Chapter 38

88 6 0
                                    

Lynard Anthony's
Part 1

"Bunso, what do you want to be when you grow up?" Napabuntong hininga na lang ako nang tanungin ako ni Itay. Narito ako ngayon sa office niya at kasalukuyang kumakain ng ubas. Kakatapos ko lang kasing tumulong sa mga utility workers namin sa paglilinis.

Parehong doktor ang mga magulang ko pati na rin ang mga ninuno ko kaya hindi na nakakapagtakang magkaroon kami ng sariling ospital. Isa lang naman ang ospital namin sa pinakamalaking ospital dito sa rehiyon namin at bukod pa doon ay makabago rin ang aming mga kagamitan at pasilidad.

"Sundalo nga po, itay" sagot ko na lang. Lagi na lang niya kasi yung tinatanong sa'kin simula pa nung nagkaisip ako at iisa lang ang nagiging sagot ko.

Napangiwi na lang ako nung binato niya ako ng nilamukos na papel na sumapol pa talaga sa noo ko. Minsan talaga, naiisip kong hindi ako mahal ni Itay. Tatlo kasi kaming magkakapatid tapos bunso ako. Kambal naman ang Ate at Kuya ko at gaya nina Inay at Itay, gusto rin nilang i-pursue ang pagdodoktor. Nakagisnan ko na lang na lagi akong sinasama ni Itay kung saan man siya pupunta at inuutos-utusan. Samantalang ang mga kapatid ko, hindi naman naranasan yun.

Si Kuya Leon, pag humiling kay Itay bigay agad. Pag ako, kailangan ko pang tumulong sa paglilinis ng ospital at maraming tanong at kasunduan pa ang mangyayari bago ko makuha ang gusto ko. Ang daya talaga.

"Bakit ga gustong-gusto mong magsundalo?" Inis na tanong niya sa'kin habang nakasandal siya sa swivel chair niya at nakataas ang paa sa table. Isusumbong ko talaga siya sa inay mamaya.

"Ayaw ko ngang manurok Itay. Gusto ko'y mamaril!" Ang astig kaya ng mga sundalong napapanood ko sa TV. Ang boring naman kasi sa ospital. Tapos minsan, nakakainis pa yung mga demanding na pasyente. Hindi ako pwede sa ganun .. baka bigwasan ko pa sila. Ayoko sa lahat yung maligalig. Ang bilis uminit ng ulo ko sa ganun.

Napakunot naman ang noo ko nung natawa si Tatay sa sinabi ko. Pag-iling-iling pa siya na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. "Ayaw mong manurok?"

"Ayaw nga 'ho!" Nawawalan ng pasensyang sabi ko. Paulit-ulit na lang naman kasi ang usapan naming ganito. Sure akong bukas, magtatanong na naman siya sa gusto kong maging propesyon sa future. Ang tagal pa naman nun. First year high school pa nga lang ako e. Lalo lang naman siyang natawa at nang-aasar na tiningnan ako.

"Akala ko may girlfriend ka?" Hindi na ako nagulat na alam niya ang bagay na yun. Sigurado kasing nagsusumbong naman sa kanya si Mang Andoy na siyang driver/bodyguard ko.

"Anong konek?" Pambabara ko kaya napailing na lang siya. Ganyan talaga kaming mag-usap ni Itay pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ko na siya ginagalang. Siya kaya ang idol ko sa lahat ng bagay. Bonus pa na mukha kaming pinagbiyak na bunga kaya ang gwapo ko.

Tumayo naman si Itay sa swivel chair niya at lumapit sa akin. Ginulo niya ang buhok ko at naupo sa tabi ko bago nakikain ng ubas na hawak ko. "Baby pa pala talaga 'tong bunso ko"

Lalo lang akong napasimangot. Lahat na lang sila sa bahay, baby ang tawag sa'kin o di kaya ay bunso. Bigyan ko na kaya sila ng apo bukas para malaman nilang hindi na ako bata. Kaya ko nang gumawa ng bata.

"Corny mo, Tay. Pahingi na lang po ako ng pera. May lakad po kami nina Hans" inilahad ko pa ang palad ko sa harap niya kaya naiiling na dinukot niya ang wallet sa bulsa niya kaya lihim na napangiti ako.

Kahit naman ay mga times na pinagtitripan ako ni Itay ay may mga araw din naman na mabilis ko siyang nauuto. Bumuntong hininga siya at naglabas ng limang libo sa wallet at saka inabot sa'kin.

"Wag kang masyadong lalayo 'ha, bunso. Wag ka ding magpapagabi" malumanay na sabi niya habang tinatapik ang ulo ko. Ganyan sila palagi pag nagpapaalam ako. Parang hindi na ako uuwi. Ang weird din talaga minsan ng matatanda.

Nothing But DawnOnde as histórias ganham vida. Descobre agora