Chapter 19

65 6 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

First day of school.

Sobrang excited na akong pumasok pero at the same time, kinakabahan din. Paano kung hindi ko kayanin ang apat na taon sa kolehiyo? Alam kong sobrang demanding ng oras dun. Maipagsasabay ko ba ang pag-aaral at pagtatrabaho?

"Anak, kanina ka pa nakatitig diyan sa salamin. Di ka pa ba aalis? Baka malate ka na"  napapitlag ako nung narinig ko ang boses ni Tatay mula sa likuran ko. Masuyo siyang nakangiti sa'kin at malamlam rin ang kislap ng mga mata niya.

Ngumiti ako at yumakap sa kanya. "Magdadrama ka na naman, Tay. Papasok lang ako sa school e"

Natawa siya at ginulo ang buhok ko. "Proud na proud lang ako sayo. Hindi ko talaga akalain na may makakatuntong sa inyong magkakapatid sa kolehiyo"

"Hay naku, Tay. Promise po, hindi lang ako basta makakatuntong sa kolehiyo kundi gagraduate pa ako. Hintay ka lang, Tay. Makikita mong magmamarcha ako sa stage para kunin ang diploma ko"

"Sige, anak ha. Poporma talaga ako sa araw na yun" natawa na lang ako sa sinabi niya. Ayaw na ayaw kasi ni Tatay ang magbihis ng magarbo .. okay na sa kanya ang pants at shirt. Minsan nga lang siyang mag rubber shoes dahil mas gusto niyang naka-tsinelas lang.

"Aba dapat lang, Tay. Ibibili kita ng mamahaling outfit plus wristwatch para poging pogi .. pag-iipunan ko po yun!"

Natatawang napailing na lang siya at mahinang pinitik ang noo ko. "Oo na .. tama na ang kakabola mo sa'kin. Pumasok ka na at baka mapurnada pa ang promise mo dahil late ka na agad ngayong unang araw pa lang ng klase"

Natawa na lang ako at nagbless na sa kanya bago kunin ang bag ko. Bag na niregalo sa'kin ni Ate Leslie .. Nakita niya kasi ako sa coffee shop nung isang araw. Nagkwentuhan kami saglit tapos nung nalaman niyang malapit na rin magstart ang klase ko ay kinabukasan, pinadalhan niya ako ng bag .. nakakahiya pero bawal tumanggi sa grasya.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kinakausap si Antonio simula nung nalaman kong si Jam ang partner niya sa isang report. Nadagdagan pa ang inis ko dahil hindi na niya ako dinadalaw sa bahay o sinusundo sa coffee shop. Nasa isang linggo na kaming hindi nagkikita simula nung nagstart ang klase nila.

Nagtetext naman siya sa'kin pero hindi ako nagrereply at hindi ko rin sinasagot ang mga tawag niya. Bahala siya sa buhay niya.



Awtomatikong gumuhit ang malapad na ngiti sa labi ko pagkababa ko ng jeep. Narito na ako ngayon sa dream school ko. Excited na sana akong mag-uniform pero sabi sa patahian ay hindi pa daw tapos kaya nakacivilian lang ako ngayon. Nakakainis .. fully paid na ako doon e.

Pagpasok ko ng gate ay maraming mga pamilyar na mukha agad ang bumungad sa'kin. Mga schoolmates ko sila nung high school .. yung mga binuburaot ko pag cleaners sila.

Since kasundo ko naman sila ay bumabati sila sa'kin at ako rin sa kanila. Noong nakita ko ang building ng Comm Arts ay malalaki ang hakbang na naglakad ako papunta doon para hanapin ang section ko. Hindi ako kinakabahan sa mga magiging kaklase ko dahil madali lang naman akong makibagay at makihalubilo. Nung nagpaulan kasi ng kapal ng mukha, nagtampisaw siguro ako.

Pagkatunton ko ng room namin ay agad na pumasok ako at nginitian ang mga kaklase kong napatingin sa'kin. Nakakita ako ng isang bakanteng upuan katabi ng isang magandang babae.

"Hi .. pwede pong makiupo dito?" Nakangiting sabi ko. Gulat siyang nag-angat ng tingin at tipid na ngumiti. Ang ganda ng babaeng 'to, in fairness. Napakasimple, walang halong kemikal.

"Sure" tipid na sabi niya kaya naupo na ako sa tabi niya.

"Andrea nga pala, Miss?" Sabay lahad ko ng kamay ko. Ang tahimik niya kasi .. ang inosente pang tingnan. Nakikita ko si Kayceelyn sa kanya. Namimiss ko na yung babaeng yun. Di nga siya nakapag-enroll ngayong academic year e .. pinalayas kasi sa kanila. Dadalawin ko talaga yun, pag magkatime ako.

Nothing But DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon