Chapter 36

80 6 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Oh My G! Anong ginagawa mo ditong bakla ka?! Akala ko ikakasal ka na?!" Gulat na gulat na bungad sa'kin ni Clarizzette pagkabukas na pagkabukas ko ng apartment namin. Hindi ko kasi sinabi sa kanya na pabalik na ako dahil gusto ko siyang surpresahin.

"Hindi na. Pinalayas na ako ni Antonio" seryosong sabi ko habang tuloy-tuloy sa pagpasok at hila-hila ng mga bagahe ko.

In fairness, ang laki ng pinagbago ng bahay dahil ang linis at ang aliwalas. Nakakapagtaka yun dahil tamad na tamad si Lizette na maglinis ng bahay.

"Oh? Bakit, nauntog na? Sabi sa'yo ibili mo ng helmet e" tatawa-tawang sabi niya kaya napailing na lang ako at pabagsak na naupo sa couch. Nakakahilo at nakakapagod ang byahe.

Napataas ang kilay ko nang may lumabas na lalaki mula sa kwarto ni Lizette. Hubad-baro ito at gulo-gulo pa ang buhok na halatang bagong gising. Hindi ko na sana papansin dahil hindi na naman bago sakin na makakita ng lalaki sa kwarto ni Lizette ngunit nang humarap ito sa gawi ko ay nanlaki ang mga mata ko.

"Oh my God! Anong ginagawa mo dito?!" Gulat na gulat na bulalas ko kaya bahagyang nagulat din ang lalaki. Bahagyang napakamot ito sa ulo niya at kiming tumango lang sa'kin bago binalingan si Lizette.

Tatawa-tawa namang lumapit si Lizette sa kanya at inabutan siya ng tuwalya. Muling sumulyap ang lalaki sa'kin bago ito tumalikod. Siguro ay pupuntang banyo para maligo.

Agad na binalingan ko si Lizette at hinampas siya sa balikat. "Seriously?! Si Trevor?!"

Nagkibit balikat naman ang babae habang nakangisi sa'kin na parang walang balak na magpaliwanag kaya hinayaan ko na lang. Bahala sila. Malalaki na naman sila.

"Anyways, samahan mo ako kay Mr. Evans mamaya ha. Nasabihan ko na naman siya na tinanggap ko ang offer. Pero gusto ko pa rin siyang makausap ng pormal"

"Sure. Sige na. Pahinga ka muna" tumango na lang ako at muling binitbit ang mga bagahe ko.

Pagdating ko sa kwarto ay napabuntong hininga na lang ako. I miss home. Miss ko na agad yung mga kaartehan at kalandian ni Antonio sa kwarto namin.

Naupo ako sa edge ng kama at binuhay ang phone ko. Habang hinihintay ko yun ay nagbihis muna ako ng komportableng damit. Mamaya na lang ako maliligo.

Nang masiguro kong okay na ang phone ko ay agad kong tinawagan si Antonio. Nakailang ring pa ito bago niya sagutin. Napakunot ang noo ko nung pagbukas ng camera ay ang likot na parang may gulo tapos ang ingay pa ng background.

"Love?" Kuha ko sa atensyon niya pero ang tagal pa bago niya ako sagutin. Hinayaan ko lang naman dahil baka busy siya. Nahiga ako sa kama habang pinapanood pa rin ang mga nangyayari doon. Based sa nakikita ko ay nasa ospital sila.

Ilang sandali pa ay bumungad sa'kin ang mukha ni Antonio na kunot na kunot ang noo. Nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti at kumaway kaway. "Kamusta ang byahe mo, mahal?"

Napanguso ako dahil namimiss ko na siya agad. Ang sarap niyang dambahin ng halik ngayon dahil ang gwapo niya sa suot niya. "Okay naman. Kakarating ko lang dito sa apartment. Busy ka ba?"

"May bagong dating lang na patient. Medyo aggressive kaya nagkakagulo kanina" napatango-tango na lang ako. Kaya pala.

"Love, miss kita agad" pag-amin ko. Lumamlam naman ang mga mata niya at hinaplos ang camera ng phone.

"I miss you too. Bilisan mo diyan ha. Tapos balik ka na agad sa'kin" malambing na sabi niya kaya muli akong napanguso. Naiiyak na naman kasi ako.

"Tapos di mo na ulit ako papaalisin?"

Nothing But DawnWhere stories live. Discover now