Chapter 7

61 6 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"Bakit ka malungkot, Dawnita?" Tanong sa'kin ni Antonio habang naglalakad kami pauwi. Bakasyon na namin simula bukas. Masaya ako dahil mas makakatulong ako sa'min pero malungkot din dahil mamimiss ko yung mga kaibigan ko. Ang bilis talaga ng panahon.

"E kasi si Kaycee, iiwan na tayo" nagpaalam na kasi sa'min si Kaycee kanina na magtatransfer na siya sa ibang school next school year. Kanina pa nga ako iyak ng iyak dahil dun.

"Di naman tayo tuluyang iiwan. Medyo lalayo lang siya pansamantala"

"Ganun na rin yun .. tapos ikaw. Aalis ka rin. Nakakainis ka rin" nagpaalam na kasi siyang magbabakasyon silang magkakapatid dun sa grandparents nila sa Switzerland. Mananatili sila dun hanggang bago magpasukan.

Napakamot siya sa ulo niya at inilapat ang isang kamay sa balikat ko. "Sorry na. Minsan lang kasing humiling sa'min sina Lola kaya di namin matanggihan"

Nararamdaman kong nangingilid na naman yung mga luha ko kaya nanatiling nakayuko lang ako. Ganito rin ako noong lumipat kami dito. Marami na rin kasi akong naging kaibigan sa dati kong school. I love making friends .. pero pinipili ko lang yung mga kinakaibigan ko.

Naramdaman ko namang tuluyan nang umakbay sa'kin si Antonio kaya siniko ko siya. "Hoy, layo!"

Tumawa lang siya at pinisil ang pisngi ko. Umiba kami ng daan at nakita ko na lang ang sariling tinatahak ang daan patungo doon sa bundok kung saan kami tumatambay para panoorin ang paglubog ng araw.

"Antonio, sasapakin talaga kita pag di ka lumayo sa'kin" saway ko sa kanya dahil umiinit na naman ang pisngi ko.

"Ngayon lang, Dawnita. Pagbigyan mo na ako .. dalawang buwan mo rin akong hindi makikita. Dalawang buwan ring walang mangungulit sa'yo" dahil sa sinabi niya ay tuluyang tumulo ang luha ko. Nakakainis .. bakit kasi ang iyakin ko?

"Hoy, bakit umiiyak ka na naman?" Tarantang tanong niya at sinapo ang mukha ko para punasan ang luha ko.

"Gawa mo. I hate you" lumamlam ang mga mata niya natigilan na lang ako nung bigla niya akong kinabig para yakapin. Ultimo ang mga luha ko ay nahinto sa pagtulo at nanlaki rin ang mga mata ko sa gulat. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may yumakap sa'king lalaki bukod kay Tatay.

"H-hoy, b-bitaw"

"5 minutes" bulong niya at naramdaman kong ipinatong niya ang baba sa tuktok ng ulo ko. Nanatiling nakalapat sa may dibdib niya ang pisngi ko. Ang tangkad kasi!

Wala pa kami sa place namin .. narito pa lang kami sa daan pero wala na namang mga tao kaya hinayaan ko na lang siya. Makalipas ng ilang sandali at binitawan na rin niya ako at hinaplos ang pisngi ko para punasan ang natitirang luha. Matapos nun ay hinawakan na niya ang kamay ko at naglakad na kami papunta doon sa bundok.

Buti na lang at hindi na kami naka-uniform kaya wala na akong iintindihing heels at palda na nililipad ng hangin.

Tahimik na naupo lang kami sa lagi naming pwesto habang nakatingin sa papalubog na araw. Sa ilang beses na pagpunta namin dito, ngayon lang kami tumambay ng malungkot. Usually ay tawanan lang kami ng tawanan dito habang nagkakantahan.

Huminga ako ng malalim at hinarap siya. "Hoy"

Agad naman siyang lumingon sa'kin kaya masuyong nginitian ko siya. "Papasalubungan mo ako ng maraming chocolates ha"

Nagpakawala siya ng isang malakas na buntong hininga at gumuhit ang matamis na ngiti sa labi niya. "Akala ko galit ka sa'kin"

"Di naman ako galit. Nalulungkot lang ako"

Nothing But DawnWhere stories live. Discover now