Chapter 33

76 7 2
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Kamusta ang Mt. Pulag?" Nakangiting tanong sa'kin ni Kayceelyn pagkarating ko sa meeting place naming barkada. Nagpatawag kasi ng meeting si Miguel dahil nagpapatulong na isurprise si Athena para sa kasal nila.

"Ang ganda, Mars! Ang sarap sa feeling nung nasa tuktok ako. Tapos ang dami ko pang nameet na mga bagong friends" tuwang-tuwang kwento ko sa kanya.

Dahil nga humiling sa'kin si Tatay na wag muna akong umalis at isa pa, humiling din si Miguel na dapat nandito ako sa kasal nila ni Athena edi hindi na nga ako nakabalik sa London. Ginugol ko na lang ang mga araw na ipinamamalagi ko dito sa Pilipinas sa paggagala at pag-akyat kung saan-saang bundok gaya ng pangarap ko noon. Buti na nga lang talaga at mabait si Mr. Evans na kahit nakakontrata pa ako sa role na dapat gagampanan ko sa susunod naming play ay pinayagan niya akong magbackout. Sabi niya, kung ready na daw ako ulit, pwedeng-pwede pa akong bumalik. May balak naman talaga akong bumalik dun. Di pa lang ngayon .. nag-eenjoy pa akong maggala. Ang tagal ko na rin kasing pinangarap 'to e.

Nung una nakakatakot dahil mag-isa nga lang ako at walang makasama pero okay lang din pala. Marami rin naman kasi akong nakikilala sa mga paglalakbay ko.

"Hoy Andeng! Pasalubong!" Bati naman sa'kin ni Hans sabay mahinang tapik sa balikat ko nang makarating siya sa pwesto namin. Naka-uniform pa ang gago. Akala mo kagalang-galang.

"Ano ka chix? Saka nasaan na ba yung iba? Lagi na lang late" inis na sagot ko sa kanya at saka uminom ng juice na nasa harapan ko. Narito kami sa isang restaurant na pinareserve pa talaga ni Miguel kaya kami-kami lang ang tao.

"Kundangan ga namang ulaga yang si Miguel. Magpapatawag ng meeting, Monday pa! Kung kailan may pasok ang lahat" tatawa-tawang sabi ni Hans sabay agaw ng kinakain kong fries. Napakabalahura talaga. Ayaw mag-order ng kanya, libre naman 'to ni lover boy of the year.

"Sabing wag na kayong magtrabaho. Maggala na lang tayo" tatawa-tawang sabi ko sa kanila kaya inirapan lang nila ako pareho. Si Kay, naabutan ko dito kanina na tutok na tutok sa laptop niya .. samantalang si Hans ngayon, may inilabas na mga card. Nagsusulat ng grades ang gago. Napailing na lang ako sa kanila.

Inilabas ko na lang ang phone ko dahil balak kong mag-upload ng mga pictures ko sa Mt. Pulag. Noong isang araw pa ako nakauwi dito pero natulog lang ako maghapon kahapon kaya di ako nakapag-upload. Memories din kasi 'to ng pagiging isang strong independent woman ko. Charr!

"Where are the others?" Napa-angat ang tingin ko nang may umupo sa bakanteng upuan katapat ko. He's wearing a black dress shirt na bukas ang tatlong butones sa bandang taas habang ang sleeves ay tinupi hanggang siko. Napataas pa ang kilay ko dahil muli kong nakita ang nangingintab na hikaw sa kaliwang tainga niya. May ganun na ulit siya?

Simula kasi nung New Year's party namin last month ay ngayon ko lang siya ulit nakita. Bakit ganun? Parang bumabalik siya sa style niya dati? That parang magulo at tusok tusok na buhok, yung mga piercings, yung pananamit niya, yung awra niyang mayabang at parang di gagawa ng mabuti sa kapwa? Yung dating kinaiinisan ko pero ngayon ay hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya kung hindi pa ako pasimpleng sinipa ni Hans ay hindi ako kukurap.

"Sinusundo pa ni Jerick si Kendrix sa school tapos si Jarred on the way na daw. Si Miguel, nasa baba may mga kausap pa" sagot naman si Hans kaya tumango-tango si Antonio. Takte, Andrea! Sa iba ka tumingin! Off limits yan!

Tila naiinis na tumingin si Antonio sa relo at napabuntong hininga. "May meeting pa ako. Anong oras pa tayo magsstart?"

"Psh. Bigayan na nga ng card ng mga bata ko bukas kaya naghahapit ako ngayon ng pagsusulat, nagreklamo ba akong matagal sila? Maghintay ka diyan" pang-aasar ni Hans kaya napairap si Antonio at humalukipkip. Ni hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Samantalang kanina, bumeso kay Kaycee. Ano ako, hangin?! Hinayupak na 'to!

Nothing But DawnWhere stories live. Discover now