Epilogue

167 9 5
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Mahal, pwede akong umalis?" Naalimpungatan ako nung biglang may nagsalita sa tabi ko at humalik pa sa pisngi ko. Unti-unting iminulat ko ang mga mata ko at agad kong nabungaran ang asawa kong malamlam ang mga matang nakatingin sa akin.

Nag-inat-inat ko at tuluyang bumangon mula sa pagkakahiga. Saka ko lang napansin na narito pala ako sa playroom nung mga bata. Nakatulog na ako habang nagbabantay. Ang likot kasi. Manang-mana sa ama.

"Nasaan ang mga bata?" Bigla kong tanong kay Antonio nang mapansing tahimik ang paligid.

"Nasa kwarto na nila. Tulog na rin. Bakit dito kayo natutulog?" Natatawang sabi niya kaya napabuntong hininga na lang ako at muling nahiga sa carpet. Antok na antok pa kasi talaga ako. Bumabawi kasi ako sa mga anak ko dahil ilang araw ko rin silang hindi naalagaan. Sunod-sunod kasi ang mga shoot namin. Bumalik na ako sa dati kong network dalawang taon makalipas kong makapanganak. Mayroon na akong sariling talk show at talagang naeenjoy ko yun. Mukhang pasimpleng namana ko talaga ang pagiging chismosa ni Nanay. Pero alam ko naman ang limitations ko.

Napailing na lang si Antonio at binuhat ako. Hindi na ako umalma at ipinulupot ko na lang ang mga braso ko sa leeg niya.

Lumabas kami ng playroom ng mga bata bago kami tumuloy sa kwarto namin. Dahan-dahan niya akong ihiniga sa kama, kinumutan at pagkatapos ay hinalikan sa noo. Napakunot ang noo ko nung tumabi siya sa'kin at sumubsob sa leeg ko. "Akala ko, aalis ka?"

"Ayoko na pala. Mas gusto ko palang kayakap ka" Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagngiti. Ilang taon na ang nakakalipas, mayroon na kaming dalawang makukulit na anak pero kayang-kaya pa rin niya talagang pabilisin ang tibok ng puso ko gamit ang mga pasimpleng banat niya.

"Saan ka ba kasi dapat pupunta?" Malumanay na tanong ko habang hinahaplos haplos ang buhok niya.

"Nagyayaya lang si Hans. Iinom daw" napatango-tango na lang ako. Hindi ko naman siya pinagbabawalang makasama ang barkada dahil maging sila naman ay hindi rin kami pinaghihigpitan pag gusto naming gumala nina Kaycee.

"Lakad na. Okay lang ako dito" matagal na rin kasi mula noong huling beses silang nagsama-sama. Baka namimiss na rin nila ang mga kalokohan nila.

"Okay lang talaga?"

"Oo nga po. Basta wag kang iinom ng marami ha. Magdadrive ka pa pauwi" lihim na lang akong natawa nung pinakatitigan pa niya talaga ko na parang binabasa ang nasa isip ko.

"Lakad na. Iidlip lang ako saglit" Ipinikit ko na ang mga mata ko at niyakap ang unan niya.

"Alright. I love you. Uuwi ako kaagad" humalik siya sa pisngi ko pero hindi na ako nagsalita dahil talagang antok na antok na ako. Tumalikod ako sa gawi niya dahil mas komportable akong matulog ng nakatagilid kesa nakatihaya.

Naramdaman kong bumaba siya sa kama at pumasok sa walk in closet namin. Magbibihis siguro. Ilang sandali pa ay napakunot ang noo ko nung naramdaman kong lumundo ang kama at may yumakap sa'kin mula sa likod. Nagtatakang humarap ako sa kung sinumang yumakap sa akin at doon ay nakita ko ang asawa kong nakapikit din sa tabi ko. Nakasando na lang siya ngayon at  boxers short.

Sinundot-sundot ko ang pisngi niya hanggang sa magmulat siya ng mata. "Akala ko aalis ka?"

"Ayaw ko na pala. Baka hindi bukal sa loob mong payagan ako"

"Ha?" Ngumuso lang siya at sumubsob sa leeg ko.

"E kasi wala akong 'I love you too' kanina. Feeling ko pag-uwi ko, magliligalig ka" Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o maiinis sa sinabi niya. Minsan talaga, mas malakas ang toyo sakin nitong asawa ko.

Nothing But DawnWhere stories live. Discover now