Chapter 29

70 6 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Wow! Kaninong version ng 'rainbow' yan?" Agad kong in-off ang music player nung biglang pumasok si Lizette sa kwarto ko. Wala kaming rehearsals ngayon kaya balak ko lang magmukmok sa kwarto. Kailangan ko din kasi ng pahinga dahil ilang linggo din akong pagod at puyat dahil kakatapos lang ulit ng show namin. 

Nagkibit balikat ako. "Original version. Bakit? Saka di ka ba marunong kumatok?"

Ngumisi lang siya at nagtuloy na sa pagpasok sa kwarto ko tapos ay naupo sa edge ng kama. "Wag nga ako! Mas maganda yan kaysa doon sa original version. Mas swabe at mas malamig yung boses"

Napaiwas na lang ako ng tingin at nagkunwaring busy sa phone ko. Kailangan ko pa nga palang magpadala ng pera sa pamilya ko mamaya. Malapit na naman kasi ang bayaran ng mga tuition fees ng mga scholars ko. Hay buhay.

"Hoy, Andrea! Sama ka na sa'min ngayon! Wala ka naman ibang gagawin dito e" lagi na lang niya akong pinipilit na sumama sa mga lakad nila ng iba pa naming mga katrabaho pero lagi rin akong tumatanggi.

Sa loob ng dalawang taong pamamalagi ko dito ay wala pa akong lugar na napapasyalan. Rehearsals then bahay lang ang routine ko sa araw-araw. Nakakapanghinayang kasing gumastos ng pera. Hindi naman pwedeng hindi ka gagastos pag lumalabas. Saka hindi naman ako nagpunta dito para maglakwatsa. Nandito ako para sa pangarap ko at para sa pamilya ko.

"Kayo na lang. May lakad ako"

Namewang siya at tinaasan ako ng kilay. "At saan naman yun, aber?!"

"Basta! Secret"

Nanlaki ang mga mata niya at gumapang palapit sa'kin. Nung nakalapit na siya ay hinawakan niya ako sa dalawang balikat at niyugyog. "OMG! Pumayag ka na sa date na inaalok ni Mr. Evans?! Akin yun, bakla ka!"

Itinaas ko ang dalawang daliri ko at dinutdot ang noo niya. "Gaga! Matagal ko nang sinabi kay Mr. Evans na wala akong planong makipagdate sa kahit na kanino!"

"Wow! Ganda ka?"

"Gaga! Lumayas ka na nga! Matutulog pa ako"

"Aish! Hindi pwede! Kailangan mong sumama sa'kin ngayon! Nangako na ako kay Scott na isasama kita!" Tukoy niya sa lagi kong leading man sa mga play. Matagal na ring nangungulit sa'kin ang lalaking yun kaya minsan naiinis na rin ako.

Sinabunutan ko si Lizette at inginudngod siya sa unan. "Bugaw ka na ba ngayon?! Magkanong porsyento mo?!"

"Isang Hermes bag --" sinapok ko ulit siya. " --Aray naman, bakla! Joke lang e. Gusto lang naman kitang maging masaya! Jusko po, nakadalawang taon na ah! Baka nga kinalimutan ka na nun"

Natigilan ako sa sinabi niya dahil sa biglaang pagkirot ng dibdib ko. Nandoon pa rin talaga yung sakit.

Ang last na balita sa'kin ni Kaycee tungkol sa kanya ay sila na daw ulit ni Jamaica. Tapos nun, narealized ko na kaya nga lang pala sila naghiwalay noon ay dahil sa akin. Ako nga lang pala yung nagpagulo sa kanila kaya ngayong wala na ako dun, siguro tinry ulit nila.

Bagay naman sila. Pareho ng propesyon, parehong may sinabi sa buhay at parehong walang ibang iniintindi kundi ang pag-abot sa mga pangarap nila. Samantalang ako, hanggang ngayon hindi pa rin ako makakilos ng ako lang. Ang dami kong dapat isaalang-alang. Yung tipong gusto kong bumili ng bagong damit pero iisipin ko muna kung may pagkain pa ba ang pamilya ko sa Pilipinas kaya wag na lang.

"Hoy, sorry na kapatid. Kasi naman e .. ayoko nang nakikita kang malungkot. Oras na naman siguro ngayon para hanapin mo yung happiness mo" napaiwas ako ng tingin at bumuntong hininga. Nakita ko na yung happiness ko .. pinakawalan ko lang .. kaya ngayon, hawak na siya ng iba.

Nothing But DawnWhere stories live. Discover now