Chapter 12

66 6 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Dawnita, punta ka daw sa bahay sa Saturday sabi ng Inay" halos masamid ako kahit na wala naman ko kinakain nung narinig ko ang sinabi ni Antonio.

Naglalakad na kami ngayon pauwi. Maaga ang dismissal dahil teacher's day celebration lang naman.

Isang buwan na simula nung manligaw sa'kin si Antonio .. at sa loob ng isang buwan na yun ay mas nakilala ko siya. Mas ingat na ingat siya ngayon .. pero mas sweet. Tuwing gabi, bago ako matulog ay tatawag siya sa'kin para kantahan lang ako.

Pag naman may kailangan kaming puntahan, pinagpapaalam niya ako kina Nanay at Tatay. Pati nga yung panliligaw niya, pinaalam rin niya sa parents ko. Akala ko nga noon, magagalit sila sa'kin pero sinabihan lang ako ni Tatay na naiintindihan daw niya kami ngunit, subalit, datapwat, wag na wag ko lang daw sisirain ang tiwala niya.

Nanlalaki ang mga matang hinarap ko siya. "B-bakit ko kailangang pumunta sa inyo?"

"21st Birthday nina Kuya Leon at Ate Leslie. Sabi ng Inay, imbitahin kita"

Hinampas ko siya sa balikat kaya napaigik siya "Aray naman, Dawnita"

"Bakit ako kilala ng Inay mo?!"

"Di'ba nagkita na kayo? Saka syempre sinabi kong nililigawan kita .. kaya yun, gusto kang makilala"

Muli ko siyang hinampas sa balikat. "Nakakahiya!"

Kunot noong hinarap niya ako. "Bakit ka mahihiya? Saka ganun talaga kami .. bawal ang secrets sa pamilya"

Huminto ako sa paglalakad at humalukipkip sa harapan niya. Kunot noong huminto din siya kaya tinitigan ko siya at pinaningkitan ng mata. "Ilang babae na ang nadala mo sa inyo?"

"Ha?" Takang tanong niya.

"Sagutin mo ang tanong ko, Antonio. I'm waiting"

"Wala! Ikaw pa lang ang dadalhin ko"

Umismid ako at dinutdot ang ilong niya. "Sinungaling! Sabi mo walang secrets sa inyo? Bakit, di mo man lang ba nabanggit sa kanila si Jamaica? O ang iba mo pang mga naging babae?!"

"Hindi ko naman talaga binanggit. Ang sabi ni Itay, pag sure na daw ako sa babae saka ko lang daw dalhin sa bahay"

"Psh. Maniwala sa'yo. Ilan ang naging ex mo?!"

Napakamot siya sa batok niya at napabuntong hininga. "Love --"

"Sagutin mo ang tanong ko, Lynard Anthony. Sasapakin talaga kita!"

Napalunok naman siya. "Love, wala lang yung mga yun. Saka ayoko nang pag-usapan"

Muli ko siyang pinaningkitan ng mata. "Bakit ayaw mo? Nanghihinayang ka pa?"

"Syempre hindi! Past na yun .. wala lang talaga yun. Bakit mo ga tinatanong?"

Nagkibit balikat ako. "Wala lang. Curious"

"Anla naman. Magagalit ka laang"

Nag-iwas ako ng tingin at humalukipkip para itago ang pagcross ng mga daliri ko. "Di ako magagalit. Promise"

Tumaas ang sulok ng labi niya at nakapamulsang umiling-iling. "Di mo ako mabubudol"

Muli ko siyang hinampas sa balikat. "Hindi nga. Dali na .. malay mo, nakakasalubong ko na pala yung isa sa mga exes mo. Edi magha-hi ako. Di'ba friendly naman ako?"

Natawa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay. Walang nagawang nagbuntong hininga na lang siya bago kakamot kamot sa ulong sinalubong ang tingin ko. "Fine. Apat lang ang naging girlfriend ko. Si Jamaica lang yung pinakamatagal .. umabot ng 5 months. Pero yung tatlo, matagal na ang one week. Di ko na nga kilala yung iba e"

Nothing But DawnWhere stories live. Discover now