Chapter 13

63 6 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Himala ata at mababa ang energy ng Andeng namin .. anong problema, princess?" Nakangising tanong sa'kin ni Hans habang narito kami sa tambayan namin kaya inirapan ko siya at umub-ob na lang.

Miss ko na si Antonio. Nasa Baguio kasi sila ngayon ni Miguel .. nanalo lang naman ang mga loko sa Regional Math and Science Quest kaya ngayon ay National na ang lalabanan nila. Kaninang 11:30 pm pa sila umalis at Linggo pa daw ng hapon ang balik nila. Boring na naman panigurado ang weekends ko dahil walang mangungulit sa'kin.

But to be clear, sobrang proud ako sa ulupong na yun. Who would've thought na magchachampion pa siya sa Science Quiz Bee? .. At nakaabot pa talaga ng National level. Dinaig pa niya yung running for Valedictorian ng batch namin.

"Mars, balik na tayo sa room. Nahihilo ako" napa-angat ako ng ulo nung niyugyog ni Kayceelyn ang balikat ko. Bigla naman akong nataranta nung nakitang ang putla nga niya.

"Hala, Mars! Okay ka lang? Tara sa clinic!"

"H-hindi na. Inaantok lang ako" alanganing tumango ako at tumayo na rin. Hinawakan ko ang kamay niya para alalayan .. pero dahil maliit ako ay muntik na kaming matumba pareho.

"Tsk" narinig ko na lang ang pagpalatak ni Jerick at saka marahan niyang hinila si Kay para siya na ang umalalay dito.

"Bati na ba ang dalawang yun?" Kunot noong tanong ko kay Hans habang nakaturo doon sa dalawang nauna nang maglakad. Nagkibit balikat lang naman ang kausap ko at tumayo na rin sa upuan niya.

Sabay kaming naglakad ni Hans pabalik sa building namin. Dumaan lang kami saglit sa canteen dahil nagpalibre ako sa kanya ng stick-o. Galante ang gago dahil isang garapon ang binili. Sarap niya talagang maging friend.

Pagkabalik ko sa room ay doon muna ako naupo sa ibabaw nung box na lagayan namin ng mga basahan, tambo at kung ano-ano pang panglinis dahil nasa upuan ko si Jerick. Mukhang bati na nga ata talaga sila ni Kay dahil nakasandal ang kaibigan ko sa balikat ng lalaki.

Kinuha ko ang phone sa bulsa para tingnan kung may text na ba galing kay Antonio. Ang huling mensahe niya kasi sa'kin ay nakarating na daw sila dun .. mga around 6 am yun. Tapos nagpaalam siyang matutulog daw muna dahil pagod sa byahe. Bukas pa naman ang pinakalaban nila .. pahinga lang sila ngayon.

Napangiti agad ako nung nakitang tumatawag na siya sa'kin. Walang patumpik-tumpik na sinagot ko ang tawag.

"Hi, Love. Kumain ka na?" Agad na bungad niya dahil siguro alam niyang ganitong oras ang lunch break namin. Parang bagong gising lang ang boses niya .. sabagay, ang sarap naman talagang matulog sa Baguio dahil malamig dun.

"Katatapos lang. Kababalik ko lang dito sa room e. Ikaw?"

"Not yet. Kakagising ko lang. Binulabog ako ni Juan Miguel .. ang sakit tuloy ng ulo ko" pakiramdam ko ay nakanguso pa siya ngayon kaya natawa ako. Naiimagine kong mukha na naman siyang tuta.

"Sapakin mo" suggestion ko kaya natawa siya. "Bangon na, Antonio tapos kumain ka na. Kailangan ng nutrisyon ng utak mo para bukas"

"Opo. Ano nga palang gusto mong pasalubong? Gagala daw kami mamaya"

"Strawberries! Saka peanut brittle"

Natawa muli siya. "Ano pa?"

"Ikaw na bahala. Surprise me"

"Okay po --"

"Paps, bangon na! Mambababae tayo bilis! Di kita isusumbong kay Andeng, promise!" Napataas ang kilay ko nung narinig ko ang tuwang-tuwang boses ni Miguel mula sa kabilang linya.

Nothing But DawnWhere stories live. Discover now