Chapter 25

60 6 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Andrea, gusto mo bang ikaw na lang ang pumalit sa'kin?" Napatigil ang mga daliri ko sa pagpindot sa keyboard ng laptop nung narinig ko ang sinabi ni Ms. Marah. Siya ang main host ng travel show kung saan ako nagtatrabaho bilang isang PA/Researcher.

"Po?" Nakakagulat yun dahil limang buwan pa lang ako sa trabaho. Hindi naman talaga ako dapat dito sa programang ito dahil magkasama dapat kami ni Athena sa news gaya nung unang buwan namin. Nagkataon lang na nangailangan sila ng researcher kaya inirecommend ako ni Ms. Charice -- siya yung may hawak sa'kin nung OJT pa lang ako dito. Natatandaan pa pala ako.

Ngumiti si Ms. Marah at nagkibit balikat. "Kaya mo na naman ah. Nakapagtry ka na naman ng isang beses di'ba?" Napakamot ako sa ulo ko at tumango. Nangyari yun nung one time na sumama ang pakiramdam ni Ms. Marah at hindi pwedeng ipagpaliban ang shoot. Nakita ko na lang ang sarili kong inaayusan na ng team tapos ako na agad ang isinalang sa harap ng camera.

"E di'ba po may audition na para sa papalit sa inyo?" Nakatakda na kasing ikasal si Ms. Marah at sa kasalukuyan ay nagdadalang tao na rin siya. After ng kasal nila ay magma-migrate na sila sa States at tuluyang tatalikuran na ang industriya. Hindi naman pwedeng ihinto ang show dahil isa ito sa mga programang may pinaka mataas na ratings na umi-ere sa TV.

Kinindatan ako ni Ms. Marah. "Ako na ang bahala sa'yo. Approval mo na lang ang hinihintay ko. So anong desisyon mo?"

"Aba, hindi ko po yan tatanggihan dahil napakalaking opportunity po niyan .. ang akin lang po, baka po hindi ko kayaning i-maintain yung ratings natin. Hindi naman po ako kilala ng mga tao" Matagal na kasi si Ms. Marah dito at siya talaga ang isa sa mga dahilan kung bakit ang taas ng ratings ng show. Ang galing kasi niya at alam kong mahirap siyang pantayan. Idol ko nga siya kahit noon pa man e. Lalo na ngayon na nakilala ko siya at napatunayan kong mabuti talaga siyang tao.

"You can do it. Nung nagstart naman itong show na 'to, hindi rin namin akalaing tatagal at lalaki ng ganito. But look at us now, ang dami na nating local and international awards" 

"Dun nga po ako kinakabahan. Baka hindi ko ma-sustain" alam ko naman kasi sa sarili ko na marami pa akong kakaining bigas bago ko makamit yung ganung level.

"Kayang-kaya mo yan. Hindi mo ba nakita yung ratings natin nung ikaw ang nag-takeover ng show? Ang taas ng ratings noon at ang gaganda din ng feedbacks ng mga big bosses natin"

Nahihiyang napakamot na lang ako sa ulo ko. "Salamat po, Ms"

Nginitian lang niya ako kaya bumalik na ako sa ginagawa ko kanina. Narito kami ngayon sa Pampanga and ilang oras na lang ay magsstart na kami ng shoot. Mabusisi ang trabaho at talagang nakakapagod pero lagi ko na lang iniisip na bawal akong mapagod. Kailangan ako ng pamilya ko.

Malapit na rin kasing manganak si Angelika. Buti na nga lang at pinanagutan naman siya nung boyfriend niya .. yun nga lang, wala pa ring trabaho at kakagraduate pa lang din ng junior high school kaya hindi pa rin pwedeng asahan.

Habang romorolyo ang kamera ay nakatingin lang ako sa ginagawa ni Ms. Marah para may idea ako in case na matuloy nga ang pagpalit ko sa kanya. Okay na okay sa'kin yun .. mas malaking pera ang kikitain ko. Yun nga lang, lalo nang kung saan-saang parte na ng Pilipinas ako mapapadpad.

Nung nakita kong tapos na ang shoot at nagliligpit na ang mga kasamahan ko ay nagligpit na rin ako ng gamit. Three days din kaming namalagi dito kaya excited na akong umuwi. Sigurado akong nakanguso na naman si Athena dahil ilang araw siyang walang kasama sa apartment. Sabagay, sigurado namang dumadalaw doon si Miguel.

Pagkarating ko sa apartment ay katahimikan lang ang sumalubong sa akin. Nakatanggap kasi ako ng text kanina mula kay Athena na doon siya matutulog sa condo ni Miguel. Akala ata ay hindi pa ako uuwi ngayon.

Nothing But DawnWhere stories live. Discover now