Chapter 14

62 6 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Wag kang magsasalita! Sasapakin kita!" Agad na pigil ko kay Antonio pagkalabas ko ng kwarto.

Ngumisi siya at tumayo na mula sa pagkakaupo sa aming sofa. Habang naglalakad siya papalapit sa'kin ay sinasamaan ko siya ng tingin. Sa totoo lang ay hiyang-hiya ako. Hindi ko kasi alam kung anong hitsura ko ngayon.

Prom na namin ngayon at gusto sana ni Tatay na magpaayos pa ako sa isang make up artist sa bayan pero hindi na ako pumayag. Sobrang dami na naming gastos para sa isang gabi lang. Ito ngang heels na suot ko, binili rin ni Nanay at Tatay nang hindi ko alam e. Nakakahiya na sa kanila.

"You look beautiful, Love" swabeng sabi niya sabay hawi ng ilang hibla ng buhok sa mukha ko. Pinalo ko nga ang kamay. Mga kapatid ko lang ang nag-ayos sa'kin na himala ay sinapian ata ng kabaitan ngayon.

Kinulot lang ni Adelaida ang mahaba kong buhok tapos pinonytail ng may katamtamang taas. Tapos may pa effect pa siyang ilang hibla na tumatabing sa mukha ko.Tapos si Amanda naman ang nagmake-up sa'kin. Buti na lang talaga at pagdating sa make-up ay magaan ang kamay ng kapatid kong yun. Natural look lang ang ginawa niya sa'kin.

In fairness, maganda ang pagkakaayos nila sa'kin pero syempre .. nahihiya pa rin ako kay Antonio na ang gwapo ngayon .. sabagay, lagi naman. Nakakainis .. bagay na bagay sa kanya ang white na suit.

"Magdoctor ka kaya. Bagay sa'yo ang white"

Napakamot siya sa batok niya at dinukot ang phone sa bulsa. Nagpipindot siya dun at ilang sandali pa ay itinapat niya sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko nung nakitang nasa listahan ng mga pumasa sa entrance exam ng isang university ang pangalan niya.

"Diyan din nagpre-med ang itay nun e .. maganda daw di --"

"OMG! Congratulations! Sabi ko sa'yo kaya mo yan e" naiiyak na sabi ko. Noong nakaraan kasi ay ilang beses niya akong tinanong kung sa tingin ko daw ba ay kakayanin niya ang maging doctor. Syempre, sinabi ko sa kanyang kung magsisipag at magpofocus siya ay kakayanin niya talaga.

Hinampas ko siya sa balikat. "Kailan ka nag-exam? Bakit di ko alam? Di tuloy kita napabaunan ng shanghai" nakangusong sabi ko.

Napakamot muli siya sa batok niya. "Sorry na. Hindi ko naman akalaing papasa ako diyan sa school na yan e .. kaya yun di ko na sinabi. Kanina ko lang din nakita ang result"

"Magsipag ka ha. Malayo-layo pa ang tatahakin mo .. pag naging doktor ka na, saka kita sasagutin"

Natawa siya sa sinabi ko at napailing. "Pari na ang magtatanong sayo pag dumating ang panahong yun. At hindi lang basta 'yes' ang sagot"

Napakunot ang noo ko dahil medyo loading ako sa sinabi niya "Ha?"

Natawa siya at hinawakan na ang kamay ko. "Basta. Tara na .. late na tayo"

Tumango na lang ako at hinawakan ang gown ko. Medyo mahaba sa'kin e. Ang liit ko lang kasi .. walang nagawa ang heels. Nakakainis.

Pagkatapos naming magpaalam kina Nanay at Tatay ay si Antonio na ang humawak ng trail ng gown ko hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Naroon din si Mang Andoy na tumango lang sa'kin at bahagyang ngumiti.

Habang nasa byahe ay naglalakbay ang isip ko para sa kinabukasan. Dahil kasi sa kaalamang may school nang papasukan si Antonio sa kolehiyo ay napaisip ako. February na ngayon .. sa isang buwan ay gagraduate na ako ng high school .. ano nang kasunod?

Gustong-gusto kong mag-aral .. pero ayokong maging selfish. Paano ang mga kapatid ko? Ang mga pamangkin ko? Gayong si Tatay lang ang nagtatrabaho para sa'min. Ang asawa naman ni Adelaida ay bihirang bihira lang magpadala .. kulang pa para kay Adelaida at sa bunso niya. Si Abigail nga, hindi na rin nakakapag gatas minsan e.

Nothing But DawnWhere stories live. Discover now