Chapter 42

252 5 6
                                    

New start

Sa loob ng ilang taong lumipas, ngayon lang muli ako nakatulog nang sobrang himbing.


Nang magising kasi ako ay ang gaan ng pakiramdam ko, maliban sa pagkirot ng mga maseselang bahagi ng katawan ko dahil napagod talaga ito kagabi. Napangiti ako nang may naramdamang matigas na brasong nakapulupot sa akin, idagdag pa ang mainit na humihinga sa aking leeg, dahilan para bahagya akong makiliti.


Napatingin ako sa katabi ko, hindi ko napigilang mapangiti nang makitang tulog na tulog siya. Nakayakap siya sa akin, habang nakasubsob ang kaniyang mukha sa leeg ko. Pero hindi naman iyon hadlang para hindi ko mapagmasdan ang kaniyang maamong mukha. Magulo ang buhok, pero maliban doon, wala nang makikitang hindi perpekto sa kaniya, dahil ang gwapo-gwapo pa rin niya kahit tulog siya.


Nang gumalaw ako, kaagad niya akong hinapit at mas niyakap nang mahigpit. Natawa ako. Parang ayaw niyang mawala ako sa tabi niya. Tumagilid ako, hinayaan kong yakapin niya ako at sumiksik sa akin, kahit natutulog ay sinisinghot pa niya ang leeg ko. I chuckled.


Hinawi ko ang buhok niya sa kaniyang noo, bago siya pagmasdan. He's so gorgeous. Too perfect for me. Maamo ang mukha kapag natutulog. But I can still clearly see his long eyelashes, his pointed nose, his red kissable lips, thick eyebrows, chiseled jaws, and his Adam's apple made him more hotter. He's so cute, naka-pout kasi ang nguso, parang pati sa panaginip may kinaiinisan siya. Mainitin rin naman kasi ang ulo ng isang 'to minsan.


Napakunot-noo ako nang maramdaman ang isang kamay niya na nasa puson ko, gumalaw ito at umangat sa dibdib ko. Pigil ko ang hiningang huwag lumikha ng kung ano mang ingay. Nang tingnan ko naman siya ay halatang natutulog pa rin, napailing na lang ako dahil nanatili na ang palad niya sa dibdib ko.


Napabuntong-hinga na lang ako, don't tell me pati sa panaginip niya ay may ginagawa kami?


Hubo't-hubad pa kami sa ilalim ng kumot, walang tama ng araw na pumapasok dahil nakasara ang makakapal na kurtina. Kahit gusto ko pang busugin ang mga mata ko sa panonood sa kaniya, pinilit kong kumawala. Nagsalubong ang kilay niya sa ginawa kong aksyon, umungol siya nang hindi na ako makapa sa kama, kaya naman pinalit ko ang isang unan para mayakap niya. Doon lang siya tumigil, at maaliwalas na natulog ulit.


Napailing ako ngunit may supilpil na ngiti ang mga labi ko. Inayos ko ang kumot niya, bago ako nagtungo sa banyo para makapag-hot shower. Masakit pa ang mga hita ko, at lalo na ang pagitan nito. Hindi kasi talaga tumigil si Denber hanggang hindi siya napapagod. And I understand him, we both missed each other.


Nang matapos mag-shower, nagpalit ako ng white shirt ni Denber. Puro kasi pang-alis ang mga damit ko kaya no choice ako, nagsuot lang ako ng bra sa loob at underwear, tapos iyong cycling shorts na ipinapaloob ko sa tuwing naka-pencil cut skirt ako. Matapos kong patuyuin ang buhok ko, natutulog pa rin si Denber.


"I love you so much." bulong ko sa kaniya bago siya halikan sa noo, nakanguso pa rin siya. May kinakainisan pa rin yata sa panaginip.


Lumabas ako sa kwarto, bago nagtungo sa study room niya para sana kunin ang nagkalat na damit namin, pero wala na iyon. Baka nasa laundry basket na iyon sa bathroom, hindi ko lang napansin. Napakasinop pa rin ni Denber, nakakatuwa.


Naayos na rin ang mga librong nakahawi roon, napaismid ako nang makita ang nga laptop sa gilid, workplace niya rin yata ito kapag nandito siya, tapos dito pa mismo kami gumawa ng kababalaghan kagabi.


Nang bumaba ako, kaagad akong nagluto ng breakfast. Nang buksan ko ang cupboard, maraming utensils doon, at sa iba naman ay mga stocks na pagkain. Nang tumingin ako sa ref at freezer, napatanga na lang ako sa mga nakita. Ang daming laman na gulay, isda at mga karne! Even desserts, milks, eggs, at kung anu-ano pa! Pinaghandaan talaga itong business trip kuno niya, ako pala ang ta-trabuhin sa gitna ng kagubatan.


Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ