Chapter 10

140 7 3
                                    

Kasama


"Denber! Tumatalon!"

Ilang beses na akong nagtago sa likuran niya habang namimili siya. I heard him chuckled.

"Then, it's fresh. Come on Jia, ikaw ang kakain diyan, hindi ikaw ang kakainin." natutuwang sabi niya sa akin nang sumilip ako sa ginagawa niya.

"Eto po, dalawang kilo na rin po sa salmon." sabi niya bago siya na mismo ang pumili at kumuha sa isda. Eww! Ang lansa ng amoy!

Manghuhusga pa sana ako nang makita ko ang tingin ng tindera kay Denber. Nakauwang pa ang bibig, pasukin sana ng langaw.

"Hi ale! Bumibili po siya, kaya huwag po kayong magnakaw ng tingin." sarkastikong sabi ko sa tindera. Nakakainis pa naman ang tingin niya!

"U-Uh, pasensya na po.." aniya bago ginawa ang sinabi ni Denber, samantalang si Denber ay nakatingin sa akin at kagat ang pang-ibabang labi. "Don't do it, people might judge you bad here." he said.

"Don't worry, sanay na ako Denber." umirap ako sa kaniya bago lumayo.

I can't believe ito ang palengke na sinasabi niya. Hindi ako makapaniwala na ang isang katulad niya nagagawi dito. Sigurado naman ako na mayaman siya dahil afford niya ang penthouse, tapos may kotse pa. Ang tanong bakit dito pa?

Maraming nakakalat na maruming tubig, ang amoy malansa, at ang maraming taong nagsisikalat. Hindi naman sa nanghuhusga ako pero ganoon na nga. First time kong magawi rito.

"Palagi ka bang bumibili rito?" tanong ko kay Denber habang palabas na kami sa palengke. Nakatingin lamang ako sa daan habang bitbit ang dalawang magaan na plastic. Siya ang may maraming bitbit.

Bawat makikita namin ay napapatingin sa kaniya. Napaismid ako, kahit simpleng tee shirt lang at maong ang suot niya gwapo pa rin siyang tingnan. Nakakainis naman. Kung tusukin ko kaya pagmumukha nila? Fudge buhay.

"Hmm," he said.

"Pwede naman sa iba ka bumili, bakit dito pa?" tanong ko sa kaniya.

"Pareho rin iyon. Mas sariwa rito." tipid na sabi niya. Napangiwi ako ng matalsikan ang paa ko ng putik.

"Naman!" sisinghalan ko pa sana yung lalakeng may tinutulak na may gulong at may laman na gulay kaso hinatak na ako palayo ni Denber do'n.

"Stop. Don't fight with them. Mas delikado ang makipag-away rito." bulong niya sa akin. Wala akong nagawa kundi magpatianod sa kaniya. Nang makalabas ay dumiretso kami sa kotse. Nandoon sa loob si Bunny, natutulog. Katatapos lang namin ipacheck up kanina, nabigyan na rin ng reseta para sa gatas na dapat niyang inumin at vitamins. Ang dami kong ginastos, mga gagamitin niya pa sa bahay na tulugan at tub.

Pinasok namin ang mga pinamili sa back compartment. Matapos ay sumakay na ako sa front seat dahil alam ko naman na masyadong gentleman ang kasama ko, inuuna kasi ang sarili ni hindi maisip na babae ang kasama.

Inamoy ko ang sarili ko. Kamay at paa ang malansa! Marumi! Nakakainis talaga!

"Here," napatingin ako nang magsalita si Denber. Nakasakay na siya at inaabot sa akin ang tissue at alcohol. Napabuntong hininga ako bago kunin iyon at nilinisan ang paa ang kamay.

"Paano ka ba nagtatagal doon?" asar na tanong ko sa kaniya. Kita ko sa peripheral vision na nanonood siya sa akin. "I just do. Hindi naman parati dapat sanay ka sa elegante." he said.

Humarap kaagad ako sa kaniya at binato ang alcohol sa dibdib niya. "Pinapatamaan mo ba ako?" masungit kong tanong. Kita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya.

Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Where stories live. Discover now