Chapter 15

57 6 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Love, saan ka magkacollege?" Natigil ako sa pagwawalis nung narinig ko ang tanong ni Antonio. Kakatapos lang ng fourth periodical exam namin .. ilang linggo na lang ay gagraduate na kami ng high school.

Ang mga kaklase ko, alam na nila kung saang school sila papasok. Yung iba, nakapag-entrance exam na samantalang yung iba, may mga schedule na rin ng exam. Ako, wala pa ring maiisip kung paano ko itutuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Hindi biro ang matrikula dun .. dagdag pa ang daming gastusin.

Nilingon ko si Antonio at nginitian .. sana lang, hindi niya mapansing pilit ang mga ngiting yun. Ayokong intindihin pa niya ako. "Baka sa Colegio ng Lungsod. Nakapag-inquire na ako .. pwedeng mamili ng schedule dahil may panggabi naman sila. Maganda yun para sure na makakapaghanap ako ng part time job"

Kumunot ang noo niya at binitawan ang dustpan na hawak. "Di'ba walang AB Communication dun? Di'ba yun ang gusto mong kurso?"

Nagkibit balikat ako. "Second choice ko naman ang Business Administration .. malay mo, dun ako yumaman"

"Are you sure? I can help --"

"Tsk. Sabing wag ako ang intindihin mo. Kaya ko ang sarili ko .. at saka maganda naman yung BA ah?"

"Love, hindi pwedeng hindi kita intindihin. Girlfriend kita at --"

"At hindi mo pa responsibilidad at obligasyon na tulungan ako in monetary terms"

Bumagsak ang dalawang balikat niya at bahagyang napanguso. "Love, let me help you. Gusto ko, matupad mo yung pinaka-pangarap mo. Promise, pagtatrabahuhan ko sa ospital yung itutulong ko sa'yo. Hinding-hindi ako hihingi sa itay"

Naiiling na lumapit ako sa kanya at pinisil ang ilong niya. "Kaya ko 'to. Saka yung love and support mo pa lang, sobra-sobra nang tulong para sa'kin. Basta manatili ka lang palagi sa tabi ko .. sapat na sa'kin yun"

Bumuntong hininga siya at inayos ang buhok ko. "Syempre naman. Kahit ipagtabuyan mo ako .. hinding-hindi ako aalis. Kahit maumay ka na sa'kin .. hindi pa rin ako lalayo"

Sinalubong ko ang mga mata niya. Kitang-kita ko doon ang labis na pagmamahal at ang katotohanan sa likod ng pangako niya. "Bakit ganyan ka? You grew up being the baby and the priority of your family. Sanay kang nakukuha palagi yung mga gusto mo nang mabilis at walang kahirap-hirap. Bakit nagttyaga ka sa'kin? Bakit willing kang hintayin ako kahit gaano katagal?"

Ngumiti siya at pinisil ang pisngi ko. "Simple lang ang sagot diyan .. mahal kita e"

"Pero maraming babae diyan na laging uunahin ka. Honestly, hindi ka kabilang sa mga priorities ko sa ngayon. Marami pa akong gustong marating, marami pa akong gustong gawin at higit sa lahat, ako lang ang inaasahan ng pamilya ko. Kung hihintayin mo ako, baka abutin pa ng ilang dekada" hinawakan ko ang kamay niya at bahagyang pinisil. "You deserve someone better"

"Are you breaking up with me?" Diretsong tanong niya na nakapagpakudlit ng sakit sa puso ko. Three weeks being with him is the best three weeks of my life. Sa three weeks na yun, lalo akong nahulog sa kanya. He's the best .. very supportive, very understanding .. he's just perfect.

Umiwas ako ng tingin dahil nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko. Ayoko yung thought na lalayo siya sa'kin .. pero di'ba ganun naman yun? Once na nagbreak na kami, mawawala na sya sa'kin?

Sinapo niya ang mukha ko kaya sapilitang napaharap ako sa kanya. "Love, stop thinking too much. I told you, hindi ako nagmamadali. Di'ba nagpromise akong magiging doktor din ako someday gaya ng parents at mga kapatid ko? Matagal na panahon pa bago mangyari yun .. ako pa nga ang hihintayin mo"

Nothing But DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon