Chapter 31

71 6 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Hoy! Anong mayroon at nag-aalsabalutan ka?! Galit ka na naman ba sa'kin? Promise di na mauulit. Di na ako makikipagharutan dito sa bahay" parang tangang sabi ni Lizette nung naabutan niya akong nag-aayos ng mga gamit ko. Himala, ang aga niyang umuwi ngayon. Literal na maaga dahil madaling araw na dito ngayon.

Kakababa ko lang ng phone matapos kong makausap si Antonio kahit sa kaunting sandali at kakatapos ko lang ding iiyak lahat ng sama ng loob ko. At ngayon nga ay desidido na talaga akong umuwi ng Pilipinas para bawiin yung sa'kin! Bwisit na Antonio yan! Ang daming pangako sa'kin noon tapos mababalitaan ko na lang na ikakasal na ngayon!

"Uuwi ako sa Pilipinas" tipid na sabi ko habang basta na lang sinasalpak ang mga gamit ko sa maleta. Wala pa akong matinong tulog at ang sakit pa rin ng buong katawan ko dahil sa play namin na kakatapos lang pero hindi ako makaramdam ng pagod. Nanggigigil ako at parang buhay na buhay ang dugo ko.

Nanlalaki ang mga mata ni Lizette habang dahan-dahan siyang umuupo sa edge ng kama ko. "B-bakit? May emergency ba?"

"Oo! Malaking emergency! Baka magkatotoo ang sumpa mo sa'kin pag hindi pa ako umuwi ngayon!"

"Anong sumpa?" Takang tanong niya.

"Yung mamamatay ako ng virgin! Kasalanan mo talaga 'to, Clarizzette!" Inis na inis na sabi ko sa kanya. Ewan ko, parang iritable ako sa lahat ngayon. Bwisit ka, Antonio! Paano na lang ang ambag ko noon para sa bahay natin?!

"Ha? Anong kasalanan ko? Magrelax ka nga! Ano bang nangyari? Saka paano ka uuwi ngayon? Anong akala mo, Manila to Batangas lang ang uuwian mo?" Gulo-gulong tanong pa rin niya habang hinihila ang kamay ko para paupuin ako sa tabi niya.

Napabuntong hininga na lang ako nung nagsimula na naman sa pangingilid ang luha sa mga mata. Alam ko namang kasalanan ko kung bakit to nangyari e. Kasalanan ko dahil ako naman yung lumayo. Ako yung may gustong putulin ang lahat ng koneksyon namin pero bakit ang sakit sakit pa rin?

Nakalimutan na ba talaga niya ako? Bakit siya, hindi pa rin maalis sa isip ko? Ni hindi ko nga magawang kumilala ng iba dahil siya lang yung nakikita ko. Mali man, pero lagi ko siyang naikukumpara sa mga nakikilala ko. Sabi nga ni Lizette ang taas daw ng standards ko e. Di niya lang kasi maintindihan na minsan sa buhay ko, naranasan kong mahalin at maalagaan ng tama. Kahit sino hindi kayang pantayan yun.

'Comparisons are easily done
Once you've had a taste of perfection' ika nga sa kanta ni Katy Perry.

"Hoy! Bakit ka umiiyak?!" Nataranta si Lizette nung bigla na lang akong umatungal. Ang bigat na naman kasi ng dibdib ko. Ngayong mga oras na to talaga sumasampal sa mukha ko ang lahat ng panghihinayang at pagsisisi. Dapat pala, ibinulsa ko na lang si Antonio para na naagaw ng iba.

"I-ikakasal na daw si Antonio" punong puno ng hinanakit kong sumbong kay Lizette.

"O tapos? Hindi naman malabong mangyari yun dahil matagal na sila ng jowa niya. Saka nasa tamang edad na rin naman sila. Anong nakakagulat dun?" Parang wala lang na sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sabi na, wala akong mapapala sa babaeng to.

"Anong klaseng kaibigan ka?! Di mo ba nakikitang nasasaktan ako?!"

"Gaga! Sabi mo nga, minsan kailangan din nating masampal ng katotohanan. Ayan na! Sinampal ka ulit! Sino bang nagdesisyon ng lahat ito?! Di ba ikaw?"

"P-pero nangako siya sa'kin. Umasa ako, Mars. Binigyan pa nga niya ako ng singsing e. Kahit naman promise ring lang yun, singsing pa rin yun" napabuntong hininga na lang si Lizette at hinapit ako para yakapin kaya lalo akong napaiyak.

Nothing But DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon