Chapter 32

139 5 1
                                    

Mrs. Tuanza

"Kuya Vrey, get the pillow!"

Inis na nagtakip ako ng aking tainga. Tumabingi ako ng upo, kanina pa sumisigaw sa tabi ko si Kuya Viston. At kanina pa kawawa si Kuya Vrey na inuutusan ng mga kapatid ko. Masipag e, halata namang naiinis pero 'di niya magawang tanggihan.

"Do you want some cherry and ricotta strudel, Asmin?" Kuya Vorge asked, lumingon ako sa kaniya bago umiling.

"I'm on my diet." sagot ko rito. Napapadalas kasi ang pagkain ko nang marami nitong nakaraang araw, baka kapag pinagpatuloy ko pa ay tumaba ako.

"But you're already skinny. You should eat more," segunda naman ni Kuya Vilex, pero inupakan naman ang para sa akin. Napailing na lang ako, pilit huwag matawa dahil ang iingay na naman nila. Maingay din naman ako, pero wala akong ganang makipag-usap ngayon. Napuyat ako kagabi kakaayos sa mga trabaho na iiwan ko ngayong week. Sabi kasi ni Papa ay hanggang isang linggo kami sa Pilipinas.

Hanggang sa makarating kami sa Pilipinas ng ilang oras, nasa eroplano ka pa lang pero naiinitan ka na. Kaya naman tinanggal ko ang leather jacket ko. Ang natira na lang ay ang white turtle neck sweaters, ipinares ko ito sa kulay kapeng pencil skirt, nakasuot din ako ng black ankle boots. My Dior bag is hanging on my arms as we landed safe in Smith National Airlines.

Tatlong taon na rin ang lumipas mula ng ipatayo ang Airlines na ito. Smith Airlines at Walden Fly Airlines ang nangungunang Airlines sa bansa, at maging sa ibang International branches nito sa ibang bansa, bumagsak na ang Rillachaves, ang mga Tuanza naman ay nagsisimula ulit.

Nakarating kami sa tagong Mansyon ni Papa sa Metro Manila. Sa Caloocan. Sabi niya, ito ang naging bahay nila noon ni Mommy noong nagpunta sila sa Pilipinas, pinarenovate at mas pinalawak niya lamang ito. Nalaman ko ring dito umuuwi ang dalawa kong Kuya noong nasa Pilipinas pa sila, sinusubaybayan ako.

Malawak ang bahay, berdeng-berde ang damo sa labas, may garden pa ito at double fountain sa gitna, nakita ko pang may sundial sa gilid ng garden. Puti ang mansyon. Nang pumasok kami ay sumisigaw sa kagandahan ito. The engineer seems good. Kakaiba ang disenyo ng chandelier, para itong pinagtagpi-tagpi na alambre na may luhang ilaw, pero eleganteng tingnan.

Hindi ko na nagawa pang magtingin sa mansyon dahil dumiretso ako sa kwarto—na sabi ni Papa ay para sa akin.

Nang pumasok ako roon ay kaagad akong natulog. Jetlag.

Sa araw na iyon ay halos nagpahinga lang kami. Kinaumagahan kasi ay naging abala kami para sa pagpapadisenyo ng susuotin, hindi ko alam sa mga Kuya ko dahil mukhang nakabili na. Ako pa lang yata ang maghahabol dahil bukas na iyon ng gabi magaganap, mabuti na lamang at mabilis ang preperasyon.


Nang matapos ang pagkuha ng size ko, kaagad akong nag-ayos ng sarili para pumunta sa kompanya. Hinihintay ako ng mga kapatid ko, magto-tour kami roon at magtitingin ng kasalukuyang financial reports para sa buwang ito.


Wearing my white topcoat, and white v-neck strap whirt inside, paired with my white slacks and cream six-inches heels, I went to our company. Ang buhok ko ay nakalugay, samantalang nagmakeup lamang ako ng light.


Tiningnan ko ang cellphone ko, nagtext kasi sa akin ang secretary ko na clear na raw ang lahat ng iniwan ko sa London. I heaved a sigh, bago lumingon sa labas.


Mainit, dahil katatapos lang ng pananghalian. Napangiti ako habang tinatanaw ang ngayong malalaking gusali, na noon ay hindi pa ganoon ang improvements.


Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Where stories live. Discover now