Chapter 3

84 8 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Hi Andrea!" Napahinto ako sa paglalakad nung bigla na lang may tumigil na sasakyan sa harapan ko at lumabas mula doon si Kaycee.

Alanganing ngumiti ako at kiming kumaway sa kanya. "Hello"

"Sakay ka na" yaya niya sa'kin kaya napakamot na lang ako sa ulo ko. Nakakahiya .. kahapon lang kami nagkakilala.

"A-hm .. di na, Kaycee. Malapit na naman yung school e" ngumuso siya at bahagyang umuklo dun sa may bintana ng driver's seat. Muli niyang binuksan ang backseat at kinuha ang bag niya tapos ay sinara rin agad yun. Napakunot na lang ang noo ko nung biglang humarurot na paalis ang sasakyan niya.

Ngiting-ngiti siyang humarap sa'kin at tumabi. Walang arteng humawak siya sa braso ko. "Tara na, sabay na tayong maglakad"

"Sira ka ba? Medyo malayo pa yung school" Di ko na napigilang magkomento. Baka kasi hindi siya sanay sa mga lakaran.

"E ayaw mong sumabay sa'min e. Ako na lang mag-aadjust" katwiran naman niya kaya napairap na lang ako.

"Psh. Bahala ka nga. Ang taas pa naman ng heels mo"

"Okay lang yan. Gusto ko ring maexperience yung maglakad-lakad sa umaga. Ang saya pala"

"Anong masaya dun?"

"May best friend na ako ngayon!" Tuwang-tuwang sabi niya at may paghilig pa talaga sa balikat ko. Medyo matangkad lang siya sa'kin dahil sa heels.

"Best friend?"

"Yup! Best friends na tayo ha!" Alanganing ngumiti na lang ulit ako at tumango-tango.

Habang naglalakad kami ay kung ano-ano na ang naikwento niya sa'kin. Ang hinhing babae pero ang daldal.

"Oh! Hi, Lynard .. Hi Jam" napaangat ang tingin ko nung may binati si Kaycee. Agad na tumaas ang kilay ko nung nakita ko si Shanghai boy na may kasamang babae. As usual, naninigarilyo na naman siya kahit na nagkanda ubo-ubo na yung girlfriend niya atang nasa tabi niya.

"Hi Kay!" Masiglang bati naman nung babae kay Kaycee. Nung nagawi ang tingin niya sa'kin ay umirap siya kaya inirapan ko rin siya pabalik. Sa'kin pa siya magmamaldita?

"Bakit kayo naglakad? Di ka hinatid ng driver mo?" Rinig kong tanong ni Shanghai boy kay Kaycee. Nanatiling nakayuko lang ako pero ramdam ko yung tingin niya sa'kin. Problema nito?

"Hinatid .. pero nakita ko si Andeng na naglalakad kaya sumabay na ako sa kanya"

"Baby, let's go na. Kailangan ko nang pumunta sa room" maarteng singit naman nung Jam sabay hawak pa sa braso ni Shanghai boy.

"Tsk. Mauna ka na. May gagawin pa ako" masungit na sabi ni Shanghai boy sabay palis ng kamay nung babae. Psh. Bastos din ang gagong 'to. Napanguso naman yung babae nagpapadyak pa habang pilit na yumayakap sa bewang ni Shanghai boy na sige naman ang iwas at layo. Aware ba sila na nasa tapat lang sila ng school?

"Kaycee, tara na" Bulong ko kay Kaycee sabay hila na sa kanya. Wala akong planong makita ang kaartehan at kalandian nila.

Pagpasok naman namin sa gate ay nakita ko si Jerick na agad namang lumapit kay Kaycee at kinuha ang bag nito. Tumango lang siya sa'kin at tumabi na sa kabilang side ni Kaycee. Best friend daw. Psh.

Pagkapasok ko sa room namin ay agad kong nakita sina Miguel at Honesto na nagkakantahan na naman kasama yung iba pa naming mga kaklase. Napahilot na lang ako sa sintido ko dahil sumasakit na naman ang ulo ko sa mga boses nila.

Nothing But DawnWhere stories live. Discover now