Chapter 41

82 8 0
                                    

Lynard Anthony's

"Wag mo nga akong yakapin!" Inis na sabi ng misis kong maligalig nang nahiga ako sa tabi niya at yumakap sa bewang niya.

"Bakit po?" Malumanay na tanong ko dahil nakakapagod ang buong maghapon. Kakagaling ko lang kasi sa trabaho at sobrang stressful ng araw na 'to. Mayroon kaming tatlong bagong patients and lahat sila ay aggressive.

"Tinamad akong maligo kanina. Di ako mabango" nakangusong sabi niya kaya natawa ako at mas hinapit siya papalapit sa akin. Sumubsob ako sa leeg niya at ipinikit ang mga mata ko.

"Hoy, Antonio! Layo!" Hindi ko na siya pinansin at niyakap na lang ng mahigpit. Namiss ko siya. May tv guesting kasi siya kahapon kaya kinailangan niyang umalis. Hindi siya dito natulog kagabi kaya hindi na rin ako umuwi. Sa ospital na ako nagpalipas ng gabi.

"Kakainis ka, Antonio!" Inis niyang sabi pero niyakap na rin ako at hinaplos-haplos ang likod ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan siya sa leeg. Hindi pa ako nakuntento hanggang sa maglakbay ang labi ko patungo sa labi niya.

"A-akala ko, pagod ka?!" Nanlalaki ang matang tanong niya habang nakatukod ang isang kamay sa dibdib ko para pigilan ako. Nginitian ko lang siya at muling hinalikan sa labi bago muling sumiksik sa leeg niya.

Bakit nga ba kasi ako nagpakapagod buong maghapon?

Muli niya akong niyakap at ilang sandali pa ay narinig ko ang mahinang paghimig niya. Awtomatikong napangiti ako dahil namiss ko rin yung pakiramdam na kinakantahan niya ako. Usually kasi ay siya ang nagrerequest sa akin na kumanta.

Wala sa sariling dumapo ang palad ko sa tiyan niya. Natigilan naman siya kaya pasimpleng inalis ko ang kamay ko at sumubsob muli sa leeg niya.

Mariing napapikit ako nang bahagya siyang lumayo sa akin at tumalikod sa gawi ko. Napabuntong hininga na lang ako at tumihaya. Napatitig ako sa kisame habang kinakalma ang sarili ko.

It's been a year pero bakit naroon pa rin yung sakit?

Isang taon na ang nakakalipas mula nung nawala ang una naming supling. Hindi namin alam na buntis noon si Dawn. Hindi ko naman siya pinaghihigpitan kaya hinahayaan ko siyang magtrabaho pa rin pero that time, habang nasa shooting siya para sa isang commercial, bigla na lang siyang dinugo then ayon na .. nawala na ang panganay namin.

Sobrang sakit ng nangyari sa amin noong mga panahong yun. Muntik na ulit kaming maghiwalay ni Dawn noon dahil ayaw niya daw akong makita. Nagtangka siyang umalis ulit pero hindi ko hinayaan. Nawala na nga ang anak namin, tapos hahayaan ko pang mawala siya ulit sa'kin?

Mula nun, pinilit kong patatagin ang sarili ko. Sinikap kong maging malakas noong mga panahong mahina siya. Sinikap kong maibalik muli ang pagsasama namin kahit na alam kong mahirap. Nasasaktan din kasi ako. Gusto kong maghanap ng sisisihin sa nangyari pero pilit kong itinuwid ang isip ko. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na may plano Siya. Alam kong may plano Siya.

Parang piniga ang puso ko nang marinig ko ang mga impit niyang hikbi. Agad akong yumakap sa kanya at hinalikan siya sa balikat para pakalmahin.

"Shush, I'm sorry love" Bulong ko habang hinahalikan-halikan siya sa pisngi at pinupunasan ang mga luha niya. Ang hirap sakin na makita siyang ganito kabasag dahil sa loob ko, alam kong basag na basag rin ako.

Nangarap kami ng isang masaya at buong pamilya. Simula pa noong araw na ikinasal kami. Ibinigay naman siya kaagad sa amin, yun nga lang .. binawi rin kaagad.

"A-ako dapat ang magsorry. Hindi ko maibigay ang pangarap mong pamilya" hirap na hirap niyang sabi kaya pilit ko siyang ihinarap sa akin. Sinapo ko ang mukha niya at hinalikan ko siya sa noo.

Nothing But DawnWhere stories live. Discover now