Chapter 4

71 7 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Bakit po gising pa kayo, Tay?" Takang tanong ko kay Tatay nang mabungaran ko siyang nakaupo sa may terrace ng bahay. 9 pm na at kagagaling ko lang sa pagtitinda ng balut. Antok na antok na ako pero kailangan ko pang gumawa ng assignment.

"Wala pa ang ate Amanda mo. Di mo ba nakita?"

Napakunot ang noo ko at pabagsak na naupo sa upuang kahoy na narito rin sa may terrace namin. "Hindi po e. Simula pa po ba kanina hindi umuuwi?"

"Oo. Ang sabi ni Angel, hinatid lang daw siya sa kanto tapos sumakay na ng jeep" napabuntong hininga na lang ako at napahilot sa sintido. Wala pa namang cellphone yun para matawagan. Iisa lang naman kasi ang cellphone namin sa pamilya. Naisanla na kasi yung iba nung nanganak si Adelaida.

"Ako na lang po ang maghihintay kay Ate. Gagawa pa rin naman ako ng assignment kaya di pa po ako matutulog"

"Sigurado ka ba?"

Matamis na nginitian ko siya at inabot sa kanya ang tungkod niya. Hindi pa rin kasi siya nakakalakad ng maayos kaya hindi pa rin siya nakakahanap ng trabaho. "Opo, Tay. Sige na po. Pumasok na kayo sa loob at mahamog na"

Inalalayan ko na siyang makatayo at makapasok sa bahay. Nung nasigurong okay na siya ay pumasok ako sa kwarto para kunin ang gamit ko. Nakita ko pa ang mga gamit ni Angel na nakakalat kaya niligpit ko muna yun at chineck na rin ang mga assignments niya.

Napatingin ako sa crib na gawa sa kahoy nung umingit ang pamangkin ko. Hindi man lang nagising si Adelaida kahit na umiiyak ang anak kaya wala na akong nagawa kundi buhatin ang bata at isayaw sayaw hanggang sa makatulog ulit.

Nung nasiguro kong okay na siya ay saka pa lang ako lumabas ng bahay para doon na sa terrace gumawa ng assignment habang naghihintay kay Amanda.

Buti na lang talaga at pinaalala ni Antonio kanina na dumaan kami sa computer shop kaya nakapagreseach ako ng assignment. Medyo nasasanay na rin akong kasabay siyang umuwi. Ang kulit kasi .. kaya di na boring maglakad.

"Anak, kumain ka muna" napalingon ako kay Tatay nung bigla siyang nagsalita. May hawak na siyang plato na may lamang pagkain at inilapag sa tabi ko.

Napailing na lang ako at bahagyang natawa. "Tay naman e. Akala ko po, tulog na kayo"

"E naalala kong hindi ka pa kumakain e. Ang liit liit mo na nga, ang payat mo pa"

"Tatay talaga!" Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko. Muling pumasok siya at pagbalik niya at may dala na siyang isang basong tubig. Pagkatapos nun ay nagpaalam na rin siyang babalik na sa kwarto.

Mabilis na kumain lang ako at pagkatapos ay nagsimula na sa paggagawa ng assignment.

Natapos at natapos ko na lang ang pagsusulat ay hindi pa rin dumadating si Amanda. Napasulyap ako sa wall clock na nasa may sala at nakitang 10 pm na. Antok na antok na 'ko .. gigising pa ako ng 4 am bukas.

Niligpit ko ang gamit ko at hinugasan na rin ang pinagkainan ko. Nagtoothbrush at naghilamos na rin ako pero wala pa rin si Amanda. Nakakainis! Saan ba nagpunta ang babaeng yun?!

"Alis na, babe .. okay na ako dito" awtomatikong napasilip ako sa may bintana nung narinig ko ang mahinang boses ng kapatid ko.

Naningkit ang mga mata ko nung nakitang may kausap siyang lalaki at talagang magkadikit na magkadikit pa sila. Huminga ako ng malalim at lumabas ng bahay.

Nakahalukipkip na naghintay ako sa may terrace at hinihintay silang matapos sa kalandian nila. Nung sa wakas ay umalis na rin yung lalaki ay naisipan rin ng kapatid kong pumasok ng bahay. Tinaasan niya ako ng kilay nung nakita ako at nung dumaan siya sa harapan ko ay basta ko na lang hinila ang buhok niya sa sobrang inis.

Nothing But DawnWhere stories live. Discover now