Chapter 5

74 7 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Hoy, pwede ba kitang kulitin ngayon?"

Napatingin ako sa kay Antonio na basta na lang tumabi sa'kin. Vacant namin ngayon .. at ngayon lang sila pumasok nina Miguel. Ang gagaling talaga! Hindi ko na naman kasi siya iniimikan kanina dahil as usual, mainit na naman ang ulo ko at masama ang loob ko dahil na naman sa mga kapatid ko.

Inirapan ko siya at umub-ob na lang ako. First week of December na .. ang daming magagandang palamuti sa paligid dahil sa nalalapit na pasko pero hindi ko maramdaman yung saya. Ang dami kasing problema.

Natigilan ako nung sinuot ni Antonio ang kamay niya sa pagitan ng braso ko at armchair para sapuhin ang mukha ko. Ilang sandali pa ay pinipisil-pisil na niya ang pisngi ko para sapilitan akong mapanguso.

Tumunghay ako para bigyan siya ng masamang tingin pero ngumisi lang siya at mas nilamutak ang mukha ko.

"Smile, Dawnita" dalawang kamay na niya ngayon ang pumipisil sa magkabilang pisngi ko para ma-stretch yung labi ko at pilit na mapangiti.

Nung nanatiling walang reaksyon ang mukha ko ay napabuntong hininga siya at lumamlam ang mga mata .. binitawan na rin niya ang pisngi ko at naghalumbaba para titigan ako.

"Anong pwede kong gawin para ngumiti ka?"

Sinalubong ko rin ang tingin niya habang nag-iisip kung ano ba talaga ang gusto kong gawin. Sa totoo lang ay pagod na pagod na ko. Simula nung lumipat kami sa lugar na 'to ay hindi ko pa nararanasang magpahinga. Ni hindi pa nga ata ako nakakatulog ng 8 hours straight.

Nung wala akong maisip ay muli akong bumuntong hininga at tangkang uub-ob na ulit ngunit naunahan na niya akong ilapat ang likod ng palad sa armchair ko. Sa palad na niya nakapatong ang baba ko. Lihim na napangiti ako dahil ang bango ng kamay niya, in fairness.

Ilang sandali pa ay tinapat niya sa mukha ko ang cellphone niya. Nanlaki ang mga mata ko nung may nagpeplay na cartoons dun. Tom and Jerry.

Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa labi ko habang nanonood. Huli atang beses na nakapanood ako ng cantoons at noong elementary pa lang ako.

Hawak niya ang phone niya gamit ang isang kamay. Ang isang kamay naman niya ay nakasapo parin sa mukha ko .. ako naman ay tahimik na nanonood lang habang paminsan-minsan ay humahagikhik dahil sa kakulitan ni Jerry.

Nung natapos ang pinapanood ko ay tumunghay na rin ako. Lihim na natawa pa ako nung shinake-shake pa niya yung kamay niyang nakasapo sa mukha ko kanina. Mukhang nangalay ang loko.

Naiiling na hinawakan ko ang kamay niya para imasahe .. nakakahiya naman. Natigilan naman siya at napatitig ulit sa'kin kaya nginitian ko lang siya.

"Thank you"

Napaiwas naman siya ng tingin at nakagat ang labi. Napakamot din siya sa batok niya at namula na naman ang tenga niya. Ang cute!

"Mayroon ka ba diyan yung mga princesses?" Pagkuwa'y tanong ko kaya napatingin muli siya sa'kin. Hinihilot ko pa rin ang kamay niya at pinapatunog ang mga buto.

"Princesses?"

"Yung sina Cinderella .. di pa kasi ako nakakapanood ng ganun e. Ayaw ni Nanay. Kalandian lang daw yun" nakangusong sabi ko kaya napakunot ang noo niya.

"Kalandian?" Tumango-tango ako .. yun ang sabi ni Nanay e.

"E may kiss daw yun e. Bawal kaming manood ng mga ganun. Naririnig ko lang yun dun sa mga kaklase ko dati tapos nakikita ko yung picture kaya ko alam"

Nothing But DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon