Chapter 34

89 8 2
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"M-marry? P-proposal na ba yan?" Kinakabahang tanong ko sa kanya habang nanlalaki ang mga mata. Umangat ang sulok ng labi niya at mas hinapit ako papalapit sa kanya.

"Wala akong dalang singsing ngayon e .. pero seryoso ako, Dawn. Ayokong magtanong dahil ayaw na kitang bigyan ng pagkakataong tumanggi. Please .. marry me, love" tinitigan ko ang malamlam niyang mga mata. Punong-puno iyon ng takot .. at pagmamahal na siyang nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

"P-pero si Jam"

"Hindi ako ang ama ng ipinagbubuntis ni Jam at lalong wala kaming relasyon" sinamaan ko siya ng tingin at mabilis na inagaw ang kamay kong hawak niya para hampasin siya sa balikat.

"E sino?! Alam mo bang hindi ako nakatulog ng ilang araw kakaisip at kakaiyak?! Alam mo bang kaya ako biglaang umuwi dito dahil nabalitaan kong ikakasal ka na?! Alam mo ba kung gaano kasakit yun?? Nakakainis ka, Antonio! Pinapaiyak mo ako lagi!" Tuluyang napahagulhol ako dahil parang nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib. Hindi pala mali na umasa pa rin ako kay Antonio. Pwede na akong sumaya kasama siya nang wala akong tinatapakang ibang tao.

"Uso naman kasing magtanong. Tamang hinala lagi tapos magliligalig." Nakangiting sabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko kaya sinamaan ko siya ng tingin at muling hinampas ang balikat niya.

"Ah ganun? Akin na ang susi ng bahay" inilahad ko ang palad ko sa harap niya. Nung nagtatakang tumingin siya sa'kin ay pinanlakihan ko siya ng mata. Napakamot na lang siya sa ulo niya at dumukot sa bulsa bago inabot sa'kin ang susi.

Matamis na nginitian ko siya bago tinalikuran at nagpunta sa main door ng bahay para buksan yun. Nung nabuksan ko na ay muli ko siyang hinarap at nginitian. "Maligalig pala ha? Diyan ka matulog sa labas!"

Nanlaki ang mga mata niya at nagmamadaling lumapit sa'kin. Pigil-pigil niya ang pinto sa pagsara kaya sinamaan ko muli siya ng tingin. "Alis diyan!"

"Bahay ko rin 'to!"

"Paki ko?! Sinong batas?! Sinong masusunod?!" Walang nagawang napabuntong hininga na lang siya at parang sumusukong itinaas ang dalawang kamay.

"Ikaw. Pero love naman .. please. Malamig dito sa labas. Kahit sa living room na lang ko" nakangusong sabi niya kaya inirapan ko siya at pinapasok na. Niloloko ko lang naman siya kanina e. As if naman kakayanin kong lamukin siya doon sa labas.

Pagpasok namin sa loob ay agad kong ipinalibot ang tingin ko sa kabuuan ng bahay at halos mangilid ang luha sa mga mata ko nang makita ko ang ayos nito. Halatang mamahalin ang mga gamit at talagang napakalinis at organisado kahit saan ako tumingin.

Malawak ang espasyo na talagang pinangarap ko noon dahil nga lumaki ako sa isang bahay na siksikan talaga kami ng pamilya ko.

Natigilan ako ng maramdaman kong yumakap mula sa likod ko si Antonio at hinalikan ako sa pisngi. "Like it?"

Tumango-tango ako at hinarap siya. "I love it. Pero dito ka pa rin sa sala matutulog"

Ngumiti lang siya at pinisil ang ilong ko. "Sabi mo e"

Ipinalibot ko ang mga braso ko sa leeg niya at tumingkayad para maabot ko ang labi niya. Mabilis ko siyang kinintalan ng halik doon na nakapagpalawak ng ngiti niya. "Akin ka na ulit?"

"Sayo naman talaga ako mula pa noong binigyan mo ako ng shanghai. Ano? Sasagutin mo na ba ako?" Nakangiting sabi niya habang bahagyang gumagalaw na parang sumasayaw kami.

Ngumuso ako "Ligawan mo muna ako ulit"

"Ha? Parin?! Daig mo pa si Maria Clara ah! 12 years na ata akong nanliligaw ah!"

Nothing But DawnWhere stories live. Discover now