Chapter 32

80 6 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Saan mo ba ako dadalhin?" Basag ko sa katahimikan nang mapansin kong nakalabas na kami ng Batangas. Hindi na rin ako familiar sa dinadaanan namin dahil ang dami na ngang nagbago.

"Saan mo ba gustong pumunta?" Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.

"Seriously? Ang tanga mo namang kidnapper" sumimangot siya dahil sa sinabi ko.

"Hindi mo na nga ako sinabihang uuwi ka tapos ngayon, inaaway mo pa ako" natigilan ako sa sinabi niya at napaiwas ng tingin.

Bigla na naman kasing bumalik sa alaala ko kung bakit ako umuwi. Ano bang sumapi sa'kin? As if naman may magbabago pa ngayong narito na ako. As if mamahalin niya ulit ako .. as if babalik ulit siya sa'kin. Makakagulo lang ako dito.

Kung titingnan naman, sigurado akong masaya na siya sa buhay niya ngayon e. Bakit ko pa gagawing komplikado ang lahat? Nakapaselfish mo talaga, Andrea.

Tumikhim ako para tanggalin ang kung anong bagay na nakabara sa lalamunan ko. Pinapangako ko sa sarili kong hinding-hindi na ako ulit pa iiyak pa sa harap niya. "Wala naman talaga akong sinabihan na uuwi ako"

"Yeah right. Kaya ka pala nasundo ni Hans"

"Nagkataon lang yun. Saka ano bang pakialam mo?" Hindi na siya sumagot pero hindi nakatakas sa paningin ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela. Bakit ba parang inis na inis siya? May pakialam pa rin ba siya sa'kin? Uh, stop it Andrea! Nakakamatay ang umasa!

"Lynard! Saan ba kasi tayo pupunta?!" Inis na sigaw ko sa kanya dahil pakiramdam ko'y ang layo na talaga namin. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa bahay. Baka nag-aalala na ang mga tao dun.

"Shut up, Andrea!" Napasinghap ako at nanlalaki ang matang hinarap siya. Bigla kasing nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan at parang nakaramdam ako ng paninibugho sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"What did you just call me?!" Singhal ko sa kanya. Nanatili lang naman siyang makatingin sa kalsada pero kitang-kita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya kaya lalong naningkit ang mga mata ko.

Kung nakamamatay lang ang tingin ay siguradong nakabulagta na siya ngayon dahil sobrang talim ng tingin ko sa kanya. Pero ang walang hiya, parang wala lang pakialam.

Naalis lang ang masamang tingin ko sa kanya nang biglang nakarinig ako ng nagri-ring na phone. Dumukot siya sa bulsa niya at nung nakita niya kung sinong tumatawag ay napabuntong hininga na lang siya. Napaiwas naman ako ng tingin at yumukyok na lang ako sa kinauupuan ko nung nakita kong sinagot niya ang tawag at itinapat ang phone sa tainga niya.

"I can't, Maics. May importante akong aasikasuhin" mariing ipinikit ko ang mga mata ko nang makumpirma ko kung sinong kausap niya ngayon. Pasimpleng hinampas ko ang dibdib ko nang biglang ay kumurot na naman doong sakit. Wag ka na kasing makinig, Andrea!

"Whatever, Jamaica. Matulog ka na. Masama sayong mapuyat, remember? .. ang tigas ng ulo mo. Isasako na kita e .. oo diyan ako uuwi bukas. Sige na .. good night" ang lambing ng boses niya habang kausap ang nasa kabilang linya. Ganyang ganyan siya makipag-usap sa akin noon.

Matapos niyang ibaba ang tawag ay muling binalot ng katahimikan ang buong sasakyan. Hindi ko magawang magsalita dahil parang anytime ay bubuhos na naman ang mga luha ko. Maling mali na umuwi pa talaga ako dito.

Sumandal ako sa bintana at nagpanggap na tulog. Ayoko nang mag-isip masyado dahil baka talagang sa mental hospital na ako pulutin. Matutupad yung sinabi kong magiging pasyente niya ako.

Bahagya akong natigilan nung naramdaman kong tumigil ang sasakyan. Nanatili pa rin akong nakapikit at nagpapanggap na tulong nang marahan niyang inayos ang ulo ko at ibinaling ito sa may direksyon niya. Pati ang pakakaupo ko para mas maging komportable ako ay inayos niya rin.

Nothing But DawnWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu