Chapter 17

62 6 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Talaga? Buntis ulit?"

"Di'ba pang apat na niyang anak yun? Puro panganay"

"Kaya nga, sino kaya dun sa dalawang laging naghahatid sa kanya ang ama nung dinadala niya ngayon?"

"Ganyan talaga, pag hindi nagagabayan ng magulang ng tama"

Napairap na lang ako sa hangin nung narinig ko na naman ang usapan nina nanay at ng mga amiga niya. Sino na naman kaya ang kawawang pulutan nila?

Pagkatapos kong magsuklay ng buhok ay hinagilap ko na agad ang bag ko at lumabas na ng bahay. Nakakainit ng ulo ang mga naririnig ko.

"Ikaw, Andrea? Kailan ka mag-aasawa?" Napabuntong hininga na lang ako nung tinawag pa rin talaga nila ako pagdaan ko sa terrace namin kung saan sila nag ma-mahjong. Ang aga-aga pa. Wala pa atang mga hilamos at toothbrush pero nasa sugalan na. Kahiya-hiyang Nanay ko pa ang promotor.

Humarap ako kay Aling Saling at nginitian siya ng matamis. "Pag po hindi na kayo ang kapitbahay namin" malambing na sabi ko kaya nanlaki ang mga mata niya at napahawak pa sa dibdib niya.

"Andrea! Saan ka natuto ng ganyan?! Ganyan ba ang turo ko sa'yo?"

Walang emosyong hinarap ko si Nanay at malumanay na sinagot siya. "Hindi po. Dahil wala naman po kayong naituro sa'kin"

Nanlaki rin ang mga mata niya at napatayo pa siya sa kinauupuan niya. "Aba't! Kailan ka pa natutong sumagot?! Kailan ka pa naging bastos?!"

Napaiwas na lang ako ng tingin at kinuyom ang mga kamay ko. "Sorry po. Aalis na po ako" bago pa siya makapagsalita ay tumalikod na ako at malalaki ang hakbang na lumabas ng gate namin.

Gustong-gusto kong pagsabihan ang nanay ko na maling-mali ang mga ginagawa niya pero natatakot akong baka sumama ang loob niya at atakihin na naman siya. Tiyak na gastos na naman yun. Hirap na hirap na nga ang tatay kong magtinda ng siomai sa gabi.

Mahal ko si Nanay .. pero minsan, napupuno na rin ako sa kanya. Lalo na sa mga ginagawa niya. Nakikita niya yung mga kapintasan ng ibang tao kahit na yung sarili naming pamilya, malayo rin sa pagiging perpekto. Kung makapanghusga siya sa kapwa, akala mo ang linis linis rin ng mga anak niya. Lord, kailan po kaya magbabago ang nanay ko?

Awtomatikong nawala ang mga nasa isip ko nung nakita ko si Antonio na naglalakad pasalubong sa akin. Ngumiti siya nung nagtama ang mga mata namin kaya patakbong lumapit ako sa kanya at binatukan siya.

"Woah! Maganda ata ang gising ng mahal ko ah" natatawang sabi niya sabay kuha ng bag ko. Hindi na naman yun masyadong mabigat dahil wala na akong mga dalang notebooks at books. Puro practice na lang naman kasi kami para sa graduation. Isang linggo na lang .. gagraduate na kami. Nakakaexcite na nakakatakot. Di ko kasi sure kung anong mangyayari sa'kin pagkagraduate ko.

"Antonio, sa tingin mo .. pwede akong mag-artista?" Biro ko sa kanya. As if naman may kukuha sa'king talent agency .. or makakapasa ako sa mga audition.

"Artista? Anong klaseng artista?" Kunot noong tanong niya kaya lihim na napangiti ako. Sinakyan talaga ang kalokohan ko.

"Actress .. yung umaarte"

"May ka-loveteam?"

Nagkibit balikat ako. "Depende .. pero di'ba mas okay yun? Mas nagki-click yung mga ganun?"

"Psh. Hindi. Hindi ka tatanggapin dun .. ang liit mo daw kasi. Bawal dun ang 4'9! Pwede ka sa kids show"

Napasinghap ako sa sinabi niya at naiinis na hinampas ko siya sa balikat. "Aba, gago ka ah! 5'1 and a half ako! Di ako 4'9!"

Nothing But DawnHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin