Chapter 39

253 7 4
                                    

Truth

Masakit ang ulo ko.



Napasapo ako roon at ibinaon sa mabangong unan ang ulo ko. Parang mawawasak ito sa pagkirot. Isama pa ang panghihina ng katawan ko. Teka, nasaan ba ako? Hindi ganito ang amoy ng kwarto ko. Panlalake ang amoy nito!



Tumingin ako sa kaliwang bahagi ko, sumisilip na ang haring araw sa malawak na bintana. Unti-unti kong napapagtanto na pamilyar ang kwartong ito. Napatingin pa ako sa paligid, tinatantsa kung namamalik-mata lang ako.



"Oh, fudge." bulong ko sa sarili ko.



Muntik pa akong mahulog sa pagkakahiga nang bumukas ang pinto. Kumunot ang noo ko nang makita siya. He's topless for god's sake! Nakasuot lang siya ng black shorts.



Hindi na maawat ang dibdib ko sa pagkabog. Bakit ako nandito? Ano'ng nangyari kagabi? At bakit...bakit hindi na ako naka-dress?!



Napatingin ako sa suot ko, isang loose gray shirt na halatang pagmamay-ari niya, pakiramdam ko wala na rin ang makeup ko dahil magaan na ang mukha ko, sa pang-ibaba naman ay iyong cycling shorts ko na ipinaloob ko kagabi sa dress ko.



"Why I am here?" pinilit kong maging pormal, kahit hiyang-hiya ako. Umupo kaagad ako at sumandal sa headboard ng kama niya. Kaagad siyang lumapit sa closet niya at nagkalkal doon ng isang white tee shirt. Nakahinga ako nang maluwag nang suotin niya iyon.



"Get up, I cooked our breakfast. Tapos uminom ka ng gamot." simpleng aniya, aalis pa sana pero nagsalita ulit ako.



"Seriously? Bakit ako nandito?!"



Though the memories are still vague, I can't still cope up with the whole event. Ang huli ko lang naalala ay 'yong bagsak na ako sa sofa roon sa club, wala na talaga.



Hinilot ko ang sentido ko dahil sa sakit, at inis dahil unti-unting lumilinaw sa akin ang mga nangyari. Nang tingnan ko siya ay unti-unti na siyang lumapit sa akin.



"You're drunk last night." tipid na aniya, marahan na nakatingin sa akin at malamlam. Hindi na gaya noon sa opisina at trabaho na masama palagi ang tingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin.



"And why did you bring me here, in your penthouse?" pahangin na sabi ko, iniikot ang mga mata sa kabuuan ng kwarto niya. Na-renovate na ito, may mga dumagdag na muwebles, at puro libro pa rin ang nangunguna.



"I called your brother last night." dagdag niya dahilan para kaagad akong tumingin sa kaniya. Nakatitig lang siya sa akin.



"W-What?"



He heaved a sigh. "Nagpaalam akong iuuwi kita."



"Nababaliw ka na ba?!" litong singhal ko. Parang kailan lang noong galit pa siya, at bakit niya ako iuuwi?! Paano iyong si Loire ahas?!



Umiling lang siya, nanatiling seryoso. "Hindi ako pinagayan. But I insist, sinabi kong kailangan kitang makausap."



Inayos niya ang sabog kong buhok. At hindi ko naisip, baka may panis na laway pa ako! Pero sa klase ng tingin niya sa akin ngayon, parang walang kulang sa akin. Hindi ko alam kung bakit ang inis ko sa kaniya na naipon, unti-unting nalulusaw sa simpleng lapat ng balat niya sa akin.



"Haharapin ko siya mamaya. Your brother, Vilex is fuming mad at me. But first, I want to talk with you alone." he huskily said. Hinawi ko ang kamay niyang humahaplos sa buhok ko, sabay iwas ng tingin.



Love's Gentle Whisper [Vesalden Series#3]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz