Chapter 24

64 6 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Anak, pogi na ba ako?" Napangiti ako sa tanong ni Tatay. Kanina pa siya nakaharap sa salamin at inaayos ang buhok niyang nilagyan pa ng wax.

Naiiling na lumapit ako sa kanya at inayos ang kwelyo ng polo shirt niyang si Adelaida pa ang bumili. Ang suot niyang pants at shoes ay pinag-ipunan ko naman gaya ng pangako ko sa kanya noon.

Today is my graduation day. Hanggang ngayon ay parang nananaginip pa rin ako. Hindi ko talaga akalaing makakaya kong makatapos ng pag-aaral.

Ngayong masusuot ko na ang toga ko ay nagpa-flashback sa akin ang mga pagkakataong umiiyak na lang ako dahil sa pagod, frustrations at kaba. Akala ko noon, hindi ko kakayaning pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho dahil ramdam na ramdam ko talaga ang pagbigay ng katawang lupa ko. Minsan, tinatawanan ko na lang pero minsan ay nagtatago na lang ako kung saan para umiyak .. lalo na pag wala si Antonio para damayan ako.

"Tay, hipid na hipid na po ang buhok ninyo e .. parang dinilaan na ng baka" biro ko sa kanya habang inaayos ang buhok niya. Payat pa rin si Tatay at medyo halata pa rin ang pagluwa ng mga mata niya. May bukol rin siya sa leeg at minsan ay nahihirapan pa ring huminga pero ngayon ay ang sigla niya. Parang wala siyang iniindang sakit. Kahit nga ang tungkod niya ay hindi na niya ginagamit.

"Pangit ba, anak? Maliligo ba ako ulit? Napadami ata ang lagay kong wax e" inginuso niya ang wax na nasa may ibabaw ng cabinet at nanlaki na lang ang mga mata ko nung nakitang halos maubos yun. Bigay 'to ni Antonio sa kanya noong isang araw na dumalaw siya dito. Yun daw kasi ang hiniling ni Tatay sa kanyang pasalubong.

"Tay?! Baka makalbo kayo niyan!"

Nanlaki ang mga mata niya at muling humarap sa salamin para kalikutin ulit ang buhok niya. Nasapo ko na lang ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Natatawang lumapit naman sa'kin si Adelaida at inalis ang curler na inilagay niya kanina sa buhok ko.

"Congratulations, Andrea. Wag mo sana akong ibalot sa tarpaulin at ipaanod sa ilog" natawa na lang ako sinabi niya. Naaalala pa pala niya ang away bata namin noon.

"Kalimutan mo na nga yun, Ate. Para kang sira"

"Tinupad ko naman yung promise ko sa'yo na ako na ang bahala sa tarpaulin ha. Yun nga lang, hati kayo ni Angel. Wala na akong budget e" nagmoving-up na kasi si Angelika kahapon.

"Di naman kailangan yun, Ate. Bakit gumastos ka pa? Pwede namang magtarpapel na lang. Saka wala naman tayong handa bakit may patarpaulin ka pa?"

"Sinong may sabi sayo? Nagluluto na nga si Nanay sa kusina"

Napanguso na lang ako. Ayaw kasi ni Nanay na sumama sa amin. Hindi ko alam kung bakit .. mas masaya siguro kung dalawa sila ni Tatay na kasama ko.

"Sasabunutan talaga kita, Andrea pag sumimangot ka pa" napairap na lang ako nung muling nagsalita si Adelaida. Siya kasi ang nag-aayos sa'kin ngayon. Actually, ayoko na namang mag-ayos dahil siguradong maglalamutak lang ako doon pero ayaw pumayag ni Ate. Ikakahiya daw niya ako pag umakyat ako sa stage nang mukhang basahan. Minsan talaga, naiisip kong may galit pa rin sa'kin ang isang 'to.

"May galit ba sa'kin si Nanay? Bakit ayaw niyang sumama sa'min? Tuwing gagraduate na lang ako, ang dami niyang dahilan para hindi ako samahan. Samantalang kay Angelika kahapon, sobrang excited siya" Hindi ko na napigilang mapaluha. Kalabisan ba yung hiling kong samahan niya ako sa espesyal na araw ko? Ibinili ko pa naman siya ng dress at sandals pero ayaw niyang gamitin.

"Nahihiya lang yun sayo. Alam mo namang dun tayo nagmana ng kamalditahan at kataasan ng pride"

"Bakit siya mahihiya sa'kin? Di ba siya proud sa'kin?"

Nothing But DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon