Chapter 20

54 6 0
                                    

Dawn Zygel Andrea's

"What's with the long face, love?" Malambing na tanong ni Antonio habang nakasakay kami sa sasakyan niya. Pauwi na kami sa bahay at kagagaling lang sa pageant ng department namin kung saan nagwagi si Athena.

"Long face ka diyan" humalukipkip ako at pumikit dahil sumasakit ang ulo ko. Ilang araw na kasi akong hindi nakakapasok sa coffee shop dahil sa mga event sa school na required naming attendan. Payag naman yung may-ari ng coffee shop kaya lang, syempre may kaltas yung sahod ko. Kailangan ko pa naman ng pera ngayon dahil nagkasakit si Tatay ng isang linggo at hindi nakapagtinda .. kaya ayun, kapos kami sa pambili ng gatas nung mga bata at pang maintenance ni Nanay.

"Okay, bakit ka na lang tahimik? Di ako sanay" napailing na lang ako at sumandal sa balikat niya. Ngayon lang ulit kami nagkasama matapos ng ilang linggo dahil pareho kaming busy sa pag-aaral. Nagsimula na kasi ang second semester. Mas maraming gawain at mas mahihirap na ang mga subjects. Minsan nga, wala na rin kaming time na magpadala ng mensahe sa isa't-isa. Buti nga at wala ata siyang ginagawa ngayon kaya nakapunta siya. Sabagay .. wala na siyang pasok ng Saturday e.

"May iniisip lang" mahinang sabi ko at mas sumiksik pa sa kanya. Umakbay naman siya sa'kin at hinaplos-haplos ang buhok ko.

"Ayaw mong pag-usapan?" Napabuntong hininga na lang ako at nagsimulang magkwento sa kanya. As usual, ang bilis ko lang nakapag-open sa kanya .. at pagtapos nun, medyo gumaan ang loob ko. Iba rin talaga yung pakiramdam na may taong dumadamay sayo.

"Tapos kanina, habang nakatingin ako kina Athena saka kay Nanay Linda, nakaramdam ako ng inggit. Hindi kasi ganun sa'kin si Nanay" ang swerte ni Athena sa nanay niya .. halatang mahal na mahal siya nito. Samantalang yung Nanay ko, hindi man lang nga ako magawang kamustahin. Kinakausap lang niya ako pag humihingi siya sa'kin ng pansugal. Pakunswelo na lang na pag maganda ang gising niya, ipinaghahain niya ako ng almusal sa umaga .. pero bilang na bilang lang sa daliri kung ilang beses nangyari yun.

"Hindi naman pare-pareho yung way ng pag-eexpress ng love ang mga magulang natin. Siguro, nagkataon lang na hindi showy si Nanay Arsenia" pagdedepensa niya kay Nanay kaya napanguso na lang ako. Ganun din kasi ang pampalubag ng loob ko sa sarili ko.

"Gusto ko ulit maranasan yung suklayan niya ako ng buhok habang kinukwento ko sa kanya yung nangyari sa'kin buong araw. Ganun kasi kami nung mga bata pa lang kami e. Dati nga, hindi naman kami nag-aaway-away nina Ate. Nagsimula lang naman yun nung natuto si Nanay magsugal at chumika sa mga kapitbahay" Payapa lang ang buhay namin sa probinsya noon. Kinamulatan na talaga namin na si Tatay lang ang nagtatrabaho tapos si Nanay ay sa bahay lang at nag-aalaga sa'min. Pero nung napabarkada siya at natutong magsugal, nagbago ang lahat.

Nung lumipat kami dito, akala namin ni Tatay, babalik siya sa dati pero parang lumala pa nga ata. Wala kaming ideya kung anong nangyari sa kanya at kung ano ang problema niya. Basta ang alam ko lang, namimiss ko na yung dating si Nanay.

"Malay mo nag-eenjoy lang si Nanay. Mayaya ngang magsabong minsan" tatawa-tawang sabi niya kaya naiinis na hinampas ko siya sa balikat.

"Jusmiyo ha! Wag mo nang turuan yun ng ibang sugal. Baka hindi ko na yun maabutan lagi sa bahay at nasa sabungan na. Saka marunong kang magsabong, Antonio?!!" Nanlilisik ang matang hinarap ko siya at pinagsasabunutan. Pati si Mang Andoy na tahimik na nagdadrive ay napapatingin na rin sa'min.

"Joke lang! Kamalayan kong magsabong" tawa siya nang tawa habang iniiwasan ang mga kurot at sabunot ko.

"Subukan mo lang talaga, Antonio. Ikaw ang tatalian ko sa paa!"

"Asa ka namang magsasabong ako. Baka itakwil ako ni itay"

Inirapan ko siya at umayos na ng upo. "Asa rin namang gawin yun ni Tito Alonso. Baby ka nun e"

Nothing But DawnWhere stories live. Discover now