Chapter 39

64 6 0
                                    

Lynard Anthony's
Part 2

"Sira ba ang alarm clock mo?" Takang-takang tanong sa'kin ni Ate Leslie nang makita niya akong bihis na bihis na ng uniform at naglalagay ng wax sa buhok. Sigurado akong hindi lang siya ang magugulat pag nakita akong nakabihis na samantalang alas singko pa lang ng madaling araw.

"Hindi po. Gusto ko lang pumasok nang maaga" simpleng sagot ko sabay spray ng pabango. Pigil ang ngiti ko nang biglang pumasok sa isip ko ang tagpo kung saan sabay kaming naglalakad ni Dawn pauwi sa kanila. Sa wakas kasi ay pinayagan na niya akong ihatid siya at ngayon nga ay balak ko siyang sunduin. Wala lang, gusto ko lang mag-exercise sa umaga.

Napakunot ang noo ko nung basta na lang sinalat ni Ate ang noo at leeg ko. "Wala ka namang lagnat. Tinakot ka na naman ba ng Itay na hindi ka bibigyan ng baon pag di ka nagtino? Ibibigay ko sayo ang card ko. Yun muna ang ---"

"Ate, sobra-sobra pa po ang pabaon sa'kin ni Itay ngayon. Saka masama bang pumasok ng maaga?" Inis na inis na sabi ko at marahang hinawi ang kamay niya. Ano bang masama sa pagpasok ng maaga? Gusto ko lang magbagong buhay. Namumuro na ako sa guard ng school dahil panay na lang akong late e.

Noong nasiguro kong mukha na akong presentable pag nakaharap ko si Dawn mamaya ay lumabas na ako ng kwarto ko at iniwan na si Ateng parang gulong-gulo pa rin sa nakikita.

Napailing na lang ako nung nakasalubong ko si Kuya habang pababa ng hagdan. Maging ang singkit niyang mga mata ay bahagyang nanlaki nung nakitang bihis na bihis na ako. Ganun ba ka-big deal ang pagpasok ko ng maaga?

Nagtungo ako sa kusina para humingi kay yaya ng sandwich. Minsan kasi, napapansin kong hindi kumakain ng breakfast si Dawn kaya lagi akong nagdadala noon para sa kanya. Noong mga panahong hindi kami nagpapansinan, pinapaabot ko na lang kina Hans o kaya kay Miguel para hindi siya makahalata. Tapos napansin ko ring favorite niyang palaman ang Nutella kaya yun lagi ang request ko kay yaya.

"Yaya sandwich --"

"Ay kabayo!" Nanlalaki ang matang lumingon sa'kin si yaya at nabitawan pa niya ang kutsarang hawak. Pigil na pigil ang tawa ko nung pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa ng siguro mga tatlong beses. Noong tumikhim ako saka lang siya napakurap-kurap at inayos ang tayo.

"Anong sumapi sayong bata ka at ang aga mong gumising?!" Asik niya kaya napakamot na lang ako sa ulo ko. Pag tanghali na ako gumigising, galit na galit. Pag maaga, nagtataka. Nakakainis na ang mga tao dito ah!

"Yaya yung sandwich ko po. Aalis na po ako"

"Anong aalis? Madilim pa sa labas! Saka kumain ka muna" nakapamewang niyang sabi kaya napangiwi na lang ako. Maagang pumapasok sa school si Dawn dahil nangongopya pa yun ng assignment minsan pag di siya nakakapagresearch kaya kailangan ko ring agahan ang pasok ko para maabutan siya.

"Hindi na po -- Aray naman po!" Reklamo ko nang basta na lang niyang hinigit ang patilya ko at sapilitan akong pinaupo sa stool. Napabuntong hininga na lang ako at mabilis na kinain ang pagkaing nasa harapan ko. Matapos nun ay mabilis kong hinigit ang sandwiches na nasa lunchbox at tumalilis na ako ng takbo paalis bago pa makaratrat si yaya.

Agad akong nagpahatid kay Kuya Andoy sa kanto nina Dawn. Gusto ko sanang doon siya sunduin mismo sa bahay nila pero ayaw niya. Baka daw magalit ang parents niya.

Awtomatikong gumuhit ang malapad na ngiti sa labi ko nang matanaw ko siyang naglalakad. May hawak siyang isang papel at bumubulong-bulong. Siguro ay nagsasaulo pa 'to para sa quiz namin mamaya. Napakasipag talaga.

"Good Morning, Dawn!" Nakangiting bati ko nung dumaan siya sa harapan ko. Hindi niya ata napansing narito ako dahil tutok na tutok siya sa pagsasaulo. Napahinto naman siya sa paglalakad at nanlalaki ang matang lumingon sa'kin.

Nothing But DawnWhere stories live. Discover now