Prologue

266 14 1
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Congratulations, everyone! See you on our next play. Dziękuję i Bóg zapłać"

Napabuntong hininga na lang ako at agad na hinubad ang napakabigat kong costume. Sa wakas ay nakatapos na naman kami ng isang play. Mayroon lang akong dalawang buwang pahinga dahil may susunod na agad akong project pagkatapos nito.

Another lead role. Another blessing. Mas maraming pera ang maipapadala ko sa pamilya ko. Yun naman ang mahalaga. Ang maging masagana sila.

Masaya naman ako sa ginagawa ko. In fact, I've been here for about six years. Walang uwian yun. Lahat ng lungkot at pagod tiniis kong mag-isa. Wala naman kasing ibang aasahan ang pamilya ko kundi ako lang.

"Hoy, Andeng! Sama ka sa'min. Chill lang tayo" yaya sa'kin ni Lizette. Kaklase ko siya nung college at siya ang nagyaya sa'kin na pasukin ang mundo ng theatro.

"Pass" walang buhay na sabi ko habang hinihilot ang batok ko. Gustong-gusto ko nang humiga sa kama. Hindi naman kasi porket mahal ko yung ginagawa ko ay hindi ako napapagod.

Ang hirap mamuhay nang malayo sa pamilya. Wala akong inaasahan dito bukod sa sarili ko. Hindi ako pwedeng magkasakit dahil walang mag-aalaga sa'kin at lalong hindi ako pwedeng tamarin dahil walang kakainin ang mga umaasa sa'kin sa Pilipinas.

"Ano ba yan, girl? Palagi ka na lang pass ah! Paano ka magkakaboyfriend niyan? Jusko! Pawala ka na sa kalendaryo!" OA, 29 pa lang kaya ako.

Inirapan ko lang siya. "Aanhin ko yun? Nakakain ba yun?"

Humagikhik siya habang inaayos ang false eyelashes niya. "Aba pwede .. di ka lang mabubusog, maliligayahan ka pa"

Nanlaki ang mga mata ko nang marealized ko kung anong tinutukoy niya kaya agad kong hinigit ang buhok niya "Ang halay, Clarizzette!"

Tinawanan lang niya ako at dinutdot ang noo ko. "Sumama ka na. May ipapakilala ako sayong Briton .. o kung gusto mo Italyano .. pwede ring American, mamili ka na lang kung white or black ang gusto mo"

Napangiwi na lang ako sa mga pinagsasasabi niya. "Ewan ko sa'yo, Lizette. Nakakasakit ka ng ulo. Sige na, uuna na akong umuwi. Dala mo naman ang susi mo, di'ba?" Magkasama kasi kami sa nirerentahan naming bahay.

"Aysus! Mukhang Pinoy pa rin talaga ang hanap mo ah" nakangising sabi niya kaya inirapan ko na lang siya at lumabas na ng dressing room.

Alas 10 na ng gabi rito. Buti na lang talaga at laging on-time dito. Pag sinabing 8 pm ang tapos ng performance, dapat alas otso impunto pack up na. Medyo natagalan lang akong magbihis dahil sa costume ko .. bukod pa yung make up at prosthetics na ikinabit rin sa'kin kanina.

Sumakay ako ng bus and then taxi para makarating sa tinutuluyan namin ni Lizette dito. Ang tahimik ng bahay .. ang dilim ng paligid at ang lungkot ng atmosphere.

Namimiss ko na yung pamilya ko .. yung makukulit kong pamangkin, yung mabunganga kong Nanay, mga maldita kong kapatid at syempre ang pinakamabait kong Tatay. Gustuhin ko mang umuwi para makasama sila ay alam kong hindi pwede. Walang mangyayari sa'ming lahat kung magkakasama kami. Lalo pa ngayong pareho nang nagme-maintenance ng gamot ang mga magulang ko.

May naipon na naman ako sa anim na taong pamamalagi ko rito pero pakiramdam ko kasi ay hindi pa rin sapat. Ayokong maubos yun .. kailangan dagdagan ko pa dahil wala akong mukhang maihaharap sa kanila pag dumating ang panahong wala na akong maibibigay. Isa yun sa mga kinatatakutan ko.

Binuksan ko ang ilaw at pabagsak na naupo sa sofa. Napakunot ang noo ko nung may nakapa akong parang malagkit. Agad na nag-init ang pisngi ko at tumaas ang mga balahibo ko nung nakita ko kung ano yun. Condom.

Nothing But DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon