pervert but he's harmless. Masyado lang siguro akong mapanghusga.

"N-Natatakot ako s-sa iyo.." sabi ko sa kaniya at umatras pa ngunit nagulat ako nang bigla niya akong hinila palapit sa kaniya at hinawakan nang marahan ang balikat ko.

"Don't. Just don't, Jia. I'm also here to protect and hide you." pag-aalu niya sa akin. Kaya wala rin akong nagawa kung hindi ang sumama para makausap siya. Ni-lock ko ang pinto, uuwi rin naman ako kaagad.

Sumakay kami sa kotse niya papunta sa pinakamalapit na café ngunit bago iyon ay nagpalit muna ako ng v-neck white tee shirt, pinatungan ko ng cardigan at black leggings.

Kinukurot ko ang aking mga daliri sa ilalim ng mesa habang nakayuko.

The background scenery of vehicles outside and its roar, the wind chimes clicking, and the normal noise of people around us.

"Sorry. I was late. I could've saved you there," he said to me. Napaangat kaagad ako ng tingin sa kaniya.

"Why are you saying that to me?" I asked him. He sipped on his Americano and gazez the cars outside from the glass wall.

Maya maya ay tumingin siya sa akin bago bumuntong hininga. "Are you okay? Your bruises and injuries. Do you want to treat it again?" he said full of sincerity.

Ang mga mata niya ay kakaiba, natatakot akong tumingin dahil baka higupin niya ang paningin ko. No, it's not like what I feel for Denber. Lachlan seems so, mysterious but I know and feel inside me that, he's good and will be special to me soon.

Iba ito dahil iba ang nararamdaman ko kay Denber. I like Denber romantically while I like Lachlan friendly.

"I'm okay now," sabi ko sa kaniya. Bago pinilit ang sarili na humigop sa aking cappuccino.

"Penthouse mo ba iyon?" he asked calmly. Nilapag ko sa platito ang tasa bago lumingon sa kaniya. Umiling ako.

"No, nakikitira lang ako." sagot ko. Napatango siya bago napalunok.

"Is the owner he? Or she? Pwede ka namang manatili sa condo ko, hindi naman ako nagagawi roon dahil sa bahay ako palagi." alok niya pero wala pa sa alas kwatro na umiling ako sa kaniya.

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Место, где живут истории. Откройте их для себя