Chapter 23

61 6 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Mars, nakapagpaalam ka na ba kay Lynard about sa plano nating internship sa Manila?" Tanong sakin ni Andrea habang narito kami sa crew room ng coffee shop.

Noong kasing third year kami ay nag-apply rin siya dito and thankfully ay tinanggap siya ni Madam Ivy.

"Di pa. Di ko pa siya nakikita ulit e. Bihira lang din kaming magkausap sa phone. Ikaw ba, nagpaalam na kay Miguel?" Simula kasi nung nagthird year kami ay nabawasan na ang oras ng pagkikita namin ni Antonio. Sobrang dami na rin kasi nilang ginagawa. Tapos balita ko pa ay gustong grumaduate ni Antonio with Latin honors kaya talagang tutok siya sa pag-aaral.

Wala namang kaso sa'kin na wala na siyang oras sa'kin dahil busy din ako sa pag-aaral at pagtatrabaho. Hindi ko na kasi pinagtatrabaho si Tatay. Kami na lang ni Adelaida ang magkatulong sa mga gastusin sa bahay.

Ngumuso si Athena at naghalumbaba. "Hindi pa rin. Hindi ko alam kung papayagan niya ako e"

Napailing na lang ako. "Kaya ginusto ko rin na wala muna kaming label ni Antonio e. Para wala kaming obligasyon na i-update ang isa't isa. Mas free kaming gumalaw"

"Buti nakakaya mo yan? Di'ba, sabi mo pa nga kaklase ulit ni Lynard yung ex niya? Di ka ba natatakot? Nagseselos?"

"Minsan, napapaisip rin ako. Pero kailangan talaga ako ng pamilya ko ngayon at wala akong oras para sa mga ganyan. Saka may tiwala naman ako kay Antonio. Kung mahal talaga niya ako, gaya ng palagi niyang sinasabi ay hindi siya gagawa ng alam niyang ikakasakit ko"

Bumuntong hininga siya at tumayo na sa upuan. Malapit na kasing magsimula ang shift namin. "Hindi ko kaya yung ganyan. Gusto ko akin lang si Juan Miguel"

"Gustuhin ko man yan para sa'min ni Antonio ay ayoko namang maging selfish. Alam ko kasi talagang hindi ko magagampanan ang mga tungkulin ko sa kanya once na maging kami ulit. Masaya na ako sa ganito na alam kong nandiyan lang siya palagi .. ieenjoy ko na lang muna habang hindi pa siya nagsasawa sa'kin" napayuko na lang ako sa huling pariralang sinambit ko dahil parang bigla na lang may gumuhit na sakit sa dibdib ko.

Alam kong hindi malabong mangyari yun lalo na sa sitwasyon namin ngayon. Minsan nga, hinihintay ko na lang na sabihin niya sa'kin na hindi na niya ako mahihintay dahil sawa na siya.

"Gagraduate na naman tayo ah. Baka naman pwede na kayo after nun"

Nagkibit balikat ako at inayos na ang hairnet ko. "Plano ko rin yun. Kung andiyan pa rin siya hanggang sa makagraduate tayo" halos ilang buwan na rin kasi ang lumipas mula nung last na nagkita kami. Nakakamiss na rin ang pagmumukha at kakulitan ng lalaking yun. Well, proud naman ako sa kanya. Hindi ko talaga akalain na magtitino siya ng ganito.

"Sus. Si Lynard pa .. baka busy lang talaga yun kaya di ka na napupuntahan. Saka ano ka ba? Ilang buwan na lang o" pampalubag loob niya sa'kin at nauna nang lumabas ng crew room.

Napanguso na lang ako at kinalkal sa bag ko ang phone ko para makita kung may message ba si Antonio. Ganun na lang ang pagkadismaya ko nung wala akong nakita kahit na isang text or chat man lang.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at naglakas ng loob na magpadala ng mensahe sa kanya. Bwisit na 'to kasi .. parang ang laking abala na sa kanya na nagtext ng kahit simpleng 'Hi' lang.

To: Antonio <3

Hoy!
Tama na ang pagpapamiss! Masyado nang effective!

Pagkasent ko ng mensahe ay agad ko na ring ibinalik ang phone sa bag dahil kinakatok na ako ni Athena. Marami atang costumer sa labas.

Sobrang busy namin ni Athena dahil may isang grupo ang umukopa ng buong lugar. Mula sila sa isang company sa malapit at dito nila naisipang magmeeting. Bukod pa yung mga walk in clients namin kaya kahit nga pagkain namin nung break ay hindi na namin nagawa.

Nothing But DawnWhere stories live. Discover now