Chapter 37

68 6 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

Masigabong palakpakan at nakakabinging sigawan ang sumalubong sa'min ng mga kasamahan kong performers matapos naming magbow sa gitna ng entablado. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ng mga oras na 'to.

Masaya dahil successful na naman kami pero at the same time ay malungkot dahil last play ko na 'to.

Ang dami kong natutunan sa theatro at masasabi ko talagang nakamit ko naman ang pangarap ko. Ito ang sumalo sa'kin at naging kanlungan ko noong mga panahong napapagod ako at ito rin ang talagang tumulong sa akin na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko.

Bawat palakpak, ngiti at sigaw ng mga taong nanonood sa amin ay parang unti-unti akong binubuo. Kaya siguro kahit ilang taon akong nalayo sa mga mahal ko sa buhay ay hindi ako tuluyang nawalan ng bait.

"Congratulations, Andrea" nakangiting bati sa'kin ni Mr. Evans sabay abot ng bouquet. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sineseryoso ang sinabi kong hindi na ulit ako tutuntong sa entablado. Sabi nya, okay lang daw bumalik ako kahit ilang taon pa ang lumipas. Bukas pa rin daw ang company niya para sa'kin.

"Thank you so much for this big opportunity, Sir" buti na lang talaga at swerte ako sa mga taong nakakatrabaho ko. Simula't sapol ay wala akong naging problema sa trabaho. Ewan, siguro, nasa pakikisama rin yun.

"Bakla! Mamimiss kitang sampalin!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Lizette sabay yakap ako ng mahigpit. Napangiwi na lang ako dahil tumama pa sa pisngi ko ang chopsticks niyang pang-ipit sa buhok. Kasama kasi yun sa costume niya dahil Chinese na hilaw ang role niya.

"Para kang tanga. Edi umuwi ka sa Pilipinas. Magsampalan tayo dun" natatawang sabi ko. Buti na lang talaga at nagsara na ang kurtina kaya pwede na kaming magkagulo dito sa backstage.

Nakakatuwa dahil ang daming pabaong regalo sa'kin ng mga kasamahan ko kahit na yung iba sa kanila ay hindi ko masyadong kaclose. Ganun naman kasi talaga dito. Pamilya kami.

"Nakakainis! Dapat di na lang kita pinauwi ng Pilipinas noon. Para di ka na lumandi doon" nakangusong sabi niya kaya pabirong hinila ko ang buhok niya.

"Gaga! Edi natupad ang sumpa mong mamamatay akong virgin?"

"Psh. Edi ikaw na ang may asawa! Pangit mong kabonding!" Inirapan pa niya ako kaya napailing na lang ako. At dahil sa sinabi niya, bigla ko namang namiss yung asawa ko.

Noon kasing dumalaw siya sa'kin dito noong nakaraang buwan ay isang linggo lang siyang nagstay dahil kailangan siya sa trabaho. Hindi naman daw kasi kakayanin ni Jamaica na patakbuhin ang ospital ng nag-iisa lang lalo pa't may inaalagaan itong anak.

Hanggang ngayon ay nagseselos pa rin ako pag binabanggit niya si Jamaica pero lagi ko na lang tinatatak sa isip ko na ako naman ang mahal at ako ang pinakasalan. Lamang pa rin ako ng 100 ganda points!

"Magbihis ka na! Aawra tayo ngayon. Bawal kang tumanggi! Despidida party mo 'to!" Bigla na lang inagaw sakin ni Lizette ang bouquet na hawak ko at hinila ako sa palapulsuhan. Hindi na ako nakapalag nang ipinagtulakan na niya ako papasok ng dressing room.

"Intay naman! Magpapaalam lang ako sa asawa ko" nakangusong sabi ko habang kinakalkal ang phone ko sa bag. Next week pa kasi ang flight ko pauwi ng Pilipinas kaya nakakalungkot. Miss na miss ko na yung asawa ko. Pagbalik ko talaga dun, gagawa na kami ng triplets.

Napakunot na lang ang noo ko nung nakitang hindi naka-online si Antonio. Nakakapagtaka yun dahil ang bilin ko sa kanya ay wag na wag siyang mag-ooffline. Hindi rin ako nakatanggap ng messages sa kanya simula pa kaninang umaga. Anong nagyari sa lalaking yun?

Nothing But DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon