Chapter 35

88 7 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Love, may sasabihin ako. Wag kang magagalit" tawag pansin ko kay Antonio habang kumakain kami ng breakfast. Wala daw siyang duty ngayon kaya baka dito lang kami sa bahay maghapon.

Sabagay, ngayon lang ulit kami magkakasama dahil naging busy din ako nitong nakaraan. Habang narito kasi ako sa Pilipinas ay nagsunod-sunod ang mga TV guestings ko lalo na nung nalaman ng dati kong network na nakauwi na ako. Blessing din yun dahil kahit paano ay may income ako.

"What is it?" Kunot noong tanong niya kaya nakagat ko ang ibabang labi ko. Kagabi pa yan badtrip dahil nagseselos. Napanood niya kasi yung programa kung saan iniinterview ako tapos ay nililink ako kay Trev. Akala ng mga tao na may special sa'min dahil medyo close naman kami ng ulupong na yun. Tapos nalaman pa nila na classmates kami nung college. Nagkaroon kasi ng pagkakataon na kumanta ako kasama ang banda nila sa isang variety show.

"Psh. Di ko pa nga natatanong, galit ka na. Wag na nga lang" kagabi kasi ay tumawag ulit sa'kin si Lizette para ifollow-up kung tatanggapin ko ba ang offer ni Mr. Evans. Nagkacasting na ata sila ngayon tapos ako na lang ang hinihintay.

Bumuntong hininga si Antonio at ibinaba ang mga kubyertos na hawak bago ako matamang tiningnan. "What is it, Dawn?"

Tumikhim ako nang maramdaman ko ang kaseryosohan ng boses niya. Wrong timing talaga ngayon dahil mainit ang ulo niya. Sinalubong ko ang tingin niya at pilit na nginitian siya. "A-ahm, kailan natin kukunin yung mga damit natin para sa kasal nina Miguel?"

Tumaas naman ang kilay niya na parang hindi naniniwala sa sinabi ko kaya mas nilaparan ko pa ang ngiti ko. Bumuntong hininga naman siya bago muling nagpatuloy sa pagkain. "Next week pa daw"

Napanguso na lang ko. "Sungit!" Hindi mapigilang bulalas ko at tumayo na. Nakakainis kasi.

Isang linggo rin kaming hindi nagkita dahil nga nagstay muna ako sa Manila para sa mga guestings ko tapos pag-uwi ko, ganyan na siya. Kagabi pa ako sinusungitan. Ni hindi man lang nga niya ako dinalaw sa Manila dahil busy siya sa trabaho niya.

Kahit hindi pa siya tapos kumain ay niligpit ko na ang kinainan ko tapos at basta ko na lang yun iniwan sa sink. Nagdadabog na lumabas ako ng kusina para iwan na lang siya dun. Nakakabwisit ang pagmumukha niya.

Dumeretso ako sa kwarto at tinawagan si Kayceelyn. Kailangan kong maggala ngayon para mawala ang stress at yamot ko kay Antonio. Baka ihagis ko siya sa bulkang Taal pag napikon ako.

Luckily ay pumayag naman si Kaycee na makipagkita sa'kin dahil na kay Jerick naman daw si Kendrix. Napag-usapan naming dalawin na lang si Athena sa kanila dahil hindi naman yun pwedeng maggala at buntis nga. Nakakatuwa, 2 weeks from now ay ikakasal na siya pero wala siyang idea. Si Miguel na kasi ang umayos ng lahat at gusto niya, surpresahin na lang si Athena. Again and again, Sana all.

Matapos kong maligo ay basta na lang akong humigit ng damit sa closet. Crop top pa ng nakuha ko at medyo kita rin yung dibdib ko dito. Regalo kasi sa'kin 'to ni Lizette at isang beses ko pa lang nasusuot. Tinatamad naman akong magpalit kaya hinayaan ko na lang. Nagmaong shorts na lang din ako saka sneakers. Bahala na. Di ko rin naman alam kung saan kami pupunta ni Kayceelyn.

"Where are you going?" Kunot noong tanong ni Antonio pagkapasok ng kwarto. Tinaasan ko lang siya ng kilay tapos ay inirapan. Kung badtrip siya, wag niya akong idamay dahil wala naman akong ginagawang masama. Gusto ko na ngang iannounce sa interview na yun na engaged na ako pero hindi ko nagawa dahil hindi naman niya ako binibigyan ng ring. Baka magmukha pa akong assuming.

"Tinatanong kita, Dawn"

"Psh. Paki mo?! Sinusungitan mo lang naman ako dito!" Singhal ko sa kanya bago ipinagpatuloy ang pag-aayos ko. Bihira akong magmake-up pero parang gusto kong umawra ngayon. Makapang-asar lang.

Nothing But DawnWhere stories live. Discover now