Chapter 40

69 7 0
                                    

Lynard Anthony's
Part 3

"Anong ginagawa mo dito?" Nakataas ang isang kilay na tanong sa akin ni Jamaica nang makasalubong ko siya sa university na papasukan. Kakatapos ko lang mag-enrol at balak kong puntahan si Dawn sa kanila dahil kailangan ko ng stress reliever. Nagpaalam na naman ako kay Itay na hindi muna ako papasok sa ospital ngayon.

Sobrang stressful din kasi ng buong bakasyon ko. Sobrang istrikto ni Kuya Leon sa pagtuturo sa'kin ng mga advance lessons. Pero on the other hand, mas okay yun dahil unti-unti ay nahahanda ako sa daang gusto kong tahakin.

"Dito ako magka-college. Ikaw?" Sagot ko naman. Tumaas ang sulok ng labi niya at nginisihan ako kaya napailing na lang ako.

"Wow! Naiimagine ko na ang nakasimangot na mukha ng girlfriend mo pag nalaman niya" tatawa-tawang sabi niya kaya napangiwi ako. Sigurado talagang magliligalig na naman si Dawn pag nalaman niya. Napakaselosa pa naman nun. Pero walang problema sa'kin yun. Cute nga e.

"Whatever, Maics. Sige na, una na ako. Ingat" tinapik ko siya sa balikat at nauna nang maglakad paalis. Malaki naman ang university kaya siguradong bihira lang kaming magkikita ni Jam dito. Di na kailangan pang malaman ni Dawn ang tungkol sa kanya.

Nagpahatid ako kay Kuya Andoy sa bahay nina Dawn at pagkarating ko doon ay agad ko rin siyang nakikipaglaro sa mga pamangkin niyang nagtatakbo sa bakuran nila.

Awtomatikong gumuhit ang malapad na ngiti sa labi ko nang makita ko ang ngiti niya kasabay ng pagningning ng mga mata niya. Mula rin sa kinatatayuan ko ay naririnig ko ang mga hagikhik niya habang nakikipaghabulan sa mga bata. Instantly, lahat ng stress na naramdaman ko nitong nakaraan ay nawala.

Dinukot ko ang phone sa bulsa ko para kunan siya ng litrato. Hindi pa rin niya ako napapansin hanggang ngayon pero okay lang sa'kin. Sapat na sakin ang nakikita lang siyang masaya.

Pawisan, gulo-gulo ang buhok, malaking t-shirt at shorts lang ang suot niya pero para sa akin, siya pa rin ang pinakamagandang babaeng nakita ko, syempre sunod kay inay.

"Tito Ly!" Agad na ibinaba ko ang phone nang napansin na ako ni Abigail. Lahat ng mga bata ay napatingin na rin sa akin at nag-uunahan sa paglapit. Isa-isa silang yumakap sa bewang ko kaya natatawang ginulo ko ang buhok nila. Sobrang babait na bata. Manang mana sa Tita nila.

"Kamusta kayo?"

"Tito, ayt cleam!" Nakangising sigaw ni Mattheus kaya pinisil ko ang ilong niya.

"Anong ice cream? Kakakain niyo lang ng ice candy kanina ah!" Singit naman ni Dawn habang naglalakad papalapit sa amin. Nginitian ko siya pero pabirong inirapan lang niya ako kaya napailing na lang ako.

"Lumayo-layo nga kayo sa Tito ninyo. Di na kayo nahiya, di pa kayo naliligo!" Saway niya sa mga bata kaya naghagikhikan ang mga ito at mas lalo lang yumakap sa akin.

"Hoy! Pasok doon sa bahay. Magsiligo na kayo!" Pinanlakihan pa niya ng mata ang mga bata kaya nagngisihan ang mga ito at nag-uunahang pumasok sa bahay.

Noong kaming dalawa na lang ang naiwan sa may bakuran ay lihim na napangiti ako nang siya naman ang yumakap sa bewang ko. Naiiling na hinalikan ko siya sa noo at niyakap pabalik.

"Wag kang maarte. Di pa rin ako maliligo" nakangusong sabi niya kaya pinisil ko ang pisngi niya.

"E? Bakit ang bango pa din?" Umingos naman siya at kumalas ng yakap sa akin.

"Bolero! Anong ginagawa mo dito? Akala ko busy ka?" Nauna na siyang maglakad kaya sumunod ako. Naupo siya sa upuang kahoy na nasa terrace nila kaya tumabi ako sa kanya. Dinukot ko ang panyo ko sa bulsa para punasan ang pawis niya.

Nothing But DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon