Chapter 21

70 6 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Andrea, baka may natitira ka pa diyang pera o? Kailangan ko kasing ipacheck-up si Akihiro. Kagabi pa nilalagnat" agad na bungad sa'kin ni Adelaida pagkagising na pagkagising ko. Medyo maayos na ang relationship naming dalawa at hindi na rin niya ako inaaway.

"Ha? Oo naman, ate. Sandali lang" sabi ko at agad na kinuha ang bag ko para kunin ang wallet ko. Tamang-tama namang kakakuha ko lang kahapon ng financial assistance ko mula kay Vice Governor para ngayong first sem ng second year. 5000 yun .. binigay ko kay Tatay ang 3000 para may panggastos dito sa bahay.

Inabot ko kay Adelaida ang 1,500 para if ever man na may reseta ang doktor ay mabibili rin niya agad. Pagkakasyahin ko na lang yung natitira sa'king 500 ngayong week. Sa isang linggo pa kasi ang sahod ko sa coffee shop.

"Baka wala ka nang panggastos?"

"Ha? Meron pa. May natitira pa naman akong pera"

"Sigurado ka? Salamat ha"

"Walang anuman yun. Sige na .. mag-ready na kayo at baka mahaba ang pila sa center" tumango naman siya at pinuntahan na si Aki sa kwarto. Napabuntong hininga na lang ako at muling napahiga sa sofa. Mamayang 8 am pa naman ang klase ko.

"Ate, pahinging 150. May babayaran kami sa school" napalingon naman ako kay Angelika na nakabihis na ng kanyang uniform dahil paalis na.

Muli akong bumangon para abutin ang bag ko at walang imik na kumuha ng 150 sa wallet para iabot sa kanya.

"Thank you, Ate. The best ka talaga!" Dinamba niya ako ng yakap kaya napailing na lang ako at ginulo ang buhok niya. "Saka nga pala, Ate may field trip kami next next month. 1,600 daw ang bayad .. gusto kong sumama, Ate please" ngumuso pa siya at pinalamlam ang mga mata.

Inirapan ko siya at dinutdot ang ilong niya. "Kami nga nina ate, hindi nakaranas ng field trip e. Saka 1600? ang mahal, Angelika. Panggatas na yun ng mga bata"

"Sige na Ate please. Pa-birthday mo na sa'kin. Saktong birthday ko kasi tatapat ang field trip namin. Saka nakapagpalista na po ako, Ate. Nakakahiyang bawiin ko yun"

"Tigil-tigilan mo ako, Angelika. Hindi basta-basta napupulot ang 1,600. Sige na .. pumasok ka na at baka ma-late ka pa" Padabog na tumayo siya at simangot na simangot na kinuha ang bag kaya tumayo na rin ako at mahinang sinabunutan siya.

"Wag na wag mo akong mapagdabugan, Angelika. Isasako talaga kita!" Pinanlakihan ko pa siya ng mata pero inirapan lang niya ako at walang salitang lumabas ng bahay nang hindi na nagpapaalam sa kahit na kanino. 

Muli akong napabuntong hininga at niligpit na ang hinigaan ko. Mukhang kailangan kong pumasok ng maaga dahil kailangan kong lakarin ang papuntang school. Siguro naman before 8 am ay makakarating na ako dun. Hindi naman ito ang unang beses na ginawa ko 'to. Buti nga sa school ay nabuburaot ko si Miguel kaya libre ang pagkain ko.

"Tata!" Gumuhit ang malapad na ngiti sa labi ko nung biglang yumapos sa binti ko si Mattheus. Agad ko siyang binuhat at pinupog ng halik sa pisngi. Ang gaan at ang payat niya compared sa ibang mga batang kaedaran niya. Ang sabi sa center ay malnourished daw siya kaya talagang sinisiguro namin ni Tatay na lagi siyang mabibilhan ng vitamins at gatas.

"Malapit na ang birthday ng baby ko na 'to. Anong gusto mong gift?"

"Donut!" Tuwang-tuwang sabi niya kaya muli kong pinangigilan ang pisngi niya .. humagikhik naman siya kaya kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Buti na lang talaga at di nagmana 'to kay Amanda na laging nakasimangot.

"Kiss mo muna si Tata para bumili si Tata ng madaming madaming donut" bigla naman niya akong pinupog ng halik kaya turn ko naman ngayon ang mapahagikhik.

Nothing But DawnWhere stories live. Discover now