Chapter 22

57 6 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

Nahahapong napaupo ako sa waiting area ng emergency room. Kanina kasi pagkauwi ko sa bahay ay naabutan ko na lang na nagkakagulo sina Nanay pati ang mga kapatid ko dahil bigla na lang daw natumba si Tatay at nahirapan sa paghinga. Napapansin ko na noon pa na napapadalas ang paghabol niya ng hininga pero sabi niya ay okay lang siya .. dapat pala, noon ko pa man siya pinacheck-up.

"Andrea?" agad akong napatayo nung narinig ko ang boses ni Tita Lanie. Parang pauwi na rin siya dahil dala na niya ang gamit niya. Sabagay, 1 am na rin naman.

"Hello po, Tita" pinilit kong ngumiti. Kinuha ko rin ang kamay niya para mag-bless at pagkatapos ay bumeso rin ako sa kanya.

"What are you doing here? Nang ganitong oras?" Kunot noong tanong niya.

Napakamot ako sa ulo ko at napayuko para pigilang mapaiyak. Naiiyak ako sa pagod dahil kakagaling ko lang sa trabaho, sakit ng ulo at pag-aalala. "Ahm, sinugod ko po kasi yung tatay ko dito. Nahihirapan daw pong huminga"

Muling napakunot ang noo ni Tita Lanie at tinalikuran ako. Pumasok siya sa emergency room kaya lahat ng nurses at doctors dun ay napatingin sa kanya at bumati.

"Bakit walang nag-aasikaso kay Mr. Balagtas?" Nakataas ang kilay na tanong niya kaya tatlong nurses agad ang lumapit kay Tatay. Nilagyan lang kasi nila ng swero si Tatay tapos sabi nila ay hihintayin daw ang doktor na hindi ko alam kung saan pa manggagaling.

May kinausap si Tita na isang nurse at maya-maya pa'y hawak na niya ang phone niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso. Usually kasi ay nakangiti siya at ang gaan ng awra niya.

Matapos makipag-usap sa phone ay ibinaba ni Tita ang bag niya sa isang tabi at isinuot ang dala-dalang white coat. Humingi siya ng stethoscope sa isang nurse at siya na mismo ang lumapit kay Tatay na nananatili pa ring tulog. Medyo stable na ang paghinga niya ngayon pero hindi pa rin siya gumigising kaya nag-aalala pa rin ako.

Napalingon ako nung naramdaman kong may tumapik ng balikat ko at napaayos ako ng tayo nung nakita ko si Tito Alonso sa tabi ko. Agad na nag-bless ako sa kanya at masuyong nginitian naman niya ako. Hindi siya naka-uniform .. siguro ay susunduin lang niya si Tita Lanie ngayon.

Nanonood lang kami ni Tito Alonso kay Tita Lanie na nagmamando sa mga aligagang nurses. Minsan ay napapalingon ako sa katabi ko dahil naririnig ko na siyang natatawa sa asawa niyang di ko akalain na capable palang sumigaw.

"Good evening po, Doc Eliazar" napatingin ako sa likuran ko nung may dumating na isang lalaki na medyo gulo-gulo pa ang buhok at gusot-gusot pa ang coat. Parang kakagising lang niya.

Natawa si Tito Alonso at napatingin sa wristwatch niya. "Good morning, Doc Raymundo. Di kita sagot kay Misis ngayon ha"

Napakamot na lang ang doktor sa ulo niya at atubiling lumapit kay Tita Lanie. Nakita kong chineck ni Doc Raymundo si Tatay bago itulak ng mga nurse ang hinihigaan niya dahil dadalhin siya kung saan.

Nag-usap lang saglit ang doktor at si Tita Lanie bago ito sumunod kay Tatay. Hinubad ni Tita Lanie ang coat niya at lumapit sa amin. Sa wakas ay ngumiti na rin siya nung nagtama ang mga mata namin. Ginulo niya ang buhok ko at marahang pinisil ang pisngi ko. "Don't worry. Ichecheck na nila ang tatay mo. Hindi namin siya pababayaan"

"Maraming salamat po, Tita"

"Don't mention it. Magpahinga ka muna doon sa kwarto ni bunso. Alam mo naman yun, di'ba? Dadalhin na lang ang tatay mo sa room niya pag natapos na ang mga tests" Lately ko lang nalaman na yung kwarto kung saan ko laging nako-confine ay pagmamay-ari pala ni Antonio. Saan ka pa? May sariling kwarto sa ospital. Patunay lang talagang sa tuwing 'nagtatrabaho' kuno siya dito ay natutulog lang siya.

Nothing But DawnWhere stories live. Discover now