Chapter 18

77 6 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Sigurado ka ba talaga anak na kaya mong magtrabaho?" Nag-aalalang tanong sa'kin ni Tatay habang nagsusuklay ako ng buhok.

6 am pa lang. Kami pa lang ni Tatay ang gising dito sa bahay. Mas minabuti ko nang gumayak ng maaga dahil maghahanap ako ng trabaho ngayon tapos dadaan pa ako sa Colegio para mag-apply for entrance exam. Kinakabahan nga ako .. mahirap daw kasi ang entrance exam dun.

"Opo naman, Tay. 12 years old pa nga lang ako, nagtitinda na ako ako. Kayang kaya ko po 'to, Tay"

"Pasensya ka na, anak ha. Kailangan mo pang gawin 'to para makapag-aral lang. Pasensya ka na dahil hindi ka matustusan ni Tatay"

Naiiling na lumapit ako sa kanya at yumakap sa bewang niya. "Ano ka ba naman, Tay. Okay lang po ako. Minamahina niyo ata ako e"

"Hindi naman sa ganun, anak. Nahihiya lang ako sayo .. Hindi ganito ang pinangarap ko para sa iyo"

Kahit nangingilid na ang luha ko ay pinilit ko pa ring ngumiti. Kailangang ipakita ko kay Tatay na okay lang ako. Kailangan, makita niyang kakayanin ko talaga para hindi na siya masyadong mag-isip. "Tatay talaga. Pasasaan ba't makakamit ko rin yang mga pangarap na yan. Hindi man ganun kadali yung pagdadaanan ko .. ang mahalaga, sisiguraduhin kong makakarating pa rin ako sa paroroonan ko"

Sa wakas ay ngumiti na rin si Tatay at ginulo ang buhok ko. "Basta pag nahihirapan ka na, magsasabi ka kay Tatay ha. Kahit ano pa yan .. makikinig si Tatay"

"Opo. Sige na po. Baka po mahaba pa ang pila sa Colegio" tumango siya at inabot na sa'kin ang budget ko ngayong araw. Nakakapanghinayang gastusin. Kung pwede ko lang talagang lakarin yung school na yun, gagawin ko e. Masyado nga lang malayo.

Kinuha ko na ang plastic envelope na naglalaman ng mga requirements ko at nagbless kay Tatay bago tuluyang lumabas ng bahay. Paglabas ko ng gate namin ay napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko talaga alam kung saan ako magsisimulang maghanap ng trabaho.

Dinukot ko ang phone sa bulsa para magpadala ng mensahe kay Antonio. Noong Sabado, ay naroon ako sa kanila dahil nga sa graduation party niya. Tapos kahapon ay nagstart na ako sa paghahanap ng trabaho but unfortunately, wala akong nakita dahil underage pa daw ako. Siya naman ay nasa ospital kahapon dahil may pinapa-asikaso daw sa kanya ang itay niya. Parang buong bakasyon ay magtatrabaho siya doon .. para na rin daw ma-familiarized siya sa mga pasikot-sikot doon.

Pagkasent ko pa lang ng text ko ay agad na nag-ring din ang phone ko dahil tumatawag na agad ang ulupong na yun.

"Good morning, Love" agad na bati niya. Mukhang bagong gising pa lang dahil medyo paos pa ang boses niya.

"Good morning. Naistorbo ba kita?"

"Nah. Saan ka na? Gusto mo samahan kita?"

"Hindi na. Alam kong may gagawin ka rin ngayon .. saka baka mainip ka lang. Sure akong mahaba rin ang pila ngayon sa Colegio"

"Pero kahapon pa tayo hindi nagkikita. Miss na kita" siguradong nakanguso na siya ngayon kaya natatawang napailing na lang ako.

"Magkasama lang tayo nung Saturday. Wag kang OA"

"Di mo ako miss?"

Saktong nakarating na ako sa kanto namin at agad na pinara ang jeep na paparating. "Miss na rin kita, wag ka nang mangulit. Sige na .. sasakay na ako sa jeep"

"Take care. I love you" Hindi na ako nakasagot dahil ibinaba ko na ang phone at sumakay na ng jeep. Napangiwi pa ako dahil ang taas nung tuntungan. Jusmee! Walang konsiderasyon sa mga cute size!

Nothing But DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon