Chapter 30

72 6 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Di ka ba uuwi? Malapit na ang kasal ni Jarred. Ang alam ko, uuwi din si Athena e" napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Kayceelyn. Nung isang araw ay dumating sakin ang invitation para sa kasal ni Jarred at nung high school sweetheart niya. Akalain mo nga namang sila din pala ang magkakatuluyan sa huli. Nawa'y lahat.

"Kasagsagan ng show namin papatak ang date ng kasal nila e. Sorry na" Hindi naman kasi ito parang movie lang na napapanood sa sinehan na pagkatapos i-shoot ay puro promotions na lang ang aatupagin ng mga artista. Kailangan naming magperform ng live so pag-umalis ako, paano tatakbo ang play? Ako pa naman ang lead character.

"Ano ba yan? Paano na tayo mabubuo niyan? Lagi na lang may kulang" malungkot na sabi niya.

"Bawi na lang ako next time" sabi ko na lang sabay ngiti ng alanganin. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ako sure kung kailan ako uuwi sa Pilipinas. Sunod sunod kasi ang mga shows namin. Binibigyan naman ako ni Mr. Evans ng bakasyon pero ako na mismo ang tumatanggi. Kailangan ko pang mag-ipon dahil ilang bahay din ang hinuhulugan ko dun. Ikinuha ko kasi ng tig-iisa ang mga kapatid ko. Magkakatabi lang naman yun para di pa rin kami magkakahiwalay.

Kitang-kita ko naman sa camera ang lalong pagsimangot ni Kayceelyn. Pareho kasi kaming nakadapa sa kama at magkausap thru video call. "Limang taon mo nang sinasabi yan, Andrea! Nakakainis na! Nakauwi na't lahat dito sina Miguel at Hans and they are planning to stay for good! Pauwi na rin si Athena. Yung ngang inaanak mo kay Jarred, malaki na e! Ano na?!"

Napailing na lang ako sa kanya. "Wag mo akong igaya sa mga ulupong na yan. Mayayaman ang mga yan kaya kahit saang lupalop nila gustong magstay, mabubuhay sila"

"Jusko naman, Andeng! For sure naman may ipon ka na sa limang taong pamamalagi diyan! Pwede ka namang magnegosyo dito e. O kaya, bumalik ka sa dati mong trabaho!" Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilang matawa. Mukhang stressed na stressed kasi si Kaycee. Hindi na rin ako sumagot dahil baka lalo lang siyang ma-highblood. Hinayaan ko na lang siyang tumalak habang tango lang ako nang tango kahit na wala na akong naiintindihan sa mga sinasabi niya.

Ang sakit kasi ng ulo ko. Kahapon pa ako may trangkaso pero pinilit ko pa ring mag-rehearse kanina. Ayoko namang magkamali sa play namin lalo na't malapit nang ipalabas yun.

"Kahit isang linggo lang naman ang hinihiling sayo e. Miss na kita" nakangusong sabi niya pagkuwan kaya lumamlam ang mga mata ko. Nakakamiss na rin kasi ang mga kaibigan ko. Wala naman kasi akong naging matalik na kaibigan dito bukod kay Clarizzette.

"Basta magugulat ka na lang one day na nandiyan na ako. Libre mo ako ha" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Kahit saan mo pa gusto!" Natawa na lang ako sa kanya.

"Anyways, nasaan nga pala si Kendrix? Nasa Tatay?" Para kasing ang tahimik ng bahay niya e. Walang makulit.

Muli siyang nalungkot at gumuhit ang sakit sa mga mata niya "Na kay Ly. One week na atang nandoon yung batang yun. Ayaw umuwi e"

Napakuyom ang mga kamay ko nung biglang kumabog ang dibdib ko pagkarinig ko ng pangalang yun. Ang tagal ko nang walang balita sa kanya dahil talagang iniwasan ko nang nakarinig ng kahit ano tungkol sa kanya. Ayoko na naman kasing maulit yung nangyari noon na muntik na talaga akong umuwi dahil sa pagkamiss sa kanya. Hindi pa pwede.

Tumikhim ako at pinigilang magpakita ng emosyon sa mukha. "Bakit nandoon? Nasaan si Jerick?"

"Nadestino sa malayo kaya hindi ko pa ulit nakakausap. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin dahil siguradong away na naman 'to. Ang tanga ko kasi, Mars. Napagalitan ko yung bata .. nasaktan ata kaya nilayasan ako. Buti nga kay Ly pumunta e. Yun nga lang, ayaw na atang umuwi sa'kin"

Nothing But DawnWhere stories live. Discover now