Chapter 16

60 6 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Andeng, galit ka ba sa'kin?" Napapitlag ako mula sa pagkakatulala nung bahagyang tinapik ni Kaycee ang balikat ko.

Napakurap-kurap ako at tumingin sa kanya. "Ha?"

Kumunot ang noo niya at nagtatakang tiningnan ako. "May problema ba? Kanina ka pa matamlay ah. Nakakapanibago ka"

Napabuntong hininga ako at pabagsak na sumandal sa upuan ko. Halos wala na kaming klase ngayon dahil malapit na ang graduation. Wala na rin namang maituro ang mga teachers e.

"Hoy, Andeng?" Muli akong napatingin sa kanya at pilit na ngumiti. Hinawakan ko ang kamay niya at bahagyang pinisil. "Okay lang ako"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Tinatanong ko kung galit ka sa'kin .. hindi kung okay ka lang. Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo .. Simula pa kahapon"

Muli akong napabuntong hininga at umiwas ng tingin. Ayoko talagang magkwento ng tungkol sa mga nangyayari sa bahay. Sapat nang si Antonio lang ang nakakaalam ng nangyayari sa pamilya namin.

Sobrang gulo kasi dun simula kahapon nung nahuli ko ang ginawa ni Markus. Desidido si Tatay na kasuhan ang hayop na yun pero pinipigilan siya ni Amanda saka nung pamilya ni Markus. Isa pang problema ay dahil buntis na naman pala ang kapatid ko. Tangina, mukha na kaming daycare center dahil ang dami nang bata sa bahay. Akala mo naman may mga matitinong trabaho para buhayin ang mga anak nila.

Napatingin ulit ako kay Kaycee nung pinisil niya ang kamay ko. "Wag ka na daw sad, Ninang. Sabi ni baby" bulong niya sa'kin kaya nangingiting napailing na lang ako.

Hindi pa masyadong halata ang tiyan niya .. siguro ay dahil na rin sa jacket na suot niya. Pasimpleng tinapat ko ang palad ko sa tiyan niya at bahagyang yumuko. "Hi, baby. Di na sad si Ninang. I love you"

Narinig ko namang natawa si Kaycee kaya nag-angat ako ng ulo at tiningnan siya. "Anong plano mo? Nasabi mo na ba sa parents mo? Anong sabi ni Jerick?"

Bumuntong hininga siya at umiling-iling. "Siguradong papatayin ako ni Mommy pag nalaman niya"

"Si Jerick?"

"Ewan ko. Wala naman siyang reaksyon nung sinabi ko e" malungkot na sabi niya kaya nakaramdam na naman ako ng inis. Naikuyom ko ang mga kamay ko at tinangkang tumayo ngunit pinigilan lang ako ni Kaycee. "Saan ka pupunta?"

"May ia-assassinate ako tapos itatapon ko sa ilalim ng tulay!"

"Ha? Wag, Mars! Baka naguguluhan pa lang yun"

Naiinis na naupo ulit ako. "Nakakainis ka naman, Kaycee e. Alam mo ba kung gaano kahirap ang buhay?! Kung gaano kahirap maghanap ng trabaho?! Kung gaano kahirap maghanap ng panggatas? Bakit ba hindi ka muna nag-isip?!" Pabulong na asik ko sa kanya kaya nanatili lang siyang nakayuko.

"M-mahal ko siya, Mars e" mahinang sabi niya habang sumisinghot-singhot. Buti na lang talaga at may sariling mundo ang mga kaklase namin kaya di nila kami napapansin. "Saka kahit naman anong maging desisyon niya, paninindigan ko pa rin 'tong anak namin. Napakalaking blessing nito, Mars. Sa wakas, magkakaroon na rin ng taong sigurado akong mamahalin ako at hinding-hindi ako iiwan"

Napaiwas ako ng tingin nung nagsimula na namang tumulo ang luha niya. Hindi ko rin naman kasi talaga siya masisisi dahil alam ko ang mga pinagdaanan niya. Alam kong sabik na sabik siya sa pagmamahal na hindi niya nakuha sa mga magulang niya.

"Tsk. Halika nga dito" kinabig ko siya para yakapin. "Sorry sa mga nasabi ko kanina .. wag kang mag-alala, handa akong tumulong sa'yo. Kahit ano pa ang mangyari, hindi kita iiwan"

Nothing But DawnWhere stories live. Discover now