Chapter 1

125 9 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Alam mo ba yung anak ni Lydia diyan sa kanto, gabing gabi na daw kung umuwi lagi tapos lalaki pa ang naghahatid"

"Talaga? Naku di na ako magtataka kung bukas bukas ay buntis na yun"

"Oo nga e. Naku mga kabataan talaga ngayon. Akala ata ay napakadaling bumuhay ng pamilya"

Napairap na lang ako sa hangin nung narinig ang pinag-uusapan ng Nanay ko at ng mga amiga niya habang nagtotong-its sila sa may tapat lang ng bahay namin. Nakakahiya mang aminin pero notorious chismosa ang nanay ko. Wala siyang ibang pinagkakaabalahan kundi pakialaman ang buhay ng may buhay.

"Hoy, Andrea ikuha mo nga ako ng tubig dun sa kusina. Nauuhaw na 'ko" utos sa'kin ng nakatatanda kong kapatid na si Adelaida habang hindi inaalis ang tingin sa TV sa harapan niya. Nakataas pa ang mga paa niya sa coffee table at sige sa pagkain ng manggang ako rin ang inutusan niyang magbalat.

"Edi ikaw ang kumuha. Ikaw pala ang nauuhaw e" mataray na sabi ko habang busy sa pagbabalot ng shanghai na ititinda ko mamaya. Magaling nang habang bakasyon ay makatulong ako sa pamilya ko kesa gumaya sa mga kapatid kong akala ata ay lumuluwa ng pera ang tatay namin.

Napangiwi na lang ako nung may tumamang buto ng mangga sa noo ko. "Tanga ka ba?! Kitang nahihirapan nga akong tumayo dahil sa bigat nitong tiyan ko, ako pa ang pakukunin mo. Wala ka talagang silbi. Para kukuha lang ng tubig e"

"Bakit?! Kasalanan ko bang nagpabuntis ka ng maaga? Pipili ka na nga rin ng bubuntis sa'yo, adik pa. Edi nganga ka ngayon! Tapos sa'min ka magmamaldita at magiging pabigat?! Ayos ka rin ah!" Kung maldita ang mga kapatid ko, hindi ako pwedeng magpatalo.

Apat kaming magkakapatid at puro kami mga babae. Never kaming nagkasundo-sundo dahil ayoko sa mga ugali nila. Masyadong feeling mayaman, asa lang naman ng asa kay Tatay. Tapos pag hindi sila napagbigyan, sila pa ang galit.

"Hoy Andrea! Matuto ka ngang gumalang kay Ate Laida. Tapang mo ah! Palibhasa paboritong anak ka ni Tatay" napairap na lang ako nung sumingit naman ang isa ko pang ate na si Amanda. Pormang porma siya .. mukhang may lakad na naman .. marami na agad siyang kabarkada samantalang isang buwan pa lang kaming nakakalipat sa lugar na 'to.

"Edi ikaw ang kumuha ng tubig niyan. Kitang may ginagawa ako dito, utos ng utos" balewalang sabi ko. Normal na sa'kin yung ganitong eksena sa bahay.

"Angelika!" Tawag ni Amanda sa bunso naming siyam na taong gulang. Siya ang sumunod sa'kin .. buti na lang at parang hindi pa masyadong tinutubuan ng sungay.

"Bakit po, ate?" Inosenteng tanong niya pagkalabas ng kwarto. Napailing na lang ako nung nakitang lumang bestida pa ang suot niya at butas butas pa yun.

"Ikuha mo ng tubig si Ate Laida. Hindi kasi mautusan ang isa di'yan" maarteng sabi niya sabay hagilap ng bag niya -- I mean bag ko, regalo pa yun ng teacher ko dati nung Christmas party namin dahil siya ang ka-exchange gift ko. Pati yung blouse na suot niya ngayon, akin yun .. regalo sa'kin ni Tatay yun nung pasko pero siya ang gumagamit. "Aalis na ko. Pasabi na lang kay Tatay, gagabihin ako" umirap pa siya sa'kin bago lumabas ng bahay.

Pumunta nga si Angelika sa kusina at pagbalik niya ay may dala na siyang tubig para sa ate namin. Napailing na lang ako at tumayo sa pwesto ko. Hinuli ko ang kamay niya at hinigit siya papasok ng kwarto.

"Ano ba namang damit yan, Angelika? Ang daming maaayos na damit dito, yung butas butas pa ang sinusuot mo! Mukha kang yagit ah!" Sermon ko sa kanya habang nagkakalkal sa luma naming kabinet ng mga damit.

"E ate, magagalit si Nanay. Hindi naman daw ako ang naglalaba, bihis pa daw ako ng bihis" nakangusong sabi niya kaya muling napairap ako.

"Hindi rin naman siya ang naglalaba e. Wag kang mag-alala, ako na ang maglalaba ng mga damit mo. Sige na, maligo ka na. Ang asim mo na" sabay abot ko sa kanya ang damit na nakuha ko. Tumango naman siya at lumabas na ng kwarto. Bumalik naman ako sa ginagawa ko dahil tanghali na. Baka di na ako makabenta.

Nothing But DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon